Waters of March

Una ko siyang narinig sa radyo. Siguro mga 1977 yun. Hindi ko pa alam noon ang tinatawag na samba at bossa nova beat pero tumatak na sa utak at puso ko ang rhythm at melody ng kanta. Simula noon, lagi ko itong inaabangan na patugtugin sa mga jazz stations. Bumili ako noon ng Jingle, ang usong song hits noong 1970s, at pinag-aralan ang lyrics ng kanta. Sa una’y parang walang ibig sabihin ang mga salita–puro enumeration ng mga bagay. “A stick, a stone, it’s the end of the road, it’s the rest of a stump it’s a little alone. it’s a sliver of glass, it is life, it’s the sun, it is night, it is death, it’s a trap, it’s a gun.” Pag pinaulit-ulit mo siyang kantahin, mapapansin mong tinatalakay ng kanta ang cycle of life at ang kanyang mga dualities—ang pagsilang at kamatayan. Araw at gabi. Ang pagbukadkad at pagkatuyot.

“Waters of March”ang pamagat ng kanta. Isang komposisyon ng Brazilian musician na si Antonio Carlos Jobim at kinanta ng Sergio Mendes. Hanggang ngayon, nananatili ito sa isa sa mga pinakapaborito kong kanta. Hindi ko kailanman pinagsasawaan. Hindi siya naluluma sa aking pandinig. Sa dalawa kong cellphone, may naka store akong  file ng “Waters of March” pero pareho silang nasa wikang Portuguese. Ito kasi ang original version bago siya nasalin sa wikang ingles. Yung isa, version ng Romanian jazz singer na si Basia at yung isa naman, version mismo ni  Antonio Carlos Jobim na ang title ay “Aguas de Marco“. Syempre hindi ko siya naiintindihan dahil Portuguese nga ang salita. Pero ganun ang musika. Hindi mo siya kailangang mainitindihan. Mag-e-enjoy ka pa rin kahit na anong wika ito kantahin.

Napakarami ng version ng kantang “Waters of March.” Hindi lang siguro 50 singers all over the world ang kumanta nito. Andyan sina Lani Hall, Al Jarreau, Paula West, Astrud Gilberto, Lisa Ono, David Campbell, Stacey Kent at maging ang ating mga singers na sina Agot Isidro at Sitti ay kinanta rin ito. Mga pitong taon na ang nakakalipas, ginamit ang melody ng “Waters of March” bilang theme song ng commercial ng Ayala Malls sa Makati. Naalala ko ito dahil laging pinapalabas ang patalastas na yun sa mga sinehan ng Ayala Malls noong araw.

Sa isang interview kay Antonio Carlos Jobim na na-research ko sa internet, sinabi niya na marami siyang natipid na bills for psychological therapy sa pag-c-compose ng mga kanta gaya ng “Aguas de Marco.” Ibig sabihin, nagiging outlet niya ang kanyang mga komposisiyon para mailabas ang kanyang mga “angst” sa buhay. Tapos ipinaliwanag niya na ang melody at lyrics daw ng “Waters of March” ay sinadya niyang gawin na parang pagpatak talaga ng tubig sa waterfalls. Tuwing Marso kasi sa Brazil  bumubuhos ang pinakamalakas na ulan at parang ito ang kanyang tribute sa maulang buwan ng Marso.

Naging habit ko na ito for the past five years. Tuwing unang araw ng Marso, pinapatugtog ko ang “Waters of March” at nakikikanta ako.  Wala lang. Gusto kong magpugay sa isang bagong buwan. Gusto kong damhin ang sinasabi ng kanta. “….And the riverbank talks of the waters of March; It’s the end of the strain. It’s the joy in your heart.

Subukan nyong hanapin ito sa youtube. Type Waters of March, Sergio Mendes sa search mode. Mag-e-enjoy din kayo.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Music. Bookmark the permalink.

3 Responses to Waters of March

  1. audie says:

    jazz rythms na tayo rgm…hehehe – wala na nga pala un.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s