Beddings

Bukod sa pagkain, pagbibiyahe, pagsusulat at pagbabasa, isa sa mga paborito kong gawin sa buhay ay ang matulog. Wala na yatang sasarap pa sa pakiramdam ng bagong gising at well rested. Feeling ko kaibigan ko ang buong mundo. Kahit walang pera, hindi umiinit ang ulo ko kasi nakapahinga ako. Ang sarap mag-inat-inat at magpagulong-gulong sa kama. Sabi nga nila, one-third daw ng ating buhay, nakahiga tayo sa kama. Palagay ko ako, hindi lang one-third. Kasi kahapon na lang, wala kaming pasok. Practically, the whole day nasa kama ako. Doon ako nagbasa, nanood ng TV, kumain at nag-internet. In fact, doon ako nagsulat ng blog. Lumabas lang ako ng bahay para mag-grocery pero pag-uwi ko, humiga na naman ako sa kama.

Napakahalaga ng kama para sa akin at nag-i-invest ako talaga para makagawa ng magandang tulog. Isa sa mga pinagkakaabalahan ko recently ay ang tumingin ng magagandang beddings–mula bed covers, blankets, comforter, duvets at pillow cases . Hindi ko alam kung bakit yung mismong act ng pagtingin ng mga beddings sa malls ay nakaka-relax sa akin. Tuwang-tuwa akong magbubuklat ng mga home decor magazines na may magagandang kama at magagandang beddings lalo na ang mga luxury brands gaya ng John Robshaw, D. Porthault, Frette at Charlotte Thomas na talaga namang papanaginipin mo na lang kasi sobra nilang mahal. Sa mga display beds sa mga malls, tuwang-tuwa akong sinasalat salat ang texture ng mga pillow cases at linens. Naaaalala ko lagi nang minsang natulog ako sa Sonya’s Garden kung saan ang linen ng aking tinulugang kama ay talagang naka-almirol pa, plantsadong-plantsado at kay bango-bango. Unforgettable yun.

Marami sa atin ay binabale wala na lang ang ating tinutulugang kama. Pero ang hindi natin alam, sabi ng mga duktor, our beds and our beddings say a lot about our health. In fact, kung ilalagay daw natin ang ating mga bedsheets sa isang microscope, baka tayo manghilakbot sa dami ng mga duming ating mga makikita doon.  Unang una, lahat daw ng ating mga bed sheets ay mayroong mga dust mites, mga maliliit na microscopic bugs na kinakain ang ating mga patay na skin cells. Kapag patuloy silang nag-reproduce maaari raw tayong mag develop ng allergies na maaaaring ikahina ng ating immune system. Bukod pa rito, ang ating mga patay na skin cells, oils, pawis at iba pang bodily fluids ay lahat naninirahan sa ating mga bed sheets kaya kailangang ang mga ito ay ating labhan every other week. Ang atin daw mga unan ay kailangan ding labhan at least twice a year. Kung hindi, kailangang palitan na natin ang mga ito. Hindi pwede ang palit lang ng palit ng pillow cases pero ang mismong pillow naman ay marumi.

Naisip ko lang ang lahat ng mga ito dahil bago ako natulog kagabi, nagbabasa ako ng isang lumang issue ng GQ magazine at may special article sila tungkol sa beds and beddings. At nahagip ko nga roon, kung gusto nating maging mas healthy, kailangang malinis at maayos ang ating mga beddings. Aminin man natin o hindi, may sinasabi ito tungkol sa atin. Our beddings somehow also define who we are.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Memories of Home, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

5 Responses to Beddings

  1. Rey Manalo says:

    talaga naman, ang pagbabasa ay nakapapagpa-dunong sa tao…pero nagdudulot rin ng maraming,.. sorry sa salita na aking gagamitin…ARTE! Kung sisilipin natin ang naging buhay ng mga ninuno, wala silang ganyan. ang unan nila ay kaputol na kahoy. minsan nga, sangkalan na pinagtatadtaran ng karneng baka.

    Simple ang buhay na aking kinamulatan. Kaya pag ganito ang requirements para magkaroon ng buhay na maayos, kalusugang wagas,…maraming mababawas sa populasyon ng Pilipinas. at hindi na pag-aawayan ng pro-at anti ang RH bill. (umagwat yata ako sa topic, hahaha) sana, masakyan mi iyon, RM. salamat.🙂

  2. hahahaha. sakay na sakay ako, rey. tama ka. maarte ako sa larangang yan. sana nga ay papag lang ang tinutulugan ko (sanay na sanay tayo dyan) pero sa tindi ng lamig dito, mamamatay ako pag papag at kumot lang ang gagamitin ko. thanks for reading.🙂

  3. Stella says:

    Sabi nga magbiro ka sa lasing wag lang sa walang tulog:-) May u have restful sleep tonite!

  4. Permskee says:

    I realized just now that I take photos of he hotel beds I have slept in. Mai-post nga sa FB.

  5. Bedding is very important for body rest lots of hotel and resort provide best facility of bedding people and tourist always book hotel for rest….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s