Panalong Panalo ang “The Artist”

Kung hindi pa nanalo ng apat na Oscar awards ang pelikulang “The Artist,” kasama ang best director at best picture,  wala na sana akong balak panoorin pa ito. Parang di ko ma-imagine na uupo ako ng 100 minuto para manood ng silent film tapos black and white pa. At bagamat holiday ngayon dito, nakakatamad lumabas kasi malakas ang ulan at saksakan ng lamig. Pero nanaig ang curiousity ko.  Isa pa,  bilib din ako sa abilidad ng mga French film directors. Kaya sumayi ako sa ulan at pumila ng matagal para lang mapanood ang obra ni Michel Hazanaviscius.

Hindi ako nagsisi.

Ang “The Artist” ay kuwento ng buhay ng mga artista noong silent movie era noong 1927. Bida sa istorya si George Valentin (ginampanan ng best actor winner na si Jean Dujardin), isang sikat na silent movie actor na nasa height ng kanyang career: guwapo, matagumpay, mayaman, sikat. Isang araw, nakilala niya si Peppy Miller (Berenice Bejo), isang napakabibang babae na di naglaon ay nadiskubre rin para gumanap sa pelikula. Pero yun na rin ang panahon noong nagsisimula nang mauso ang mga talking movies at si Peppy Miller ang unti-unting namayagpag bilang bagong superstar ng nagsasalitang pelikula. Habang sumisikat si Miller, unti-unti namang nawawalan ng ningning ang kasikatan ni Valentin hanggang sa naghirap siya, hiniwalayan siya ng kanyang asawa at ang tangi na lang naging loyal sa kanya ay ang kanyang driver (James Cromwell) at ang napakatalino niyang aso na si Uggy. Ang pagbangon at unti-unting pagsisimula ni Valentin para makabalik sa daigdig ng pelikula ay nangyari sa tulong na rin ni Miller. In the process, maraming mensahe ang istorya tungkol sa katanyagan, loyalty, pride, pagbangon at pagsisimula.

Para sa akin, palamuti lamang ang mga iyon kung ikukumpara sa mas malaking mensahe ng “The Artist”–ang kahanga-hangang hiwaga o magic ng pelikula. Bakit tayo nanonood ng sine? Ano ang nagagawa ng pelikula sa ating buhay? Bakit may mga taong gaya ko na kahit umuulan ay sumasayi, pumipila at di iniinda ang tila pamahal ng pamahal na presyo ng  ticket para lamang makapanood ng sine?

Sa huling limang minuto ng “The Artist,” naintindihan ko na kung bakit ito hinirang na best picture sa Oscar awards. Sa nakakaaliw na kombinasyon ng musika, ng mga moving black and white images, ng mga subtitles na nakasulat lamang sa cardboard gaya noong mga panahon ni Charlie Chaplin, nailahad ni Michel Hazanavicius sa napakamakasining na paraan ang kalimita’y di maipaliwanag na pang-akit at magic ng pelikula.

Sa mga susunod na taon, I’m sure pag-aaralan ng mga seryosong film students ang marami pang technical at artistic merits ng “The Artist” at marami pa silang mamiminang kayamanan sa hinirang na pinakamagandang pelikula ng 2011.

Salamat Bb. Gemma Delmo sa pagkumbinsi mo sa aking lumabas at panoorin ang sineng ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

2 Responses to Panalong Panalo ang “The Artist”

  1. gems says:

    haha bida pa pala ako dito kahit end-credit na ng blog mo, hay excited na rin ako panoorin kesehodang pagsamahin pa si sendong at ondoy🙂

  2. Rey Manalo says:

    makabili nga ng pinirata….hmmmmn.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s