Ang Pambihirang Talent ni Meryl Streep

Noong isang gabi, nanood ako ng “The Iron Lady,” ang pelikulang tumalakay sa buhay ng dating British prime Minister na si Margaret Thatcher na buong husay na ginampanan ni Meryl Streep. Paglabas ko sa sinehan, narinig ko ang mga instik na nagbubulungan, at sa aking limitadong kaalaman ng salitang Mandarin, may na-pick-up ako sa mga sinasabi nila. “Ta she na me hao.” Ibig sabihin, she is so good. Ni-re-refer nila ang galing ng acting ni Meryl Streep sa pinanood naming pelikula.

Mixed ang reviews ng “The Iron Lady.” May mga nagandahan at mayroon ding tumuligsa sa kung paano ikwinento ni Phyllida Lloyd, ang direktor ng pelikula, ang buhay ni Margaret Thatcher. May mga nalito dahil sa paulit-ulit na flashback sa mga panahong bata pa si Thatcher at nagsisimula pa lang sa daigdig ng British politics, papunta sa panahong kasalukuyan kung saan siya ay isa ng matandang ulyanin na nakikipaglaban na sa dementia, isang uri ng mental illness. Pero wala pa akong nabasang review na nagsabing hindi magaling ang pagkakaganap ni Meryl Streep. Lahat ng critics ay humahanga sa pambihira niyang pagganap bilang Thatcher. Nakuha niya di lamang ang hitsura ni Thatcher kung di pati ang lakas ng kanyang personalidad: ang katatagan, tapang, kagitingan at ang pagiging buo ang loob nang di nawawala ang kanyang soft, feminine side. May nagsabi pa ngang si Meryl Streep daw ang nag-salba ng pelikula at mayroon din akong nabasa na nagsabing “she upstaged the whole film.” Ang maidadagdag ko lang sa mga papuring ito, if only for her performance, it is all worth the price of admission.

Simula noong una ko siyang mapanood sa “Kramer vs. Kramer” noong early `80s, nasubaybayan ko ang consistent na pambihirang galing ni Meryl Streep bilang actress at patuloy akong humahanga kung paano niya nabibigyan ng bagong buhay ang bawa’t papel na kanyang ginagampanan. Kamumuhian mo siya kapag ang kanyang papel ay maldita (“The Devil Wears Prada”) at kaaawaan mo siya kapag ang ginagampanan naman niya ay isang tormented wife and mother (“Bridges of Madison County,” Sophie’s Choice,” “One True Thing”) Mapa comedy man (“She-Devil,” Death Becomes Her”) o musical (“Mamma Mia”), nag-t-transform siya at ikaw na manonood ay makaka experience ng suspension of disbelief, yung pakiramdam mo ay hindi na siya si Meryl Streep kung hindi siya na mismo ang character ng pelikula.

Kanina lang ay pinanood ko ang mga clips ng isang tribute kay Meryl Streep ng AFI sa youtube at sobra kong nagustuhan ang mga nakakatawa at witty lines na sinabi ng writer/director na si Nora Ephron tungkol sa kanya. Ayon kay Ephron :“I highly recommend that Meryl Streep play you….she plays all of us better than we play ourselves, although it’s a little depressing knowing that if you audition to play yourself  you would lose out to her. When I’m having a bad day, I’ll call on Meryl and she’ll step in for me. She’s so good at playing me, that people don’t notice. I call her at the end of the day and find out how I did and then inevitably, it’s one of the best days I’ve ever had.”

Ang tunay na hamon daw ng isang magaling na actor or actress ay ang abilidad niyang  magampanan ang mga pangilalim o mga nasa loob na katotohanan ng isang tao. Sa wikang ingles, “…to portray the inner truth of another human being.” Para magampanan ito, kailangan niya ng talino na maunawaan ang mga saloobin ng isang tao. Pero hindi sapat ang pangunawa. Dapat ay maramdaman niya  rin ang emotional journey ng taong kaniyang ginagampanan at ma-interpret niya ito ayon sa kaniyang perspective. Ito raw ang pambihirang talento ni Meryl Streep kaya umaayon ako sa maraming nagsasabing siya na ang pinakamahusay na actress ng ating henerasyon.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies, Personalities. Bookmark the permalink.

6 Responses to Ang Pambihirang Talent ni Meryl Streep

  1. chelsey says:

    san po kau nakanood?

  2. Nald – The Bridges – my fave of all her movies…Thanks for writing about her:)

  3. Permskee says:

    Favorite ko si Tita Merryl. Have you seen her movie “It’s Complicated” with Alec Baldwin and Steve Martin? She was gorgeous, funny, and sexy sa pelikulang yun. She’s aging gracefully like Helen Mirren.

  4. gems says:

    basta ako the devil wears prada pa rin, grabe when i saw that movie, parang gusto ko na lang magtinda ng sago kesa mamasukan sa vogue..epektib tlga ang lola meryl!

  5. Rey Manalo says:

    Bridges of Madison Country…:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s