Cancer Caution

Nitong nakaraang limang taon, lima sa aking mga mahal sa buhay at kamag-anak ang namatay sa cancer. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubusang maisip na wala na sila dahil kay sisigla ng kanilang mga hitsura at disposision sa buhay. Hindi ko rin mapigil na matakot kasi cancer can hit anyone of us anytime. Ang bilis ng kanyang progression. At kung ikaw ay tulad ko na galing sa pamilya na may history ng cancer, mas kakabahan ka. Mas nakaka praning kasi sa aking mga pagtatanong sa mga duktor at sa mga nababasa ko sa libro at sa internet, parang lahat na lang, pwedeng maging sanhi ng cancer. Ang kinakain mo, ang nilalanghap mong hangin, ang sikat ng araw, ang stress–kahit na nga raw ang musikang pinapakinggan mo, ay pwedeng magdulot ng cancer. Paano pa tayo magwawagi nyan when the very act of living seems cancerous? Kasi lahat naman daw tayo ay may cancer cells. Na-a-activate nga lang daw ang mga ito depende sa ating diet and lifestyle.

The other day, nagpunta ako sa website ng Philippine cancer society at may nakita akong article na pinamagatang “13 Steps You Can take to Prevent Cancer” na sinulat ni Dr. Ben Kim. Take note, prevent, hindi cure. Gusto kong i-share sa inyo ang mga ito. Pipilitin kong isalin ayon sa aking pagkakaintindi ang kanyang english text. Ang mga detalye ng explanasyon tungkol dito ay pwedeng mabasa  ng buo sa website ng Philippine Cancer Society. http://www.philippinecancer.org.ph

  1. Kung ikaw ay magiging sexually active, piliting maging parehong monogamous ang inyong relasyon at siguraduhing ang iyong partner ay walang human papilloma virus (HPV). Sa mga babae, rekomendado ang magpa pap smear test regularly.
  2. Kumain ng mga sariwang gulay at prutas, kung maaari, yung organic. Ang mga pinaka-powerful cancer fighting vegetables ay ang mga sumusunod: broccoli, repolyo, brussel sprouts, mustasa, kale at cauliflower. Dapat nga raw, ang atiing mga salad ay kinapapalooban ng mga sumusunod: romaine lettuce, kamatis, bell peppers, broccoli, chick peas, kidney beans, avocado at carrots;
  3. Iwasan ang pagkain ng mga matatamis.
  4. Alamin ang pagkakaiba ng healthy at unhealthy oils. Healthy ang mga olive oil at coconut oil.Iwasan ang mga corn oil, cotton seed, sunflower at safflower;
  5. Mag-ingat sa mga electromagnetic fields at ionizing radiation. Ang mga electromagnetic fields tulad ng X-ray ay itinuturing na class B carcinogen na dangerous to human health. (Nasa website ang detalye);
  6. Huwag gumamit ng mga oral contraceptives at hormone replacement therapy;
  7. Panatilihing ma-maintain ang inyong optimal na timbang.
  8. Maging physically active: ang exercise ay nakaka-boost ng immune system, nakapipigil sa obesity, nakabababa ng estrogen at insulin growth factor levels;
  9. Iwasang ma-expose sa mga environmental toxins. Ang ano mga ito? Heavy metals – found in mercury fillings, treated wood, antiperspirants, vaccines, and factory farmed fish; Polychlorinated biphenyls (PCBs) – found in factory farmed fish; Asbestos – found in many building materials made before the mid to late 1970s; Dioxins – found in fat of animals that are factory farmed; Volatile Organic Compounds (VOCs) – found in cosmetics, clothing that has been dry cleaned, air fresheners, paints, deodorants, and bug repellents; Pesticides – non-organic fruits and vegetables, factory farmed meats, and bug repellents
  10. Piliting matulog ng 8-10 hours a day sa madilim na lugar.
  11. Huwag manigarilyo, uminom ng alcohol at mag-take ng mga recreational drugs.
  12. Iwasan ang maaalat na pagkain.
  13. Ang emotional stress ang isa sa pinakamatinding sanhi ng growth ng cancer cells. Easy-easy lang daw tayo. Huwag pakadibdibin ang mga problema sa buhay.

Sabi ni M. Scott Peck, (The Road Less Travelled), “life is difficult.” Wala nga namang nagsabing madali ang buhay. Pero pag na realize mo na ganun talaga ang kalakaran, mas magiging madali na itong tanggapin. Good luck to all of us. Let’s all strive to be healthy!

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Health, Technology, Tips. Bookmark the permalink.

3 Responses to Cancer Caution

  1. Jeannie Pacheco says:

    basta ikaw…alam mo na ang sagot ko, pag dinapuan ako ng cancer….

  2. Rey Manalo says:

    God bless us today….!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s