Ang Kultura ng Pagtitiis

At one point in our lives, naririnig natin itong sinasabi ng ating mga kaibigan, kakilala, ka-pamilya–lahat sila. O minsan, tayo mismo.

“Hindi lang ako nagsasalita, pero matagal na akong nagtitiis.”

“Konting tiis pa.”

“Tinitiis ko na lang.”

May kultura talaga tayo ng pagtitiis. Nilulunok at ina-absorb natin ang sakit at pait. We swallow the bitter pill. Sa wikang ingles, we call it “forbearance,” “to persevere,” “to endure.” Malimit, ginagawa natin ito ng tahimik lang. Tawag nga ng mga matatanda, “Tiim ang bag-ang.” Bakit nga kaya? May kinalaman kaya dito ang ating colonial past? Ito ba ang dahilan kung bakit marami sa ating mga buhay ay talaga namang pang MMK–punong-puno ng dalamhati at panibugho?

May kaibigan akong Pinay na nakapag-asawa ng Dutch. Kapag punong-puno na sya sa kanyang asawa, tumatahimik siya. Hindi siya kumikibo. Tapos, bigla na lang niya kukunin ang maleta at mag-aalsa-balutan. Mag-f-freak out naman ang Dutch. “I don’t understand your friend, man.” Reklamo sa akin nung Dutch, one time nang magkita-kita kami. I’d rather that she shouts at me. But giving me that silent treatment? That freaks me out. Is that part of your culture?”

“Yes, I guess so,” sabi ko pero hindi rin ako makapag-expound.

Dito sa Taiwan, ikinuwento ko ito sa aking kaibigang European na may girlfriend na Taiwanese. At yun din mismo ang reklamo niya.

“Maybe it’s an Asian trait,” sabi niya.

Sa tingin ko, triple-edged sword ang pagtitiis. Sa isang banda, nakasasama ito kasi kinikimkim natin ang ating sama ng loob. Hindi tayo nagsasalita. Ayon sa mga duktor, ang sobra daw pagtatago ng tunay na nadarama can lead to tumors and cancer. On the other hand, nagkakaroon din tayo ng sense of control kasi kung sa bawa’t sama ng loob ay nag-aalma tayo, baka kailangan din natin ng anger management therapy.

Sa isa pa ring banda, survival skill din ang pagtitiis. Kaya siguro nakakayanan natin ang mga trahedya at sakuna ng buhay kasi nga tinitiis natin. And what does not kill us makes us stronger.

Sa art of war, skill din yan dahil deceptively, tahimik ka lang. Hindi mo pinahahalata sa kalaban mong nasasaktan ka. Iniipon mo. And then you attack. Totoong palaban na attitude pero may pagka-traidor din, di ba?

The point is, nakakatakot ang sobrang pagtitiis. Ang tao na matagal ng galit, kapag sumabog ay parang Mt. Pinatubo. Titigil na sandali ang mundo at magbabago ng temperature. O kaya para siyang aso na hindi tumatahol pero pag nakantil ay nangangagat, pumapatay. Ika nga ni FPJ, “pag puno na ang salop….” kayo na ang magdugtong.

Mag-ingat sa mga taong sobrang matiisin. Hindi ka nila sasantuhin.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

6 Responses to Ang Kultura ng Pagtitiis

  1. Nymfa Aranas says:

    naalala ko tuloy nang mag-RA ako kay AGF sa kanyang Communication & Culture project (National Character Study of the Filipino)…. well somehow kasama nga yata sa ating collective psyche ang pagkamatiisin. on the other hand, i believe it’s more of personality and personal conviction…. and maturity na rin.

    unfortunately, medyo kabaligtaran ako ng matiisin esp. in my 20’s through 30’s. wouldn’t forget how a german friend and co-worker got offended when i said, “You think you’re an expert? Then you do your own thing.”…. just not the type of person who would keep things inside. gulat ko naman na na-hurt ang puti…. to think na ang alam natin sa kultura nila ay sraightforward at blunt.😉

  2. Rey Manalo says:

    RM…mas mainam na kalaban yung inilalabas ang lahat ng gustong gawin at sabihin sa iyo. Dun, wala kang katatakutan na resbak. Pero kapag ang kalaban mo’y nag-tiim-bagang, kinuyom ang mga palad at umalis ng walang ano mang sinabi o ginawa.. mag-iingat ka na! sa susunod na engkwentro ninyo’y mayroong babagsak. Lintik lang ang walang ganti….ang kalaban lang ng ugaling ito na hindi kayang bweltahan ay ang karukhaan. galit na galit ka na dahil wala kang makuhang trabaho, nagugutom na ang pamilya mo, pero wala kang magawa….magtitiis ka pa rin.

  3. Ken Geasley says:

    Physical activity can provide an outlet for your emotions, especially if you’re about to erupt. If you feel your anger escalating, go for a brisk walk or run, or spend some time doing other favorite physical activities. Physical activity stimulates various brain chemicals that can leave you feeling happier and more relaxed than you were before you worked out. –

    Please do view our new online site
    <'http://www.prettygoddess.com

  4. Jennyfer C Beredo says:

    Totoo yan Mr. Ronald ang Pagtititis ay bahagi na ng ating kultura ng ating kinalakhan. Maliit pa ako noon nasanay na rin ako sa pagtitiis na may kinalaman sa pag-aaral, kabuhayan at iba pa. Malaki ang nagagawa nito para maabot mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Sabi nga pag may tiyaga may nilaga. Maraming salamat sa iyong artikulo, malaki ang naitutulong nito sa mga murang isipan na makakabasa nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s