The Descendants

Nagiging isa na sa mga paborito kong film directors si Alexander Payne, ang Greek American na ex-husband ni Sandra Oh at direktor ng mga pelikulang “About Schmidt” (2002) at “Sideways” (2004). Sa kanyang huling obra, ang “The Descendants” na ngayon ay nominated sa ilang Oscar awards, muli nyang pinakita ang kanyang galing sa paghabi ng isang madramang kuwento sa paraang napakamakatotohanan. Hindi OA at hindi rin kulang. Napakihirap matimpla ng ganitong uri ng kombinasyon pero na pull off ito ni Payne with flying colors.

Ang “The Descendants” ay base sa nobela ni Kaui Hart Hemming. Tungkol ito kay Matt King (George Clooney), isang middle-aged real estate lawyer na naatasang mamahala sa pagbebenta ng isang napakalawak na lupain sa Hawaii na pagmamayari ng kanyang mga ninuno. Habang dinedesisyunan ng kanyang mga pinsan at kamag-anak ang pagbebenta sa nasabing lupa, ang asawa ni Matt na si Elizabeth (Patricia Hastie) ay nagkaroon ng isang boat accident, bagay na sanhi ng kanyang pagkakasadlak sa isang irreversible coma. Bagama’t hindi siya malapit sa kanyang dalawang anak na babae, napilitan ngayon si Matt na alagaan ang rebeldeng teenager na si Alex (Shailene Woodley) at ang 10-year-old na batang si Scottie (Amara Miller). Pero may isang bombshell na nadiskubre si Matt na ipinagtapat ng kanyang anak na dalaga–may ka-affair pala ang kanyang asawa at matagal na itong nagtataksil sa kanya. Tatlong bagay ngayon ang binalanse ng character na ginampanan ni Clooney: Ang makipag-bonding sa kanyang mga anak na tila malayo ang loob sa kanya, ang makipagbati sa kanyang taksil na asawang nakaratay sa coma, at ang maayos ang ma-pulitikal na pagbebenta ng lupain ng kanyang pamilya. Habang nangyayari ang lahat ng ito, sinabihan na ng mga duktor na hindi na muling gigising pa ang kanyang asawa.

Ang “The Descendants” ay kuwento ng mga sugat ng pamilya at ang proseso ng paghilom o paggaling ng mga nasabing sugat. Ang mga ganitong uri ng tema ang isa sa pinakamahirap mahabing kuwento dahil kalimitan, nagiging melodramatic ang dating ng pelikula o kung hindi man ay parang kulang o hilaw. Pero sa masusing direksyon ni Alexander Payne at sa pambihirang galing ng pagganap ni George Clooney, mahusay na nailahad ang kalimitang problema ng mga ordinaryong pamilya lalo na kapag ang mga miyembro nito ay hindi close sa isa’t-isa.

Isa sa mga nagustuhan ko sa pelikula ay ang kanyang unpredictability. Patuloy kang naso-sorpresa sa mga eksena at hindi mo alam ang mga susunod na mangyayari. Maaaliw ka rin sa galing ng pagkakaganap ng mga supporting cast, lalo na ang dalawang babaeng gumanap bilang anak ni Clooney. Tatawa ka sa kanilang mga antics at maiiyak ka rin kapag binalita sa kanilang hindi na muling gigising pa ang kanilang ina. At nang tuluyan na ngang magpaalam si George Clooney sa kanyang comatose na asawa, imposibleng hindi mo maramdaman ang ipinamalas niyang sakit, galit, pagmamahal at pagpapatawad sa kanyang asawa. At kung ikaw ay isang George Clooney fan na tulad ko, alam mo rin na ito na ang kanyang pinakamahusay na pagganap sa kanyang buong acting career.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

2 Responses to The Descendants

  1. Rey Manalo says:

    congrats kung ganun…fan din ako!🙂

  2. Permskee says:

    Na-inspired ako sa post mo. I, however, find Mr. Clooney cartoonish. Through this movie, perhaps, mag-level up na sha list ko. yay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s