Simpleng Buhay

Di ko mapigilang mapabuntunghininga nang makita ko ang picture na naka-post dito sa Facebook account ni Robert Alejandro. Kung sinuman ang kumuha ng picture na ito, congratulations. Sobrang panalo ito. Sa pinakita mong larawan ng dalawang batang nakaupo sa maliit na kahoy na tulay at magkaakbay na nagtatampisaw sa batis habang yung isa ay may pandong na dahon ng saging, at yung isa naman ay hawak hawak ang huling isda, naikuwento mo ang sanlaksang kaligayahang dulot ng simpleng buhay sa nayon. Buhay na malayo sa daigdig ng internet,  mortgage, traffic, cellphones, credit cards, signature at branded na damit, alahas, gadgets, polusyon,  elevator at escalator, neon lights, deadlines, stress, migranes at heartaches. Marami sa atin, lalo na yung nakatira sa lungsod, ang nag-aasam na sana kahit isang araw lang, maranasan natin ulit yung pure joy ng mga inosenteng bata.–naliligo sa ilog, naghahabulan sa pilapil, nanghuhuli ng mga tutubi at palaka sa parang, natutulog sa duyang nakasabit sa dalawang magkatapat na puno, sumasakay sa kalabaw, kumakain ng matamis na hinog na mangga, nagbibilang ng bituin sa langit.

Marami akong kakilala na nagkukwento sa akin kung gaano sila katindi na nagpursige para maabot ang mga pangarap nila sa buhay only to find out after reaching their dreams that there isn’t much there. Na matapos na makarating sa minimithing pangarap ay bigla nilang ma-mi-miss ang mga simple pleasures of life. Parang wala ng contentment ang tao. Sabi ng mga matatanda, simple lang naman  daw talaga ang buhay. Tao lang ang gumagawa ng komplikasyon. Kaya malimit akong mailing sa mga kontradiksyon ng buhay. Bakit ang daming kabataan na sobrang sinisira ang kanilang buhay–nag d-drugs, nagpapakamatay samantalang yung may mga terminal illness, gagagwin lahat para lang ma-extend pa ng kahit konti lang ang nalalabi nilang araw sa mundo? Bakit yung may sobra-sobra ng kayamanan, hindi pa nakokontento at garapalan pang gagawa ng paraan para magkamal ng mas marami pang salapi?

Kanino ko ba narining yun? Sa katapusan daw ng ating buhay, wala sa atin ang magsasabi na sana, nag-spend pa ako ng maraming panahon sa opisina….naggugol pa sana ako ng mas maraming oras para magtrabaho.

Hindi raw ganoon. Babalik at babalik tayo sa basic: Pamilya, mga kaibigan, simpleng buhay.

Sanay makuha natin ang marami pang leksyon sa larawan ng dalawang batang nagtatampisaw sa malinaw na batis.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

7 Responses to Simpleng Buhay

  1. Rey Manalo says:

    RP. nasabi mo pa, masarap talaga ang simpleng buhay. at mararanasan mo iyan kapag bumalik ka sa inyong probinsiya. at malaya sa maraming rekado ng buhay sa syudad para malasap ang sarap. malinis na dalampasigan at malinaw na tubig sa dagat. sa umaagos na bukal sasalok ng tubig na iinumin at iimbak sa banga… ang lamig. pipitas ng talbos ng kamote at ilalahok sa hipong sinigang. puputi ng talong at okra sa bakuran. iyan ang ulam sa tanghalian. mangunguha ng murang mais, saka kakayasin at ilalahok sa lugaw na malagkit saka gagataan….! sobrang solved ang meryenda. sa hapunan naman, tama na yung inihaw na dalag at ensaladang talong. pipigaan ng kalamansi….gutom na ako…!:)

  2. vincentty says:

    Kudos!!!

  3. Ida Galdiano says:

    marami ang nakakalimot kung paano ang isang tao any dumating dito sa mundo..na kung paano ang kanyang pagdating ay sya rin naman ang kanyang pagbabalik…

  4. annie says:

    there’s no place like home…if i could go back in the past;my home sweet home in laguna where hot spring resorts,mount makiling& volcano and most unforgetable places where i live…Thank’s a lot for the nice pic’s of this young boys at theire very simple world….

  5. Jennyfer C Beredo says:

    maraming salamat sa isang simpleng larawan ng buhay. tulad ko mababaw lang ang kaligayan, pagnakakita ng magandang view o sining ng kalikasan, aliw na aliw na. lagi ring nagmuni-muni ng simpleng buhay sa Pilipinas at nangangarap ng muling maranasan ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s