Batangas Memories

Dalawang mukha ng Batangas ang aking nakagisnan at nakalakihan. Ang una ay sa Batangas city kung saan ako ipinanganak at nag-aral mula elementary hanggang high school. Ang pangalawa naman ay sa San Luis Batangas, kung saan nandoon ang bahay ng aking mga lolo at lola at kung saan kami nagbabakasyon ng aking mga kapatid tuwing summer at Christmas break. Lungsod man o bukid, masasabi kong I have had the best of both worlds dahil sa lalawigan kung saan ako lumaki nabuo ang aking pagkatao at nangyari lahat ng masasayang alaala ng aking kabataan.

Ang bahay namin sa Batangas city ay malapit lang sa ilog ng Calumpang kaya lumaki akong nakikipaghabulan sa malapad na dike ng Calumpang, isang matarik na sementadong dike na slanted at sloping. Tanging mga batang Calumpang lamang ang nakakatakbo ng mabils sa posisyong pahilis, bagay na ikinahanga ng ibang mga kalaro namin na hindi sanay maglakad sa dike. Tumatawid din kami sa tulay ng ilog kung saan sa kabilang ibayo ay nandoon ang Pallocan, na ngayon ay kinatatayuan ng SM Batangas.

Naaalala ko ang pag-akyat namin ng aking mga pinsan sa puno ng aratiles na nasa likod lamang ng aming bakuran; ang panghuhuli namin ng mga hantik na langgam sa silong ng aming bahay at ang pagsasabong ng mga ito sa manipis na patpat ng walis tingting; ang pamamasyal namin sa plaza ng Batangas sa gabi at ang paglalaro ng piko, tumbang preso at patintero kapag bilog ang buwan.

Sa San Luis, Batangas naman, mas masaya ang aming mga exploration kasi unang una, bakasyon. Bukod pa roon, iba ang halina ng buhay sa bukid, lalo na nga at malapit ito sa dagat. Hindi ko malilimutan ang paglalakad namin sa dalampasigan tuwing hapon para manguha ng sigay, ganundin ang pamamasyal namin sa katabing bayan ng Taal kung saan tinatanaw namin ang mga lumang bahay na itinayo pa noong panahon ng mga Kastila. Malaking bahagi rin ng aking alaala sa San Luis ay ang masasarap na pagkain na hanggang ngayon, kahit na ako ay naninirahan na sa ibang bansa, ay hinahanap-hanap ko pa rin: ang sinaing na tulingan na niluto sa palayok at sa kahoy; ang tapa at longganisang Taal; ang tamales; ang bihongke, ang duhat na kinalog sa asin; ang matamis na singuelas at santol; ang inihaw na sugpo na sinawsaw sa suka, ang amoy at matapang na lasa ng kapeng barako.

Naaalala ko lahat ng ito dahil ang kaibigan kong si Ruel Limbo na kasama ko rati sa UP at tubong Rosario, Batangas  ay nakakuwentuhan ko sa YM Messenger noong nakaraang linggo. Ibinibida niya sa akin na dumadalo siya sa mga meeting ng “Diwa ng Batangan,” isang organisasyon na kasapi sa Heritage Conservation Society National Group. Bahagi ng layunin ng grupo na mapalawig ang kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa yaman ng kulturang Batangueno. Marami diumanong mga activities na pinaplano ang grupo para ma-preserve ang mga artifacts, mapaganda ang mga museum sa lalawigan at maka-reach out sa mas marami nating kababayan na hanggang ngayon ay dayuhan pa rin sa ating sinilangang bayan.

Nakakahiya mang aminin pero bakit kung kelan pa ako nanirahan sa ibang bansa ay saka ko lang totoong na-appreciate ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malalim na kaalaman hinggil sa kalinangan at kultura ng aming lalawigan. Kaya sinisimulan ko ang lahat sa mga alaala, sa mga bagay na aking natatandaan. Gusto kong maitala lahat dahil naniniwala ako na malaki ang magagawa nito para mas lubusan ko pang makilala hindi lang ang Batangas, kung hindi pati na rin ang aking sarili.

Hindi ga?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

10 Responses to Batangas Memories

  1. Rey Manalo says:

    ay, ang sarap ng buhay kahapon! hindi pa naman huli ang lahat, kapag napagod ka na sa iyong paglilimayon, bumalik ka sa nayon, kahit wala na ang mga tao noon, ang bakas naman ay iniwan nila para sa susunod na henerasyon! nakikini-kinita ko ang hugis ng mga ala-ala ng iyong kahapon sa aking balintataw, RM!🙂

  2. Salamat, Rey. I am sure, may pitak sa yo ang aming lalawigan dahil sa aming gobernadora na balita ko’y all-out din daw ang support para lalo pang mapagyaman ang kultura ng Batangas.:-)

  3. gieagarcia says:

    Ala eh totoy, Hayae na, nalulumbay ka laang kasi matagal n apanahon kang di napapasyal sa Batanags eh. Balik ka dito at tay ay mag kapeng Barako hane.

  4. ruel says:

    Napaka swabe ng pagkakasulat. Salamat!

  5. Nymfa Aranas says:

    wow! nakakamiss talaga ang sinaing na tulingan…. hindi kasi uso yan dito sa bulacan. gayahin man namin ay iba pa rin ang lutong batangas…. pati na ang humba… gusto ko nga i-search ang recipe nun at miss ko na rin…. mga room mates ko noon sa ilag’s ay mga batanguenas kaya i got a taste of your culture.

    di ko malilimutan ang wedding sa batangas city na pinuntahan namin kung saan halos buong baryo yata ang mga bisita. at pinaka-highlight ang pagtitinda ng kakanin ng mga bagong kasal. i find this quite unique. yung sayawan sa kasal ay ginagawa rin sa ibang northern provinces. pero itong bidding ng kakanin, i guess, is only in batangas?

  6. Jennyfer C Beredo says:

    Mr. ronald, nakakamiss talaga ang mga alaala nang lumipas, marami rin akong di malilimutang sandali ng aking kabataan. Malapit lang ang San Ignacio sa San Pablo City. Isang sakay sa jeep at doon namimitas kami ng plum na pag kinain mo ay mamantsa sa ngipin. nangunguha din kami ng bunga na ginagamit sa nganga. ibinebenta namin sa palengke nasa elementarya ako noon. Mahilig talaga akong sa pagbebenta noong maliit pa ako at nang lumaki na ako. thanks Ronald sa napakasayang alaala ng iyong kabataan na tunay naman kaigaigayang basahin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s