Vicky & Hayden: Why Are We Curious?

Bakit sila na-h-headline? Kasi high profile celebrities sila. Dahil amusing ang kanilang kuwento. Dahil ang kuwento nila ay may mga sapat at angkop na blockbuster elements: sex scandal; suicide attempt; Senate inquiry. Dahil di lang ito karaniwang May-December affair. Mayroon itong streaks of  high glamour, showbiz glitz and lifestyles of the rich and famous. And we follow their story because it doesn’t only entertain us, it makes our problems appear smaller, less dramatic, less complicated, dull and boring.

Yung kaibigan ng kaibigan ko, gusto na raw magpakamatay dahil iniwan siya ng asawa. So, to the rescue naman ang friend kong babae. “Huwag kang magpakamatay. Sisiw lang yang problema mo. Tingnan mo nga si Hayden, sa kabila ng lahat, nakabangon pa rin!”

Naudlot ang planong pagpapakamatay ng kaibigan ng kaibigan ko. Na-enlighten diumano sa istorya ni Hayden.

Sa isang sosyal na coffee shop sa Greenbelt 5, nag-tsitsikahan ang tatlong matrona. Nagkikinangan ang kanilang mga alahas. Yung pinakamatanda sa kanila, nagrereklamo kasi ang hirap daw rendahan ng kanyang pabling na boyfriend.

“Ano ka ba naman? Sa yaman mong yan, hindi mo magamit ang kapangyarihan ng iyong salapi? Can’t you do a Vicky Belo?

Parang all of a sudden, nagiging benchmark sina Vicky at Hayden ng love endurance and survival. People are saying if they can pull it off, so can we.

Ilang araw lang ang nakakaraan, matapos nilang mag-guest sa show ni Kris, eto’t nakabandera na naman sila sa mga newspaper headlines. “It’s all over,” “Vicky-Hayden split,” etc. They have upped the ante of the love survival game. At tayong lahat–mayaman man o mahirap, cono man o jologs, matalino man o bopols, bata man o matanda ay minsan na namang na-amuse, napapa-“tsk,tsk, tsk,” “sabi na nga ba,” “kaloka,” etc. May mga sobrang naiinis pero tuloy pa ring binabasa at curious na curious sa mga susunod na kabanata. May ilan namang natatawa at napapamangha sa patuloy na pag-ikot ng gulong sa makulay na daigdig nina Vicky at Hayden.  I’m sure mayroon ding ilan na ang paniniwala ay honest to goodness love story ito worthy of a happy, fairytale ending.

Marami rin sa mga ordinaryong tao ang nariringgan nating magsabi ng mga linyang ganito: “Sana kasing yaman ako ni Vicky” o “Sana kasing guwapo ako ni Hayden” Kung nagkataon daw, they would have played their cards right. Given the chance, would they really?

Love and money always move in mysterious ways, and with the spotlight on and the cameras rolling,  people will forever be curious.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Memories of Home, Reflections, Relationships, TV. Bookmark the permalink.

2 Responses to Vicky & Hayden: Why Are We Curious?

  1. Rey Manalo says:

    Vicky Belo and Hayden Kho….tombstone, forever in our hearts! sa lahat ng sumasawsaw sa kanilang mga ginagawa, may puso man o wala, may spirit man o wala, naaliw din. nainis din. natawa rin. nalungkot din. biktima sila, tayo rin. usyoso tayo, eh. kapag natanong tayo, ano ang kontribusyon nina Hayden at Vicky sa mga nangyayari sa ating bansa, paglugmok o pagbangon…? maitataas kaya nito ang moral ng ating kabataan? pag nasa balita sila, mabili ba ang tabloid at magazine. noong may scandal si hayden, hindi nawala si Vicky sa kanyang likuran, all out sa suporta,. akala ko, totoong pag-ibig…now ko lang na-realized, guwapo nga pala si hayden at mapera si Vicky…gamitan lang ba sila? MA-malay ko. PA- pakialam ko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s