Linsanity

Kung sa mga sandaling ito ay hindi pa kayo nadadapuan ng “Linsanity,” ang tila mala epidemiya na pagkahumaling sa Asian American basketball sensation na si Jeremy Lin, marahil ay sobra kayong busy o di kaya ay nakatira kayo sa kabundukan. Ayon sa mga balita, maging ang buong staff ng White House at si President Barack Obama ay buo ang paghanga sa 6 ft. 3 na player ng New York Knicks ng NBA. Sa Amerika, dumodoble at tumitriple raw ang sales ng mga ticket sa NBA games kapag si Jeremy Lin ang naglalaro. Sa Mainland China, tumitigil daw ang mga kabataang instik sa kanilang ginagawa at naka-glue sila sa kanilang mga TV sets kapag pinapanood nila ang laro ng New York Knicks at ng Lakers. Milyon-milyon na ang tweets at shoutouts tungkol sa Harvard economics graduate na isa na ngayong basketball icon. At eto ako, nakikisali rin sa milyon-milyong nag-b-blog tungkol kay Jeremy Lin. What is it about this “Linsanity” anyway?

Sa katulad kong hindi naman mahilig sa sports, isa ako siguro sa pinakauhuling naka-diskubre sa galing ni Jeremy Lin sa basketball. Pero nitong nakaraang buwan, tuwing umaga, habang nag-t-treadmill ako sa gym, nanonood ako ng World Sports sa CNN at araw-araw, binabalita ng mga sports anchors kung paano nag-standing ovation ang mga basketball fans kay Jeremy Lin tuwing siya ay naglalaro. “Lin scored 38 points in Friday’s win over the Lakers, giving Lin 89 points in 3 starts,” sabi ng isang anchor. Kapag nilipat ko sa ESPN, ito naman ang aking maririning: “Lin’s 38 points were the most by anyone against the Lakers since Monta Ellis scored 38 against them on January 12 of last year.” At nakikita ko ang mga footage ng paglalaro ni Lin–mabilis siyang tumakbo, mataas tumalon, maliksing kumilos. At sa kanyang bawa’t attempt mag-shoot ng bola, bullseye ito lagi. Kahanga-hanga nga!

Dalawa sa mga puntos kung bakit mas lalong nahumaling ang mga tao kay Jeremy Lin ay ang una, ang kanyang pagiging Asian, at pangalawa, ang kanyang disiplinadong buhay. Sa kasaysayan ng NBA, siya lamang ang ititnuturing na American player na galing sa Chinese at Taiwanese descent. Ang kanyang mga magulang ay nag emigrate galing Taiwan patungong Amerika noong 1970s at doon na si Lin pinanganak at lumaki. Alam naman natin na hindi nakakapasok ang mga American Asians sa NBA hindi dahil sa di sila magaling maglaro ng basketball, kung hindi generally, mas maliliit ang mga Asians kesa mga kano. And let’s all accept it, mayroon pa ring racial prejudice kahit sa daigdig ng sports. Kahit mismo si Jeremy Lin ay inamin ito sa isang panayam :”I do think my ethnicity did affect the way the coaches recruited me… I think if I were a different race, I would’ve been receruited differently” Sa ilang sports magazine articles, inamin din ni Lin na noong nagsisimula raw siyang magpakitang gilas sa basketball, malimit ay kinakantiyatawan siya ng mga spectators dahil sa kanyang pagiging Chinese. Sinasabihan siya na “Wonton soup,” “Open your eyes,” at “Go back to China.”

Pero tingnan nyo naman, kinain nila lahat ng kanilang mga kantiyaw at panlilibak nang ipakita ni Lin ang kanyang husay sa paglalaro ng basketball.

Kumakalat din sa youtube at ilang intrernet sites ngayon ang mga testimonial ni Jeremy Lin bilang isang devoted Christian kung saan sinasabi niyang ang lahat ng kanyang tagumpay ay inaalaay niya sa Diyos and for his greater glory– bagay na lalong ikinahahanga ng kanyang mga millions of fans.

Si Jeremy Lin ay isa lamang sa mga sterotypical Asian overachievers sa America. Pagpapatunay na unti-unti na talagang namamayagpag ang mga Asians sa iba’t-ibang larangan–mapa-sports, mapa-akademiya, mapa-entertainment, etc.

Mabuhay ka, Jeremy Lin and your entire league! Show the world that Asians are made of sterner stuff.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Personalities, Trends. Bookmark the permalink.

5 Responses to Linsanity

  1. gems says:

    linsanity, lincredible, lintastic, linpossible, linning, lindol (sa atin hehe) the media will never run out of nicks for the new NBA wonder Jeremy Lin but with all his humility, he attributes everything to GOD, and now that’s humb ‘LIN before His Creator…I have the reason to watch NBA again🙂

  2. Rey Manalo says:

    Ang taong may Diyos, mahusay, magaling!🙂

  3. Gemmaris says:

    Ron, actually tulad mo din ako na di ko kilala dati si Jeremy Lin. Nung una ko nakita itong Linsanity mo sa FB mo ay akala ko tungkol ito kay Lindsay Lohan. Hahahaha.

    Pero ngayon kilala ko na sya go Asians Jeremy sa Basketball at Manny sa Boxing

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s