Let’s Get Smarter

Kamakailan, naging interesado ako sa neurobiology at cognitive science dahil gusto kong malaman ang science of memory loss. Kanya lang, dahil hindi naman ako scientist, hindi ko maarok ang mga napaka technical na paliwanag na nababasa ko sa internet. Kalimitan dito ay mga medical journals at nakakatulog akong basahin ang mga napakahirap intindihing paliwanag tungkol sa mga misteryo ng brain research. Three weeks ago, nabasa ko ang cover story ng Newsweek na “31 Ways to Get Smarter.” Uy, okay `to kako. At least mas popularized ang pagpapaliwanang ng Newsweek.Magiging masyadong mahaba ang blog na ito kung is-share ko rito ang buong 31 na paraan ng pagiging mas smart, ayon sa author na si Sharon Begley. So, pipiliin ko lang ang ilan sa mga suggestions niya–at least yung mga tinalakay niya na nag-resonate sa akin.

  1. Play words with friends–ayon sa mga research work, ang pagsagot sa mga word puzzles ay nakakatulong na mabawasan ang chances ng Alzheimer’s at dementia kaya make it a habit to exercise your brain by playing Sudoku at iba pang mga word puzzles.
  2. Mag-aral ng bagong lengguwahe–ang pag-aaral daw ng ibang language ay nagbibigay ng workout sa prefrontal cortex ng ating mga utak, na nakakatulong ng maigi sa ating decision making at sa pag get in touch natin sa ating emotions.
  3. Magkakain ng dark chocolate–Matagal ng naitala na ang dark chocolate ay mayroong memory improving flavonoids. Ganundin ang pag-inom ng isang baso ng red wine na great source din daw ng flavonoid.
  4. Magkakain ng yougurt–ayon daw sa mga experiments, ang mga daga na pinakain ng yogurt ay nakitaan ng increased activity sa section ng kanilang mga utak na nagha-handle ng emotions at memory.
  5. Mag-aral tumugtog musical instruments–“Learning an instrument boosts IQ and increases activity in parts of the brain controlling memory and coordination.”
  6. Umionom ng kape–Ang mga babae raw na umiinom ng apat na tasa ng kape sa isang araw ay mas nakaka-handle ng depression ng mas mabuti kesa mga babae na umiinom lang ng kape once a week. “Other studies have shown coffee to bolster short-term memory.”
  7. Mag-iinom ng tubig–“Dehydration forces to work harder and may dampen its planing ability.”
  8. Magsulat gamit ang kamay–“Brain scan shows that handwriting engages more sections of the brain than typing. Bonus brain boost: it’s easier to remember something once you’ve written it down on paper.”
  9. Magsulat ng mga online reviews–Ang pagsusulat daw tungkol sa inyong mga opinyon online ay nakakatulong na maintindihan ninyo ang takbo ng inyong pag-iisip (I’m on the right track!)
  10.  Magbiyahe out of town — “Getting in touch with Nature helps the brain recover.” Ang paglalakad daw sa isang busy city street ay nakakahina hindi lang ng memory kundi pati self-control.

Paulit-ulit ding sinabi  ni Begley sa kanyang Newsweek article ang kahalagahan ng pagtulog sa ating brain activity. “A midday nap not only can restore brain power to its fully awake best but can also raise it beyond what it would have been without some shut-eye.” Ganundin ang kahalagahan ng diet. “….small studies suggest that tumeric, a spice common in Indian cooking, and pomegranate juice may improve memory or other aspects of cognitive function.”

Sa katulad kong sobrang makakalimutin, I will take all these suggestions seriously. Kaya bago ang lahat, if you will excuse me, matutulog muna ako.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Tips, Trends. Bookmark the permalink.

6 Responses to Let’s Get Smarter

  1. Permskee says:

    I’m doing all ten but after reading this post, I think, I’ll be doing more of it! Especially No. 3. Hehehe!

  2. densho says:

    coffee and dark chocolate sounds good!

  3. Rey Manalo says:

    goodluck!🙂 sundin ko yung ilan. yung paglalakad sa tabing dagat, hobby ko. yung pag-inom ng tubig. d nabanggit yung pagsusulat gamit ang paa…..hahaha. Salamat RM.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s