When Words Fail

Magdamag niyang inisip ang kanyang sasabihin kasi Valentine’s day na ngayon. Sa katunayan, di siya nakatulog. Balik inihaw siya sa kama at pilit niyang kino-compose ang kanyang mga linya. Nang magkita sila, di na siya nakapagsalita. Di niya malaman kung bakit para siyang na-tameme. Bumubuhos noon ang ulan kaya binuksan niya ang payong.

“Halika, baka mabasa ka dyan,” sabi niya sabay hila sa babaeng matagal na niyang gustong pagtapatan ng damdamin.

Hinawakan din ng babae ang kanyang kamay. Pareho silang nakahawak sa payong at dahil sa malamig, sumandig ang babae sa balikat ng lalaki.

Di na kailangan ng dialogue. Naging sila na nung araw na yun.

Isa ako sa naniniwala sa angking kapangyarihan ng mga salita. Kaya nga nakahiligan ko ang pagsusulat kasi I am deeply in love with the power of words. Pero mas bilib ako sa kapangyarihan ng katahimikan. Marami itong nasasabi na hindi kayang abutin ng salita.

Kapag may trahedyang nagaganap sa buhay natin, walang salita na makaka-capture ng sakit at lalim ng ating dalamhati. Tumatahimik tayo.

After a heavy argument at natapos ang bangayan, umuupo tayo sa isang sulok at tahimik na pagmumunian ang naganap na away–all in utter silence.

Kapag nakakakita tayo ng mga eksenang nakaka-overwhelm–magical sunsets, moon glow, breathtaking landscapes, calm waters–malimit ay hindi tayo makapagsalita. Mga mata lang natin at mga buntunhininga ang nakapage-express ng “wow.”

Even in physical intimacy, love’s afterglow is experienced when two people cuddle each other in deep silence.

May kaibigan ako, nag-propose sa harap ng isang maliit na chapel sa may Tagaytay. Tinitigan niya yung nililigawan niya at nagsimula nang dumiga: “Alam mo…I…” pero hindi na niya naituloy. Hinawakan daw nung babae ang kanyang bibig at nagsabi ito ng “Shhhh…don’t spoil the moment.” Limang minuto silang nagtitigan at hinalikan siya ng babae sa labi. Fifteen minutes daw silang hindi nagsasalita. Nakatingin lang sila sa altar at ayon sa kaibigan ko, it was the best silent moment in our lives.

Sometimes, love is best expressed in the most quiet ways.

So when words fail, try silence. The answers will come.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections, Relationships. Bookmark the permalink.

6 Responses to When Words Fail

  1. Joann says:

    Mismo! This month have been tumultuous and id find myself battling decisions. Words can burn bridges but silence is healing.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s