Hearts in Bloom

Ang pinaka-busy na industriya sa Pilipinas ngayon ay ang ornamental industry. Ngayong bisperas ng Valentine’s Day, nakikinita ko na–hindi magkandaugaga ang mga florists at owners ng mga flowershop sa Maynila. Mula Baguio hanggang Dangwa, walang patid ang daloy ng mga roses at mums na ayon sa mga pag-aaral, ay tumataas ang presyo ng 300% kapag ganitong panahon. Di lang yun. Busy din ang lahat ng mga staff ng mga hotel at motel sa tindi ng daragsa mamayang gabi hanggang bukas para mag-dinner, manood ng concert, mag check-in at…alam nyo na. Di na kailangang i-explain ang obvious.

Kaya nga natawa ako sa Facebook post ng premyadong manunulat na si Lualhati Bautista nang i-post niya kanina ang isa sa kanyang mga lumang tula na nagsasabing wala raw kaibahan ang araw ng mga puso sa araw ng mga patay. “Pareho lang nagmamahal ang bulaklak Pareho lang nagsisikip ang trapiko pareho lang nag-uunahan, naggigitgitan na makapasok sa pupuntahan. Nagdiriwang ang pinalad Lumuluha ang naiwan.”

Bukas, i-c-celebrate ng maraming bansa sa buong mundo ang isa sa mga over used at over abused na salita sa English dictionary: Love. Pero naka-confine lang muna ito sa romantic love–ang pag-iibigan ng mga lovers, which, in our modern times, can now refer to any gender, regardless of their sexual preference.

Totoo ngang tila nabihisan na ng anyo ang romantic love ngayon. Mayroon ng tinatawag ngayong cyber love. Ligawan sa Skype, YM Messenger, Facebook, Twitter, etc. Mayroong ding nagkakaintindihan na lang sa palitan ng text messenges. Pero ang sum total pa rin ng lahat ay yung totoong itinitibok ng puso. Yung kilig. Yung di maintindihang elektrisidad. Yung di maipaliwanang na lukso ng pulso.  Yung sinasabi ni Gwynth Paltrow sa “Shakespeare in Love” na “the love that overthrows life.”

Wala raw itong pinipiling edad, lugar o panahon. Patay kang bata ka pag tinamaan ka. Mayroon akong kakilala. Lecturer sya sa University of the Philippines. Aattend sya ng isang conference  sa Europe. On the flight from Manila to Germany, may nakatabi siyang isang Greek businessman. Nagkakuwentuhan sila at sa di nya maipaliwanag na dahilan, nagkaroon sila ng matinding koneksyon sa ilang oras na nilipad ng kanilang eroplano sa himpapawid. Pag landing nila sa Germany, nag-propose na ng marriage ang Greek. In three months, kinasal na sila. May apat na anak na sila ngayon.

May kamag-anak ako, eight years na silang mag-on ng kanyang BF. Valentine’s Day daw ng nag-propose ng marriage ang lalaki pero nang pinaplano na ang kasal, may pinag-awayan silang matindi. Yung kamag-anak kong babae, she called off their wedding. Several days later, may nakilala syang bagong lalaki. In less than five months, kinasal sila. They are still happily married.

Kahapon, sa train station dito sa Taipei, may nakasabay akong dalawang teenager na tukaan ng tukaan at titigan ng titigan sa isa’t-isa. Parang sila lang ang dalawang tao sa mundo gayong nasa gitna sila ng libo-libong commuter na paroo’t- parito sa kanilang pupuntahan. Ang una kong inexpect, may magsasabi o magbibiro sa dalawa ng “Get a room!’ Pero lahat halos ng makakita sa kanila ay tahimik na napapangiti. Parang sinasabi nila na “I know the feeling….savor while it lasts.”

Nagtanong ako sa ilang kakiklala kung ano ang pakiramdam ng sobrang in-love at eto ang kanilang responses:

“Feeling ko kaya kong lahat. Walang obstacle na di ko kayang lusutan basta andyan sya sa tabi ko”

“Kahit fishball lang at kwek-kwek ang kinakain namin sa kanto, ang pakiramdam ko, para akong nasa Manila Hotel.”

“Morning, noon, till night, siya lang ang laman ng utak ko. Pag di sya nag text ng isang araw, naloloka ako.”

Sa dinami-dami ng luha, sakit, kahihiyaan, iskandalo at trahedya na idinudulot ng maraming romantic heartbreaks, bakit di maawat ang patuloy na pag-usbong ng mga mag-partner na sumusumpa–for better or for worse– na sila na nga habang buhay?

Sa mga pusong suwail at mahirap turuan, konting preno mga ate at kuya. Nakamamatay ang cardiac arrest.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections, Relationships. Bookmark the permalink.

2 Responses to Hearts in Bloom

  1. Nymfa Aranas says:

    kudos ronsky! salamat sa paalala…. talagang pag feelings ang pinanggagalingan ay medyo nakakabaliw ang “love”…. problem is pag yun lang ang foundation ay parati marami masasaktan at magkaka-heartbreak. pag lumalim na ang definition ng love into something unconditional, a decision or choice that one makes….maiiba ang mundo ng pag-ibig. always easier said than done, pero posible.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s