The One Who Got Away

“Fifteen years na ang nakakalipas pero hanggang ngayon, naiisip ko pa rin siya,” kumpisal ni Alfie (di niya tunay na pangalan), 42, banker and happily married.  Kinukuwento niya sa isang inuman ang nangyari sa kanila ni Elsie, na noong nakilala niya 17 years ago ay may asawa rin. Pareho silang may problema sa kanilang mga marriage at nagkahulihan sila ng loob nang ma-discover nila na pareho lang pala ang kanilang pinagdadaanan. Before they knew it, they were madly in love and having an affair.

“Dumating yun sa time na pareho na naming gustong humiwalay sa aming mga asawa,” kuwento ni Alfie. In fact, nag-decide na kami na magkikita nung weekend na yun. Ang plano namin, from Manila, tatawid kaming Cebu o Davao kung saan walang nakakakilala sa amin. Magsasama na kami.”

Pero di daw sumipot si Elsie. Nagpadala ito ng email kay Alfie the following day telling him na hindi niya kayang iwan ang kaniyang dalawang anak. “Kaya kong patayin ang nararamdaman ko sa `yo para sa mga anak ko” sabi ni Elsie. Nagbalik si Alfie sa bahay. Nag-isip-isip at na-realize niyang mukhang kailangan din niyang i-work out ang kaniyang marriage. Surprisingly, nagkasundo silang mag-asawa and Alfie never looked back.

That was until before Christmas of last year nang nakapila raw si Alfie sa grocery ng SM Megamall. “Ang haba-haba ng pila at ang init na ng ulo ko,” kuwento niya. “Paglingon ko sa likod ko, laking gulat ko nang makita ko si Elsie!”

Nagtama raw ang kanilang mga mata and it seemed like parang kahapon lang sila nagkita. “Lahat ng memories, lahat ng emotions nung nakaraang 15 years bumalik. Bumuhos na parang dam! Three minutes lang kaming nagkumustahan at nagpakiramdaman. Hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. Parehong gusto naming umiwas pero nararamdaman ko, gustong gusto naming magkuwentuhan ng matagal. “Si Elsie ang unang nagpaalam. Sabi niya, nag-aantay daw ang husband niya sa kotse. Nagmadali siyang tumakbo. Hinabol ng mata ko kung saan siya pupunta at nakita ko siyang dumudukot ng tissue paper sa kanyang bag. Nagpahid siya ng luha. Gustong gusto kong mag-breakdown nung panahong iyon. Nag-d-drive ako pauwi, paulit-ulit kong binibigkas ang lagi naming sinasabi noon sa isa’t-isa: how can such a beautiful thing be so wrong?”

Ang kwento ni Alfie ay isa lamang sa maraming kuwento na kung isusulat natin kay Tita Charo ay maaaring ma-televise sa MMK o maisapelikula ng Star Cinema. Dahil nga sa karamihan ng mga relasyon sa ating lipunan ay exclusive, hindi maiiwasang meron talaga tayong mga matitisod na tao sa ating buhay na kahit pinakamamahal natin ay pakakawalan natin dahil idinidikta ng ating relihiyon, ng ating lipunan at ng ating konsensiya na iyon ang tama. Minsan ay panahon at mga pangyayari na rin mismo ang nagtatama sa ating mga naging desisyon. Pero minsan ay di rin natin maiwasang magkaroon ng mga “what if” moments lalo na nga sa kaso ni Alfie na after 15 years ay buong-buo pa ang damdamin para sa kanyang tunay na minamahal. Aasa na lang ba siya na balang araw ay magkakatotoo rin ang lyrics ni Barry Manilow sa “Somewhere Down the Road” at sila rin balang araw ang magkakatuluyan? Hindi ba’t unfair naman yun sa kanyang present partner in life?

Bibihira ang lumilingon sa nakaraan at ngingiti kapag naiisip nilang everything fell into the right place.

Usually, thinking about “the one who got away” is always laced with a certain sadness.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections, Relationships. Bookmark the permalink.

One Response to The One Who Got Away

  1. Rey Manalo says:

    ” gusto ko ang linya mo, “how can such a beautiful thing be so wrong?” pero nanaig ang matinong pag-iisip ni Elsie over sa lunod na sa maling pagmamahal na Alfie! kapwa sila naging bahagi ng maling pag-tatagpo sa maling panahon at pagkakataon. Maige at hindi tuluyang nilukuban ng maling pagkakataon si Elsie. Kung nagkataon, pareho sila ngayon ni Alfie na babalik sa isang kahapon na puno ng pagsisisi.

    Kapwa kasi sila may asawa at anak kaya ko nasabing pareho silang babalik sa isang kahapon na puno ng pagsisisi…kung natuloy ang pagtakas nila sa kani-kaniyang pamilya….noon!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s