Ang Mundo ng mga Number 2

Para sa kanila, ang  kantang “Hiram” ni Zsazsa Padilla could just be their national anthem. Marami sa kanila ay nabubuhay nang tahimik–single, matatalino, career women, super driven and hopelessly romantic. Sa mga nakiklala ko, bibihira sa kanila ang in denial. Most of them, alam na alam ang katatayuan nila sa buhay and they are happy about it. Pero iilan lang sa kanila ang nag-e-expect ng happy ending. Marami sa kanila ay tanggap ang katotohanang one of these days ay maiiwan din silang nag-iisa at mauusal din nila with conviction ang famous line na “it’s better to have loved and lost than not to have loved at all.”

Welcome to their world.

Una akong naging interesado sa buhay ng mga mistresses nang magsulat ako ng isang teleplay tungkol sa kanila. Early `90s yun at binasa ko rin ang bestseller na libro ni Jullie Yap Daza ang “Etiquette for Mistresses….and what wives can learn from them” Sa pakikipag-usap at pakikipanayam ni Daza sa maraming mistresses, marami siyang na-draw out na leksyon. Eto ang 10 sa mga natatandaan kong etiquette na binaggit niya (maraming marami pang etiquette sa libro):

  1. Kahit ilang beses na sabihin ng iyong lover na mas mahal ka niya kesa sa kanyang asawa, huwag na huwag mong paniniwalaan ito. As a general rule daw, ang mga lalaki ay sinungaling (Aray ko, ang sakit!);
  2. Huwag mo siyang tatawagan. Antayin mong tawagan ka niya.
  3. Masyadong risky ang makita kayong dalawa minsan sa isang public place. Sa pangalawang beses, magiging fatal ito sa isa sa inyo. Ang pangatlong beses ay katapusan na ninyo. Love is lovelier when it is forbidden. Dahil sa ito ay bawal, dapat itong manatiling patago.
  4. Huwag maniniwala o huwag magsasabi ng anumang bagay na pangit hinggil sa kanyang asawa kahit na panay ang reklamo niya tungkol dito. Yung iba raw mistresses, ang pakiramdam ay masyado na silang mahal ng kanilang mga lover na ang pakiramdam nila, sila na ang totoong asawa.
  5. Ang mga mistresses ay hindi dapat magreklamo. Ang nagrereklamo lang ay ang mga legal wives.
  6. Pauwiin kaagad ang inyong mga lovers kapag naramdaman nyong nag-o-overstay na sila. Ano raw ba ang ginagawa ng mga lalaki pagkatapos magtalik? According to conventional wisdom, 10% sa kanila ay naninigarilyo; 20% ay nakakatulog at 70% ay umuuwi sa kanilang mga legal wives.
  7. Huwag gagamitin ang mga luha bilang armas. Mga legal wives lang ang gumagawa nun.
  8. Tanggalin ang ilusyon na balang araw, ikaw ay g-graduate from number 2 to number 1. Sabi nga ni Oscar Wilde: “One should always be in love. That is the reason why one should never marry.”
  9. Pigilan ang kagustuhang paliguan siya ng mga regalo. Magiging ebidensya ang mga regalo kaya huwag itong gagawin.
  10. Kapag may agam-agam, kaagad maglaho.

Kumplikado, mapanganib at magulo ang mundo ng mga mistresses pero bakit tila paparami sila ng paparami? Sabi ng isang kaibigan ko, kasi pag tinamaan ka ni Kupido, di ka na talaga mag-iisip. Susunod ka na lang sa agos. Or marami sa kanila, too late the hero. Nang madiskubreng may asawa na pala ang kanilang mga BF, huli na ang lahat–nahulog na sila sa patibong.

Bagama’t sobrang misunderstood, ang mga mistresses ang isa sa mga pinakamababait, fascinating at mapagmahal na mga tao sa buong mundo. Alam nila ang kanilang mga kahinaan at tinatanggap nila ito ng buong-buo. Higit sa lahat, matindi at walang kapares silang magmahal.

Marami nga namang matututunan ang mga babaeng may asawa sa kanila.

Thank you, Jullie Yap Daza for the inspiration.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Reflections, Relationships. Bookmark the permalink.

8 Responses to Ang Mundo ng mga Number 2

  1. Rey Manalo says:

    RM…marami akong kaibigan, ganyan yung drama sa buhay. parang wala na silang makikita pang magmamahal sa kanila, kaya kahit pangalawa, okey lang. yung iba, seguridad ang habol kaya pumatol. ang lalaking ito raw ang makapagbibigay sa kanya ng pang-upa sa apartment, pagkain, pang-alowance ng kapatid na estudyante. may dahilan sa lahat ng kinukuha sa lalaki. kapalit nun ang kanyang dignidad bilang babae. madalas naman sa number two aY SINGLE, pero bakit preferred nilang maging number TWO? Nakakatawa pero yung isa kong kilala, pumayag siyang maging kabit ng asawa ng kanyang kaibigan. sa kahilingan na rin nito. walang may sakit at mamamatay sa kanilang tatlo, napag-usapan lang raw nila iyon at pumayag siya. Yung tunay na asawa ay 57 years old na at yung lalakit ay 60. yung friend ko, 43. husto na ang mga isip nila pero gumagawa sila ng mga bagay na nakaka-inis. pero dahil wala namang mga anak na masasaktan, kahit paano, nauunawaan ko sila. lalo at maligaya at masaya sila kapag nakikita ko. trip nila iyon, eh. hayaan na lang. kaya minsan, pag may kalamidad sa atin, look na lang ako sa sky!….:)

  2. Permskee says:

    Hala kakasabi lang ni Aleli Arroyo stop glorifying home wreckers daw…

    • daye, i hope am not sounding like i am glorifying them because that was not my intention.

      • Permskee says:

        Oo naman. I understand what you wrote on two levels. The superficial level – which is what I chose to write on the comment box and the in-depth level – which I opted to keep to myself na lang. Hehehe. Medyo bias kasi ako at may pinagdadaanan ang isa sa mga mahal ko sa buhay.

        Cheers!

  3. Joann says:

    Ronsky love and life is complicated. We choose what makes us happy even if the choices we make give us temporary or short lived happiness. Whether it be an item we can’t afford or a relationship that is taboo we go for it. How do we stop chasing the wrong things or wrong people? How should we live our lives? Do we make choices from our heart or our mind? Kung ako ang tatanungin mo I’ll go with the mind and the heart will follow. Contentment is happiness and less complicated. I’m just saying.
    Keep your blogs coming! You are one heck of a writer and friend!❤

  4. sally says:

    mahirap intindihin pero mahirap ding pigilan..minsan hindi mo ginusto pero nangyayari di ba…welll thats life….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s