Infidelity

Alas dos ng umaga, ginising ako ng isang phone call galing sa isang kaibigan na matagal na ring naninirahan sa ibang bansa. Matagal ko na siyang di nakakausap kaya alam kong importanteng tawag ito.

“Ano’ng problema?” sabi ko, cutting the chase kasi alam kong mahal ang overseas call.

“Yung kumpare mo, may kinalolokohang babae,” sabi ng kaibigan kong umiiyak.

“Sigurado ka? Paano mo nalaman? Tanong ko.

“Wala akong concrete proof pero alam ko! Nararamdaman ko. Ang tagal na naming mag-asawa kaya kilala ko siya!”

Matagal kong pinakinggan ang kuwento ng kaibigan ko pero sa haba ng kanyang mga sinabi, wala akong nakitaan ng malakas na pruweba na ang kanyang asawa ay nag-co-commit nga ng infidelity. Na voice out ko ito sa kaibigan ko.

“Kausapin mo siya. Kumustahin mo lang. Baka magkwento siya,” bilin sa akin ng kaibigan ko.

Hindi ko pa ito ginagawa hanggang ngayon kasi sa totoo lang, ayokong manghimasok sa problema ng buhay mag-asawa. Isa lang ang sinabi ko sa kaibigan kong iyak ng iyak. “Unless you have concrete proof,” huwag ka munang mag-conclude.

Bigla ko tuloy naisip. May mga telltale signs nga ba ang infidelity–o in layman’s term ay cheating, pandaraya o pagtataksil? Sa lipunang ating ginagalawan, ito ang isa sa pinakamatinding dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa at ng may mga committed relationships. Karamihan sa mga relationships ay may unwritten rule na nagsasabing basta nagtaksil ka, non-negotiable na yun. It means goodbye na tayo. So malimit, yung mga taong natutuksong gumawa ng alingasngas ay ingat na ingat. Kaya naman mahirap ding mahuli.

Ayon sa mga nakakausap ko, eto raw ang ilan sa mga telltale signs na ang iyong better half ay maaaring may kinalolokohang iba:

  • Nagmumurang kamias sila. Pumuporma bigla, gayong dati naman ay simple lang silang manamit. Nagiging vain sila. Yung mga lalaking di naman dati nagpapa-derma, biglang nag-papa-diamond peel! Nagbibinata. Bumibili ng mga mamahaling pabango. Panay ang suklay at ang tagal tagal magbihis.
  • Text ng text. Di mo naman daw mabasa kasi binubura ang mga received and sent messages. Laging parang balisa pag may nag text o pag may tumawag ay kaagad kakaripas palabas para kausapin ang caller.
  • For unknown reasons, biglang-bigla silang nagkakaroon ng interest sa mga bagay na dati ay wala naman silang hilig tulad ng gardening, orchids, jazz music, etc.
  • Malimit ay busog na kapag nakauwi na ng bahay.
  • Naiiwan na ang wedding ring.
  • May mga unusual na purchases na naka reflect sa credit card bill–damit na pangbabae, make-up, etc.

Siyempre, kumbaga sa court case, ang mga  nasa itaas ay hindi concrete na batayan ng pagtataksil.  Unless nakita mo silang pumasok sa motel, naglalambutsingan sa mall o naghaharutan sa bar–saka mo masasabing confirmed ang iyong mga hinala. Nagiging powerful evidence na rin ang cyberspace–ang mga pictures sa Facebook, mga love letters sa email, etc.

Mahirap ma-capture ang damdamin ng isang taong pinagtaksilan. Marami sa mga nakaka-confirm tungkol sa infidelity ng kanilang mga partners ay totoong na-d-devastate at na d-damage na. May mga ilan na hindi na nakaka-recover. Ang impact kasi nito goes beyond physical intimacy. Salasalabid na issue ang papasok: pagsisinungaling; nasirang tiwala;  niyurakang pagkatao; pag-ibig na binalewala. Sa salitang kanto nga, sinasabing ang taong pinagtaksilan ay parang pinutungan ng ebak sa ulo.

Infidelity is a serious matter kaya as a pre-Valentine thought para sa mga may relasyon, appreciate and nurture your relationships. Pakaingatan ninyo na huwag kayong madapa sa kumunoy ng pagtataksil. Baka hindi na kayo makaahon.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections, Relationships. Bookmark the permalink.

3 Responses to Infidelity

  1. bogodoy says:

    Di ako maka-relate pero ang sarap basahin. Salamat sa sinulat mo, Ronald.

    And allow me to quote a small portion of what the bible says about adultery:

    Proverbs 6:32-35
    New International Version (NIV)

    32 But a man who commits adultery has no sense;
    whoever does so destroys himself.
    33 Blows and disgrace are his lot,
    and his shame will never be wiped away.
    34 For jealousy arouses a husband’s fury,
    and he will show no mercy when he takes revenge.
    35 He will not accept any compensation;
    he will refuse a bribe, however great it is.

  2. Rey Manalo says:

    hmmmn. RM. ang pagtataksil ay malaking pagkakamali na gagawin ng isang mabuting tao. kaya kung pinagtaksilan sila ng kanilang asawa, mayroon silang dapat ipagpasalamat. nakilala mo siya ng bongang-bongga! hahaha.🙂 pampalubag loob po.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s