Si Anoning

May mga boss na kagalang-galang at kahanga-hanga. May mga boss naman na power trippers, mapang-api at ang sarap pag aklasan. May mga boss din na nakakatawa at amusing. Sa pangatlong kategorya nabibilang si Anoning, ang aming lady boss a long time ago na tuwing naiisip ko ay di ko mapigil matawa. Bakit namin siya tinawag na Anoning? Ganito kasi sya:

Anoning: Ronald?

Ronald: Yes, Ma’am?

Anoning: Yung ano ba na ano mo na?

Ronald: Anong ano yun, Ma’am?

Anoning: (Thinks hard) Yung ano….

Ronald: (Mahuhulaan) Yung ad copy ho?

Anoning: Yun! Anohin nyo na yun at mahalagang ma-ano na yun.

Ang klaro nya, di ba? She does that around five times a day, kaya am sure malinaw na rin sa inyo kung bakit namin siya tinawag na Anoning. Ano kasi siya ng ano.

Corporate ang office namin noon. Maayos ang aming boardroom kung saan ginaganap ang aming mga weekly manager’s meeting. Talagang mayroon kaming strict dress code. Pag hindi kami naka-kurbata o naka leather shoes, pagsasabihan kami ng HR head. At pag inulit mo ulit, may sanction ka na. Every now and then, nagpapatawag ng manager’s meeting itong si Ms. Anoning. Nung bago pa lang ako, excited akong umattend kasi parang ang sarap makilahok sa mga brainstorming on market strategies, sales tactics and other activities that require sharp creative thinking. Talagang paghahandaan ko yun kasi baka ako matanong. So nag-n-notes ako at nag-r-research ng aking mga ideas para maitaas ang sales ng aming mga produktong binebenta. So heto na. Pasok na kaming mga managers sa boardroom. Nakaupo na sa gitna si Ms. Anoning. Fully made up  siya at sisimulan nya ang pormal na manager’s meeting sa ganitong banat.

“This is going to be quick. Alam naman nating lahat na on May 30, na-approve na ng management ang ating company outing. I need your ideas. Number one, saan natin ilalagay ang mga yelo? Hindi kaya matunaw yun?  Nag-order na ako ng lechon. Hindi ba yun masisira on the way to Antipolo? At saka naisip ko, kulang tayo sa kutkutin! Hindi pwede ang basta chippy lang. Dagdagan natin ng mga butong pakwan at Boy bawang!  So give me more ideas.”

Sa loob-loob ko, walanghiyang opisina ito. Pinagkurbata pa kami. Wala naman pala itong pinagkaiba sa perya.

Mahilig din si Anoning mag-speech sa aming  sales force. At pag nag-s-speech sya, may dala-dala siyang mga timba at manyika! Yes–di ako nagbibiro. Timba at manyika ladies and gentlemen–as an incentive sa makakabenta ng malakas, bibigyan nya ang mga ito ng–what else–libreng timba at manyika!

Eto pa. Nang minsan siyang mag-undergo ng isang major surgery,  from the hospital,  tinawagan niya ang kanyang secretary  at binanatan niya ng ganito: “Ano ba naman kayo? Three days na akong nandito, wala pang dumadalaw sa akin. Mag cash advance ka. Bumili ka ng bulaklak at padalahan mo ako, okay? Siguraduhin mong may card”

Ibang klase siya di ba?

Masaya ang naging buhay ko sa kompanyang pinamumunuan ni Anoning pero di rin nagtagal–after one a half years, umalis na rin ako dahil din sa kanya. But that’s another story. Pag binabalikan ko ang mga alaala niya ngayon, di ko lang talaga mapigil mailing at matawa.

She is definitely one for the books.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Humor, Memories of Home, Personalities. Bookmark the permalink.

15 Responses to Si Anoning

  1. Permskee says:

    Manyika at Timba lang? Sana dinagdagan nya ng Boy Bawang! Hahaha!

  2. Nymfa Aranas says:

    hahahaha….saang company ba yan ronald? nakakaintriga naman si anoning…. bakit nga kaya maraming matatalinong tao na hindi effective communicators o madalas groping for the right words… hindi masabi kung ano talaga ang ano…. este ang gustong sabihin….

    reminds me of my sister bago siya umalis para mag-phd sa US. medyo anoning din siya sa vernacular, pero pagdating naman sa ingles ay fluent. i’m glad after several years na nkapag-work siya sa amerika at nkapag-asawa ng amerikano ay inobserbahan ko siya nang ilang beses nagbakasyon dito….. hehehe…at last, nawala na ang pagiging “anoning.”

  3. naku nymfs, di ko pwedeng sabihin ang company dito. delikado. hehehe. email na lang kita. ako rin naman may mga anoning moments. pero di pa naman malala.

  4. sally says:

    hahaha kakaaliw naman ang boss mong yon… san yon RGM….bulong mo nga sa kin..

  5. Ninong says:

    Ganun pa rin daw sya Nald. Buti na lang wala na tayo dun.

  6. Monsta says:

    Bwahahaha.. pinasaya mo ko ngayon Nald.. I can relate to your story. Well baka di na anoning yun! baka natanggal na yun “no” sa anoning.. Na-a-aning na! hehehe.. sarap tumanaw from the past…

  7. hahahaha. salamat, dondee! thanks for reading my blog.

  8. eiyngel says:

    ahahahahha! dagdagan ko kaya ng happy ester! :p

  9. Ninong says:

    angel, i-share mo rin yung she is asking your email add he he classic yon

  10. Stella Roig says:

    Hahaha!!! Nakakaaliw talaga ang blog mo Ronald…Parang yung friend ko – ang tawag sa boss nila ay si Mr Didyouknow…Kc ang laging start ng sentence nya, Did you know?..HAPPY VALENTINE’S DAY, my friend…Kung zero man ang love life mo today, puno ka naman ng pagmamahal from your friends…Take care n hope to see you soon:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s