Viva Madonna!

Kung tutuusin, hindi naman talaga pambihira ang boses nya. Di hamak namang ang dami pang mas mataginting, mas buo, mas pulido ang tinig kaysa kanya. Pero ang mga paggalaw–ang pagsayaw, ang dating, ang overall packaging and projection. Yun ang panalo. And at 53, humahariba at umaarangkada pa rin siya bilang totoong reyna ng world pop music. Sa nakaraang Halftime Show at Superbowl na nakapost ngayon sa Youtube at kumakalat sa Facebook at marami pang internet sites, minsan pang pinatunayan ni Madonna Louise Veronica Ciccione na matatagalan pa bago may lumuklok sa tronong kanyang inuupuan.

Sa librong “Madonna: Unauthorized” ni Christopher Andersen, nilarawan ng manunulat na sa tindi ng impluwensiya ni Madonna sa American pop culture, mayroon ng social science subject na binuksan ang Harvard University tungkol sa kanya. Sa nasabing kurso, tinatalakay ang buhay niya, ang kanyang musika at ang kontribusyon ng half Italian, half American pop superstar sa kultura ng Amerika. Buhay pa siya ay pinag-aaralan na ng mga iskolar ang impact ng buhay nya sa lipunan. Hindi ba astig at matindi yun?

Unang sumikat noong mid-1980s,  kaakibat na ni Madonna ang lahat ng uri ng kontrobersya–mula sa kanyang lifestyle hanggang sa kanyang lovelife, hobbies at pribadong buhay. Dalawang bagay ang itinuturing na agimat at abilidad niya: her ability to shock and her knack for reinventing herself. Malimit siyang kalaban ng mga taong relihiyoso dahil sa kanyang mga wild perfromances at blasphemous ways. Pero bago pa man siya mapako sa krus, nababago niya ang kanyang imahen. Hindi nga ba’t from a material girl and sex-starved image, bigla siyang nagsulat ng children’s books at naging involved sa kung ano-anong philathropic causes? Noong na-associate siya sa alcohol and drugs, naging proponent siyang bigla ng physical fitness at bigla niyang binago ang  hitsura ng kanyang katawan at naging isang muscled athlete. Iba’t-iba ang kanyang naging persona–Dominatrix Madonna, Marilyn Monroe Madonna, Evita Madonna. Para siyang isang sawa na nagpapalit ng balat at anuman ang balat na kanyang isuot ay bumabagay sa kanya.

At sa nakaraang Halftime Show at Superbowl, habang kinakanta ni Madonna ang pinasikat niyang kantang “Vogue,” hindi ko mapigil mapa-wow. College pa lang ako nang mapanood ko siya sa “Desperately Seeking Susan,” nakitaan ko na siya ng pambihirang stage presence–hindi man siya pinakamagaling kumanta o umarte, compensated ng kanyang dance moves at projection ang kanyang mga weak points. At eto siya makalipas ang 27 taon–wala pa ring kupas at pagbabago. Umaarangkada at nagbibida sa isang makatindig balahibong production number na talagang pinag-uusapan ng lahat ngayon.

Maraming negatibong bagay ang maaaring maibato ng mga tao kay Madonna pero wala silang masasabi kapag staying power niya ang pinag-usapan. Sa puntong ito, panalong panalo siya.

May kumakalat na balitang mag-c-concert daw si Madonna sa Maynila ngayong taon. Pag natuloy ito, that would certainly be the concert of the year–or even of the decade.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Music, Personalities. Bookmark the permalink.

2 Responses to Viva Madonna!

  1. gemmaris says:

    Wow, well written. Ito talaga ang iniisip ko habang pinapanood ko yung half time. Ilang ulit ko kaya yan pinanood. Tama ka matatagalan bago may pumalit sa trono ni madonna.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s