Si Amapola sa 65 Kabanata

Hindi madaling basahin ang mga nobela ni Ricky Lee. Bagama’t magaan naman ito sa mata at mabilis lang basahin, marami siyang subtexts na kailangan mong isipin. Di tulad ng kanyang mga libro ng screenplays na agad mong makukuha ang mensahe ng bawa’t sequence, ang mga kabanata ng kanyang mga nobela ay may mga undercurrents. Kumbaga sa dagat, kalmado syang tingnan pero ang daming mga nagaganap sa ilalim ng tubig. Yan ang aking na-discover nung matapos kong basahin ang huli niyang nobelang “Si Amapola sa 65 Kabanata.”

I’ve always been a Ricky Lee fan. Noong college, nung una kong mabasa ang libro ng dalawa niyang screenplays, ang “Brutal” at “Salome,” na hook na ako sa kanyang mga kwento. Ang gaan niyang magsalaysay lalo na kapag ang kanyang genre ay drama na nangyari sa kasalukuyang panahon. Kitang kita ito sa sumunod niyang libro, ang screenplay ng “Moral,” isa sa mga paborito kong pelikulang Pinoy.

Pero sa “Si Amapola sa 65 Kabanata,” mixed at extremes ang aking reaksyon habang binabasa ko ang huling obra ni Lee. Pareho siyang masaya na malungkot,  nakakaaliw pero nakaka-disturb, nakakatawa na nakakainis at intelhente under the guise of jologs language and gayspeak. Marami siyang pinapatungkol tungkol sa estado ng ating tila bulok na lipunan ngayon pero ito ay nakahabi sa ilalim ng isang kuwento ng pantasya na nakakabaliw isipin.

Sa premise pa lang ng libro, ma-wi-windang na ang mambabasa sa pambihirang imahinasyon ni Ricky Lee. Si Amapola ay isang gay impersonator sa isang comedy bar sa Timog Quezon city. Pero hindi siya ordinaryong gay impersonator kasi mayroon siyang split personality. Ooops, correction. Split personalities dahil hindi lang isa o dalawa ang kanyang alters–3 pa ito! Kung complicated na yun. Eto pa. Isang gabi, na-discover nya na isa pala siyang manananggal. May pulis na nakadiskurbe sa kanyang pagkatao. Si Emil–machong pulis pero isang diehard Noranian na tuwing gabi ay nagugupit ng clippings ng kanyang idol habang nakikinig ng kantang “Pearly Shells” ni Ate Guy. May secret love din si Amapola–si Homer na isang aswang patroller. Pinalaki si Amapola ng kanyang ina-inahang si Aling Angie na kilala rin ang kanyang mga alters at alam na siya’y isang manananggal. Pero may dumating pang isang lola–si Lola Sepa–isang dating Katipunera na  na in-love kay Andres Bonifacio at nag time-travel para makarating sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paglabas sa iniodoro sa bahay nina Emil! Nag time travel siya para sabihin ang prophecy na si Amapola raw ang magiging tagapagligtas ng Pilipinas!

Ang far out na premise na ito at convoluted na plot ang naging dahilan kung bakit nahirapan akong sakyan ang huling nobela ni Ricky Lee. Maraming mga kabanata ang talagang nakakatawa dahil sa husay ni Lee na maghabi ng comedy dialogue. Marami ring mga suspense at action scenes na makapigil hininga gaya ng labanan ng mga manananggal. Hindi ko lang mawari kung bakit nang matapos ko ang libro, ang una kong tinanong sa sarili ay what was that all about? Maraming sinabi ang mga characters ng nobela tungkol sa malungkot na kalagayan ng Pinas–talamak ang corruption, manhid na ang mga mamamayan, wala na silang pakialam at text lang ng text, etc. pero hindi ko ito nakitang na-klaro sa political comedy novel ni Lee.

Maraming salamat Ajie Angeles sa pagregalo mo sa akin ng nobelang ito ni Ricky Lee. Nag enjoy ako kahit hindi ko ito lubusang nauunawaan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Entertainment. Bookmark the permalink.

2 Responses to Si Amapola sa 65 Kabanata

  1. Jeannie Pacheco says:

    pati ako naconfuse ah….

  2. lorraine says:

    Hanggang ngayon di ko pa rin sya tapos basahin. Nasa Kabanata 57 na’ko!🙂
    At first, medyo na-confuse ako sa takbo ng istorya, pero nung tumagal na dun ko na-gets na me mga alters pala si Amapola, isa na dun si Montero.🙂
    From Noranians to Panahon ng mga Kastila to Donuts. Da best!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s