Remembering Nimia

Nakilala ko si Nimia Gamo noong summer of 1998 nang umattend ako ng isang scriptwriting workshop na inisponsor ng Film Development Foundation of the Philippines. Si Nestor Torre ang aming teacher at sa loob ng mahigit na anim na buwan, matiyaga niya kaming tinurang humabi at sumulat ng mga dulang pangtelebisyon, teatro at pelikula. Noon pa man, inencourage na kami ni Mr. Torre na magsulat ng mga tema na malapit sa aming mga puso kasi ayon sa kanya, kapag personal ang aming kuwento, magkakaroon kami ng emotional commitment sa aming writing projects. Nang tanungin kami isa-isa kung ano ang mga gusto naming isulat na dulang pampelikula, naaalala ko si Nimia, buong tapang na nagtaas siya ng kamay at sinabi niya sa buong klase na gusto niyang isulat ang buhay niya bilang isang Christian single parent na mayroong bi-polar affective disorder.

Ang bi-polar o tinatawag ding manic-depressive syndrome ay isang mood disorder kung saan extremes ang palo ng emotional state ng isang tao. Kapag siya ay nasa manic mood, sobra siyang high, hyper at masaya. Kabaliktaran naman kapag siya ay nasa depressive state. Sobra syang malungkot, matamlay at malimit may mga suicidal tendencies pa. Bagama’t kinukwento sa amin ni Nimia ang kanyang karamdaman, hindi namin siya nakitaan ng sinasabi niyang mood swings noon dahil parati naman siyang masaya. Katunayan, nang nagiging close na kaming magkakaklase, inoffer pa ni Nimia ang kanyang bahay para doon namin ganapin ang aming mga party. Sa mga nasabing pagtitipon, malimit ko pa siyang nakikitang sumasayaw.

Bagama’t hindi na kami gaanong nagkita ni Nimia nang matapos ang aming workshop, lagi naman kaming nag-uusap sa telepono at nagpapadala ng email messages sa isa’t-isa. Malimit niya akong konsultahin tungkol sa kanyang trabaho bilang isang market research consultant at naaalala ko, mga five or ten minutes lang kaming mag-uusap ng seryoso tungkol sa kanyang trabaho at mga research projects. The remaining hours, puro kuwentuhan at biruan na. Isa rin ako sa mga taong pinagkatiwalaan niyang magbasa ng draft ng kanyang unang libro na “Things I Learned Before I was Born.” Sa librong ito (ang alam ko’y available pa ito sa National Bookstore), buong tapang niyang nilahad ang kanyang buhay bilang isang outstanding student sa UP, ang kanyang failed marriage at ang kanyang pakikipaglaban sa kanyang karamdaman na ipinaliwanag niya na isa raw chemical imbalance. Sa nasabing libro rin niya inamin na kung hindi lang sa kanyang malakas na pananampalataya sa Diyos, matagal na siyang nagpakamatay kapag dinadaanan siya ng matinding depression.

Dalawang bagay ang nag-stick sa akin sa personality ni Nimia. Ang pambihira niyang pananampalataya sa Diyos at ang kanyang sense of humor na siya mismo ang nag-d-describe na corny. Common joke na iy0n sa aming grupo at maging si Nimia ay nakikitawa na rin sa amin kapag nag-c-crack siya ng kanyang mga walang kamatayang corny jokes.

Mas napalapit ako kay Nimia nang maging close ako sa yumao kong kaibigang si Kune. Dahil sa close din sila, ako ang nayayakag ni Kune everytime na magkikita sila ni Nimia. Ilang beses kaming lumabas para kumanta sa KTV bars at kumain sa kung saan-saang restaurant and all throughout, na-discover ko kung gaano talaga kabait ang kaibigan namin ni Kune. Walang masamang tinapay sa kanya, lagi siyang masayahin at napaka generous niya lalo na sa pagbibigay niya ng orassa mga taong humihingi ng kanyang tulong.

Sometime in 2008 or 2009, tinawagan ako ni Kune at ibinalitang may cancer of the bones daw si Nimia. Nagpasabi siya na kung pwede naman daw kaming dumalaw sa kanya at ang special request niya, kumanta raw kaming dalawa nung isa pa naming kaibigan–si Andy Bais, na isang theater actor at professional singer. So tinawagan namin si Andy at pinuntahan namin si Nimia sa kanilang bahay sa Quezon City. Nakita namin siya na may mga contraptions na bakal sa likod at paa, pero nakangiti pa rin. At kahit na awang-awa kami sa kanyang kalagayan at gusto kong maiyak, nag-perform kami ni Andy sa harap ni Nimia–bagay na ikintuwa niya at ng kanyang mommy.

After a few months, bumalik ulit kami nina Andy at Kune sa bahay ni Nimia at nagulat kami kasi siya mismo ang nagbukas ng pinto ng bahay nila. Nakakalakad na siya at ang kwento niya sa amin, nag-u-undergo siya ng physical therapy as part of her medical treatment. Sumunod ko siyang nakita sa Gateway, Cubao at mas nagulat ako kasi ang bilis na niyang maglakad. Nag request siya kung pwede ko rin daw basahin ang draft ng isa pa niyang libro–isang tribute sa kanyang yumaong ama. Madali ko itong nagawa at inemail sa kanya ang aking mga comments.

Minsan ko lang siyang nakita na nasa depressed state. Nang minsang magkita-kita kami sa SM Megamall para sa welcome dinner ng isa pa naming kaklase at kaibigan na si Stella Roig. Under medication siya noon at buong gabi na kami’y nagkukwentuhan, parang hindi namin siya kasama. Nakatingin lang siya na blangko ang expression and lost in her own thoughts.

Ang huli kong contact kay Nimia ay nang kinuha niya akong videographer para sa isang market research na ginawa niya para sa isang media company. Sumama pa siya sa aking unang shoot sa isang bahay sa E. Rodriguez at kahit na mahina na siyang lumakad ay tawa pa rin siya ng tawa dahil totoo namang nakaaaliw ang  batang aming ininterbyu.

Last quarter of last year, sumakabilang buhay ang aking close friend na si Kune and three months after, naka receive ako ng text sa kaibigan naming si Noel na sumunod na rin pala si Nimia  kay Kune doon sa kabilang buhay. Double whammy ito para sa akin.

Tiningnan ko ang last exchange of message namin ni Nimia sa Facebook. It was dated May 15, 2010. Sinulat ko: “Always praying for your speedy recovery Nimia.” Sumagot siya: “Thanks Ronald. You are a true friend.”

Thanks for the happy memories and the wonderful friendship, Nimia. I will miss you.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Personalities, Reflections. Bookmark the permalink.

3 Responses to Remembering Nimia

  1. Rey Manalo says:

    RM., hindi naman sukob sa taon sina Kune at Nimia. Pero yung sakit ng mawalan ng kaibigan lalo at ganyan mo sila kamahal, matagal-tagal mong iindahin, kapag naisip mo yung mga pinagsamahan, yun yung malupit na kabanata ng mga naulila. mahirap kontrolin ang damdamin ng pangungulila. kaya pwd ka umiyak. pakawalan mo yang lungkot na nasa iyong puso. sina Kune at Nimia ay pareho kong nakilala sa malapitan. pareho silang nakalahad ang mga kamay para sa gustong humingi sa kanila ng tulong, lalo na sa pagsusulat ng iskrip…pala-kuwento si Nimia. lalo na kapag tungkol sa Panginoong Diyos! Have a good sleep, Nimia!

  2. Ida says:

    Salamat Ronald.

  3. Ida says:

    Salamat Ronald. Naalala ko tuloy yung nagpupunta ako sa bahay nila. I think nakatulog pa ako doon noon. Tinulungan pa ako ng Daddy niya over a legal matter. I will miss you Nims!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s