It’s Complicated

May pahabol na email ang isa sa mga kaibigan kong broken hearted. Diumano, nagpalit daw ng status ang object ng kanyang affection sa Facebook. Ang nakalagay: “It’s Complicated.” Ano ba raw ang ibig sabihin nun? May third party daw ba?

Sabi ko, pwede pero hindi mo matitiyak. Ganyan talaga kako ang mga relasyon ngayon–may pagka vague, komplikado, at naka-announce pa sa buong sangkatauhan. Pwedeng pagpiyestahan sa cyberspace. “Can you be more specific?” tanong ng kaibigan ko.

“I can’t,” sagot ko. “Unang una, hindi ko kilala ang ex mo. Pangalawa, pwede lang akong mag paint ng scenarios. Ikaw na ang bahalang magtagpi tagpi. “Sige, sabi nya. Baka ako malinawan.”

Naku, di ko alam kung maliliwanangan ka sa mga sasabihin ko. Pero sa obserbasyon ko, ang mga romantic relationships ngayon, hindi katulad nung dati na it’s either on or off. Kayo o di kayo. Kumbaga sa isang equation, ang dami na nya ngayong derivatives. Naabutan ko pa yung MU o Mutual Understanding. Ngayon, ang dami na nyang spawns. May ED or Exclusively Dating. May FWD–Friends With Benefits (pelikula ito ah) at iba pa raw yung Boi (I have no idea kung ano ito), F-Buddy (eto luma na to), NL o No Label, cool off, truce muna, testing lang.

Labels pa lang yan. Pero yung actual complications, it can also take countless forms. Isa lang dun ang third party. Pwedeng merong fourth, fifth, sixth, ad infinitum. The said party can also be of various genders and sexual persuasions.

Pwede namang crossing taboos–syota niya aso, pusa, ibon, isda o pwedeng bulaklak o halaman. Okay, far out na yun.

The point is, tila walang katapusan ang komplikasyon sa staus na “It’s Complicated.” It cuts across social classes, educational status, gender, IQ and EQ, etc.

Di nga ba’t ito mismo ang title ng isang pelikula nina Meryl Streep, Alec Baldwin at Steve Martin kung saan si Streep, ang dating asawa, ay siya na ngayong kabit ng kanyang ex-husband? Complicated nga!

Eto pa ang ilan sa mga halimbawa: Babaeng mayroong di lang isa, kundi dalawang lovers na puro may asawa; lalaking may dalawang lovers na lalaki–yung isa pari, yung isa sundalo; babaeng syinota ang anak ng ex ng mommy nya para ipaghiganti  ang  ina, 16 na taong babae na super in love sa 8-taong gulang na bata; 80-year old na lola na nagpakasal sa 42-taong binata, anak pa ng best friend niya.

Ang gulo-gulo, pero sa mundo ng mga lovers, anything is possible.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections, Relationships. Bookmark the permalink.

3 Responses to It’s Complicated

  1. Permskee says:

    I like the photo you chose for this post…eksakto!

  2. Rey Manalo says:

    “taruz ng ka-relasyon ng friend mo”, simpleng ayoko na sa’yo lang ang katapat, nagpaka- it’s complicated pa! kung mahal pa siya noon, ipaglalaban yung kanilang pagmamahal. Kahit kasi saan imolde, ang paghihiwalay ay patungo sa pagbabago, pagkakaroon ng bagong ka-relasyon. pahirapan pa ba ang sarili? sayang yung mga sandali na mauuwi rin sa wala. sa panahon ngayon, di na uso yung cool-off muna tayo! I need space…sa mga kabataan, kayang-kaya nila yung, “ayaw mo na sa akin, ayoko na din sa’yo, ‘mode! kagaya nung pix mo dito, pusong may mga end-point. humanap siya ng para sa kanya doon, para sa bagong pagsisimula! “konting tapang lang po” ay, RM, nakisawsaw talaga ako sa isyu!🙂 thanks!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s