Fixing Broken Hearts

Apat sa aking mga close friends ang broken-hearted ngayon. At isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako regular na nakakapag-blog ay madalas ko silang kausap sa chat, sa email, o sa telepono. Hindi ko mainitindihan kung bakit sa akin sila humihingi ng payo gayong hindi naman ako authority sa subject ng broken hearts. Pero just the same, nakikinig ako ng seryoso sa kanilang mga kuwento at unti-unti napapatunayan ko na ang duguang puso pala, bagama’t iba-iba ng level, ay laging malalim ang sugat. Hindi mo pwedeng i-under-estimate. Ang matindi pa, habang tumatanda, mas nagnanaknak pa ito.

Eto ang summary ng aking mga ipinapayo sa mga kaibigan kong broken hearted:

  • Walang short cut sa paggamot ng broken heart. Parang hang-over yan na kahit anong kape, tubig, prutas, aspirin at pain reliever ang iyong laklakin o kainin, panahon lang talaga ang makakapagpagaling sa nalasing na katawan, and in the case of broken hearts, sa nabigong pag-ibig. Huwag magmadaling gumaling dahil baka mabinat!
  • Huwag mahihiyang ngumalngal, humagulgol, umatungal at magmukhang tanga. Bahagi yan ng healing process. Siguraduhin lang na mapapagkatiwalaan ang taong iyong pagsasabihan.
  • When you walk out of a relationship or someone abandons you, ituring mo na lang na yung taong yun ay bahay na nasusunog. Maglakad ka palayo sa taong yun at huwag mo na syang lilingunin pa . Abo na ang nasunog na bahay at di mo na maibabalik kelan man.
  • Magpaka busy. Kapag tambak ang trabaho, malilimutan mo lahat at magugulat ka na lang dahil therapeutic pala ang trabaho.
  • Sa unang buwan ng break-up, piliting huwag ng daanan at balikan ang mga pook na lagi nyong pinupuntahan noon. Huwag na ring usisain kung ano ang status nya sa Facebook. Mas maigi pa, i-block mo na ang iyong ex.
  • Magkaroon ng outlet to vent out your sorrows. Kung magaling kang kumanta, ikanta mo at ibirit ang kasawian sa mga KTV bars. Kung magaling kang sumayaw, iyugyug ang duguang puso magdamag. Mag start ng sariling blog. Go physical. Mag-yoga o dili kaya’y mag-body building o tumakbo.
  • Piliting may baguhin sa hitsura para i-symbolize ang bagong simula. Kung kulot ang buhok, magpatuwid. Kung tuwid, magpakulot. Kung mataba, magpapayat at kung payat, magpataba!
  • Iwasan din ang gumawa ng mga major decisions kapag broken hearted. Huwag agad magsimula ng bagong relasyon dahil unfair ito sa iyong new partner or date.
  • Iwasan ang mag over analyze. Huwag ng sisihin ang sarili o ang iyong ex. Ganun talaga ang buhay. Move on na lang.
  • Go beyond yourself at mag-extend ng tulong sa iba.
  • Pray

Na-discover ko rin na kung hindi mo pala mahal ang iyong sarili, patay kang bata ka kapag nakipaghiwalay ka sa iyong syota, lover, asawa o partner in life. Kapag pirmi kang naka-angkla sa iyong minamahal, mahihirapan kang bumangon.

Pero morally, wala ka namang choice kung hindi ang mag-move on. Hindi sya madaling gawin pero darating ang panah0n at tatawanan mo na lang ang lahat ng iyong kabaliwan at ka-engotan, and when that time comes, hindi mo na kakantahin ang “Almost Over You” ni Sheena Easton. Iyon ay dahil over ka na talaga sa taong dati mong minahal.

Sa mga sawi kong kaibigan–mga tsong at tsang. Hang in there. This too, shall pass.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Relationships. Bookmark the permalink.

13 Responses to Fixing Broken Hearts

  1. If you were hurt. Cried it over in the shower. Cried till no tears to fall. Get up and kneel down. Talk to god and have a heart to heart talk. god will heal you and tomorrow there will be a better things for you.🙂 Nakarelate

  2. Rey Manalo says:

    hahaha..dito mo ini-apply ang sarili mong mga paraan! isa lang palagi ang ‘wag kakalimutan kapag na-inlababo,…magtitira ng kahit kaunting ulirat. Para ‘yan sa makikita mong asal niya na hindi mo ina-asahan po. at saka let the day passed with or without the shadow, the memories that haunts you…wala kang nagawang kamalian sa kanya. ang hindi nakatakda para sa isa-t-isa ay sadyang maghihiwalay po! pramis!

  3. sally says:

    expert sa payo…ang galing mo rgm..parang nakaranas na ah!!! tama…ganyan talaga ang dapat gawin….hehehe…..di ka lang para writer … love expert ka rin…

  4. Ajie says:

    Very well said, rgm!

  5. Nymfa Aranas says:

    hi ronald! hindi ka lang pala magaling na writer. isa ka rin palang dakilang counsellor! saan ba nanggagaling ang wisdom mo sa pagbibigay ng payo kung wala kang karanasan o hindi ka nabaliw “somewhere in your past”? (hehehe favorite kong kanta yan)… ma-appreciate kaya ng mga friends mo ang mga posts ko na “Moving On” and “Get Rid of the Remnants”?

    haaay usapang love life…. nasabi ko ilang beses na buti pa ang mga walang ex at walang emotional hang ups…. yung nga lang ang merong ex ay meron ding experiences to learn from, although madalas din na we choose to learn the hard way.

    just recently panay ang research ko about breaking soul ties kasi importante ito sa mga nagkaroon ng ex….

  6. hello nymfs. magandang pag-usapan yan. sa palagay mo, can you really be good friends with your ex?

    • Nymfa Aranas says:

      hehehe… marami rin kasing klase ng ex… 1) ex-bf or gf, 2) ex-MU (mutual understanding o misunderstanding), at 3) ex-pectation.

      sa 2 & 3, i would say, yes, as long as nagkaroon na ng clarification….. sa no. 1, medyo mahirap dahil dito, sabi mo nga “malalim ang sugat na hanggang sa pagtanda ay nagnanaknak.”

      imagine in my case, 8 years na ang lumipas nang makita kong muli ang ex- bf ko na korean ay magkahalong galit at affection ang aking naramdaman. kasi naman ay hindi proper ang closure ng relationship. nangyari lang ang break-up thru a series of letters and phone calls. kaya gustuhin ko man na maging magkaibigan kami ay mahirap at maraming nai-stir up na emotions.

      kung may proper closure, forgiveness and healing through time, posible siguro to be good friends….

      now back to no. 2 and 3, kung missing ang element of clarification ng past relationship status, it seems it’s not easy to move on and be good friends.

  7. wow, very well said. agree. depende pati how you separated. meron kasi kahit anong gawin mo, di na talaga pwede. damaged goods na kumbaga.🙂

  8. Sa tingin ko only if it bothers you or if you want to clear something. Otherwise, leave it at that. Wag ng buksan ang sinarhan ng pinto.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s