Ang Mga Lola ng Carnegie’s Bar

Ang Carnegie’s Bar & Restaurant ay isa sa mga kilalang watering holes ng mga foreigners dito sa Taipei. Ito ay nasa 100 An Ho Road, Section 2 at bukas mula tanghali hanggang madaling araw. Binuksan noong 1994, ang original branch ng Carnegie’s bar ay matatagpuan sa Hong Kong. Meron din silang branch sa Perth Australia. Una akong nagpunta rito nang isama ako ng aking kaopisinang Koreano mga anim na buwan na ang nakakaraan. Okay naman ang lugar. Para syang version ng Hard Rock Cafe. Mababait ang mga staff at nakakapag-inglessilang  lahat. Masasarap din ang kanilang mga isinisilbing pagkain at lahat na yata ng uri ng drinks at cocktails ay pwedeng mainom sa kanilang malaking bar. Yun nga lang, dahil sa foreigners ang  main market ng nasabing bar resto, may konting kamahalan ang presyo ng kaninalng pagkain at inumin.

Early this year nang dumating ang aking kaibigang si Jean, dinala ko sya sa Carnegie’s bar at nag-enjoy naman sya. Kapansin-pansin lang na habang lumalalim na ang gabi ay nag-lo-loosen up na ang crowd. Marami na ang nagsasayaw sa kanilang mga kinatatayuan. May mga sumisigaw at nakikikanta na sa mabilis na tugtog at mas nag di-dim na ang mga ilaw. All of these normally happen in most bars. Ang medyo off at nakatawag pansin lang sa amin ay nang may nagsayaw na babae sa ledge sa harap mismo ng bar.

Don’t get me wrong. I’m all for ledge dancing lalo na kung magaling at “hot” ang mga sumasayaw–regardless of whatever gender they are. Nasabi ko lang na medyo “off” ang dating sa akin kasi may edad na itong ale na nag-l-ledge dancing. Buhat sa kinauupuan ko, I would say she’s into her late 40s or early 50s. Ang naka compound pa sa pagka-off ng eksena ay bagama’t may curves naman yung ale, at disente naman ang kanyang suot,  hindi akma ang kanyang mga dancing moves sa rhythm ng music. To be blunt about it, hindi siya graceful sumayaw.

Two weeks later, bumalik ako sa Carnegie’s kasama naman ang aking mag-asawang kaibigan na sina Mayose at Jay (na binisita rin ako rito sa Taipei). This time, nakita ko ulit yung ale na nagsasayaw sa ledge. Hindi na lang siya mag-isa kundi apat na silang babae na gumigiling sa ledge ng bar. Hindi namin mapigil tumawa dahil ganun pala yun—asiwa na siyang tingnan kapag, pardon the term, lola level na ang nagsasayaw sa ledge. I’m all out for grannies and grandpas dancing on the dancefloor but gyrating on the bar ledge? Amusing sa simula pero di na magandang tingnan habang nagtatagal.

Anyway, umalis kami ng Carnegie’s bar a little past midnight trying to figure out what the whole fuss was all about. Gimmick ba yun ng bar? Regular paid dancers ba sila entertaining the crowd? Or talagang pure good time lang yun ng mga lola?

Hindi man namin nakuha ang tamang sagot, na conclude naming lahat na bagama’t lahat kami ay darating din sa lolo and lola ages, never na kaming mag le-ledge dancing. Ipapaubaya na lang namin sa mga kabataan ang ganyang uri ng gimmick.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

3 Responses to Ang Mga Lola ng Carnegie’s Bar

  1. Jeannie Pacheco says:

    speak for yourself ronsky…bwahahahahahahhahahahah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s