NAIA 1 Verdict

Sususugan ko lang yung column today ni Dr. Michael Tan sa PDI. Tungkol ito sa isang survey na nilabas ng isang website (sleepingairports.net) na nagsasabing ang ating NAIA Terminal 1 ay isa sa limang most hated airports in the world. Hindi lang daw ito dahil sa marumi at magulo ang physical infrastructure ng ating airport (lalo na ang ating mga toilet), kundi pati ang hindi magandang pakikitungo ng mga Pinoy airport staff sa mga bisita at pasehero. Malungkot at nakakahiya itong tanggapin pero I’m sure marami sa atin, lalo na yung nakakabiyahe na talaga sa ibang bansa, ang aayon sa akin na totoo naman—may concrete na batayan talaga ang resulta ng survey na ito.

Marami na akong narinig na horror stories sa aking mga kaibigan tungkol sa mga karanasan nila sa mga airport authorites ng NAIA 1. Natatarayan sila, nasisinghalan, napapahiya. May kuwento nga yung kaibigan ko. Yung kakilala nya raw,  may dala siyang mga babasaging figurine galing sa ibang bansa as hand carry. Inaawitan daw sa customs. Nagpaparinig yung custom staff na ang ganda-ganda raw, etc. Baka raw pwede na itong ipapasko sa kanila. Ang kapal, di ba? Sa inis nung pasahero, binasag nya ang mga figurine. “Ayan!” sabi nya na galit na galit. “Pare-pareho tayong wala!”

Kung hindi ka magagalit ay manliliit ka. Bakit? Kasi sa ibang bansa, inaabutan mo na ng tip ang mga tumutulong sa yong magbuhat ng maleta mo at ito pa ang maririnig mo sa kanila: “I’m sorry sir, but we’re not allowed to receive tips. We might lose our jobs if we do.”

Medyo mabigat at on the extreme side yung mga kuwento na yun. Pero kahit pa gawing on a lighter note ang mga eksena, may kabigatan pa rin ang pakikitungo ng mga airport staff natin sa mga pasahero. Rude pa nga, kung tutuusin. Magtatanong ka ng direksyon sa information center, nguso nila ang gagawing panturo. “Dun, o,” sasabihin sa `yo. “E saan nga yung dun?” Ano ba naman yan? Ba’t di nila masabi ng eksakto? “Lakad po kayo ng dirtetso. Pagdating nyo sa dulo, kaliwa kayo. May makikita kayong blue na pinto. Kanan kayo. Pag diniretso nyo yun, yun na po ang opisina.” Hindi ba dapat ganun?

Naiintindihan ko rin na in this age of terrorism, hindi na dapat pagtakhan ang presence ng sanlaksang mga security people na may mga dala-dalang armalite at mga dambuhalang aso pero minsan, nakaka-freakout at nakaka turn off kasi parang any time ay may sasabog na bomba o kaya may mang-h-hostage.

Syempre, hindi ko naman nilalahat. May mga kaibigan at kakilala ako na sa airport nagtatrabaho at hindi naman sila ganun. Pero naiinis din sila sa sistema.

Nakakahiya  at nakakainis  lang kasi, ang lahat ng mga airports sa buong mundo ang unang kontak ng sinumang foreigner sa bansa ng kanyang destinasyon. And cliche as it may sound, first impression lasts. Ang talagang mahirap lang intindihin ay kung bakit ilang dekada na itong problemang ito. Panahon pa ni Marcos at di pa NAIA ang tawag sa Terminal 1 ay naririnig ko na yan. Magulo ang airport, discourteous ang mga staff, talamak ang lagayan, salaries are low and temptations are high. Twenty-five years later at yun pa rin ang mga issue. Tapos yun na nga, nakabandera na tayo ngayon as one of the five most hated airports.

Sobra na it0ng taliwas sa “it’s more fun in the Philippines” tagline ng DOT, di ba?

Wala bang magagawa ang pamahalaan ni P-Noy sa malungkot na kalagayan ng ating paliparan na nakapangalan pa man din sa alaala ng kanyang martir na ama?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

2 Responses to NAIA 1 Verdict

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s