Ang Chicken Mushroom Soup ni Jean

Bago siya umalis ng Taipei at umuwi ng Maynila, may nilutong chicken mushroom soup ang kaibigan kong si Jean na nilagay nya sa freezer/fridge ng aking apartment. Kung hindi pa ako inatake ng matinding sipon, hindi ko ito maaalala dahil nakalagay ito sa kaloob-loobang bahagi ng fridge. Nitong nakaraang dalawang araw, singa ako ng singa at kahit anong inom ko ng fruit juices at cold tablets ay tila lumalala pa yata ang aking sipon. Noon ko naalala ang chicken mushroom soup na niluto ni Jean. Kinuha ko ito sa fridge na talagang super frozen pa. So tiniyaga ko siyang painitin sa stove at matapos ang mga 20 minuto,  kumukulo na ulit ang obra-maestrang sopas na ito ni Jean.

Unang pasok ng sabaw sa dila ko ay para akong nanalo ng jackpot sa lotto. Maanghang siya. Lasang lasa ang luya at ang paminta. Hindi lang yun, malapot ang texture ng sopas kaya tamang-tama ito sa aking nilalaganat na kalagayan. Unti-unti kong hinigop ang mainit na sabaw. Mai-imagine nyo siguro yung pakiramdam. Kasagsagan ng winter dito kaya sobrang ginaw. Tapos hihigop kayo ng mainit na sabaw! After that, tinikman ko naman ngayon ang mga gulay–repolyo, patatas, carrots at ang iba’t-ibang uri ng mushrooms.  Parang nag-fit right into place ang kanyang kombinasyon. Tapos, tinikman ko rin ang manok na ang lambot-lambot na ng karne. Sobrang alright ang timpla. Kumabaga sa choir music, kalibreng U.P. Madrigal singers ito. World-class.  This maybe the best chicken mushroom soup I’ve tasted in years, sabi ko sa aking sarili.

Kagaya ng marami sa atin, na-e-equate ko ang chicken soup sa pagkakasakit. Marami sa alaala ng aking cbildhood ang may mga eksena na sinusubuan ako ng Mama ko ng Knorr chicken noodle soup kapag nilalaganat ako, sinisipon o tinatrangkaso. And it really does wonders. Dahil totoo nga raw. Scientifically proven na ang chicken soup ay may anti-inflammatory properties na nakakagamot sa lagnat, sipon at sore throat. Bukod pa rito, kahit nga daw yung pag-inhale mo ng mainit na sabaw ay sapat na para ma-decongest ang iyong baga. Haluan pa ng luya at talagang mayroon kang medicinal soup.

Hindi ko alam kung serendipity o sixth sense ito ni Jean na ipagluto ako ng chicken mushroom soup. Matagal na niyang nasasabi sa akin na mayroon siyang ability to see the future. Nahulaan ba niya na magkakasakit ako? Whatever it is, maraming salamat ulit, Jeannie. Kita mo naman, two weeks ka ng wala, ang presence mo, ramdam na ramdam pa rito. Your chicken mushroom soup not only rocks! It also heals! Comfort food cum medicine rolled into one siya.

Pwede mo bang i-email sa akin ang recipe mo?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

5 Responses to Ang Chicken Mushroom Soup ni Jean

  1. Jeannie Pacheco says:

    Una, flattered naman ako sa blog na eto ronsky! first it was my bolognese, now its the “chicken mushroom” soup… sa dami ng makakabasa nito, bumibilib na ata ako na malaki ang future ng “bed and breakfast sa Mindoro!….
    second, gusto kong isipin na nag work ang aking psychic powers on you, pero ang tingin ko… its the maternal instincts…:)
    finally, and most importantly, ganda ng timing ko…what my soup did for you, your blog did for me. Gave me comfort too :)….

  2. Jeannie Pacheco says:

    ooops… ang secret? CORN FED CHICKEN!!….

  3. LL says:

    anong recipe?? pamasahe na lang daw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s