Ma Victory

Alas diyes pa lang ng gabi kahapon (January 14), tapos na ang labanan dito sa Taiwan. Ayon sa figures na ni-release ng kanilang Central Elections Commission (CEC), ang incumbent na si President Ma-Ying-jeou nng  Kuomintang (KMT) party ay nakakuha ng 6,891,139 na boto o 51.6% ng total votes. Samantala, ang mahigpit nyang kalabang si Tsai Ing-wen  ng Democratic Progressive Party (DPP) ay nakakuha ng 6,093, 578 na boto o 45.63% ng total votes. Ang kandidato naman ng People’s Progressive Party na si James Soong  ay nakakuha ng 369. 588 na boto o 2.77% ng total votes cast. Ang voter turn out ay 74.38% o 13,452,016 ng 18,086,455 ng registered qualified voters.

Nasaksihan ko ang botohan dahil dalawa sa kanilang voting precints ay malapit sa aking tinitirhan. On the way to McDonald’s, nagtaka ako kung bakit maraming tao doon sa isang building. Kung hindi ko nakita ang mga watchers at ilang security men, hindi ko maiisip na may botohang nagaganap dahil ang tahi-tahimik ng mga tao. Hindi katulad sa Pinas na matindi ang kuwentuhan sa labas ng mga voting precints. Talagang hanggang sa pagboto, tahimik pa rin ang mga Taiwanese.

Hapon pa lang ay nakabukas na ang aking TV set sa coverage ng eleksyon. Nagsisimula na ang bilangan. Kahit hindi ako nakakaintindi ng instik, glaring na pinapakita ang mga figures. Noong una’y gitgitan talaga ang laban nina President Ma at Tsai In-wen. Subali’t habang naglalaon ay unti-unti ng umaangat ang bilang ng mga boto in favor of President Ma. Mga alas siyete ng gabi, kahit wala pang na-a-announce, alam ko na nanalo na si President Ma base sa mga figures na pinapakita sa television screen. In less than two hours, nagsalita at nagpasalamat na nga si President Ma sa kanyang mga supporters at  kaagad namang nag-pa-press conference si Tsai Ing-wen upang mag-concede sa kanyang pagkatalo.

Ang re-election na ito ni President Ma Ying-jeou for another four years ay itinuturing na malaki ring victory para kay Chinese President Hu Jintao na nitong mga nakaraang taon ay nag-iba ng kanyang taktika sa pakikitungo sa Taiwan. Imbes na paulit-ulit na bantaan ang gobyerno ng Taiwan na lulusubin nito ang bansa, ipinakita ni Pres. Hu Jintao ang maraming economic benefits na makukuha ng Taiwan at Mainland China kung sila’y magiging close sa isa’t-isa.

Ayon sa mga international wires, wala pang reaksyon ang Beijing hinggil sa pagkakapanalong ito ni President Ma.

Nakakatuwa lang dahil paglipat ko ng channel sa CNN, andyan na nga at pinapakita na ang campaign coverage ni US President Obama at ang madamdamin niyang speech sa Chicago.

OA na ang pulitika sa buhay ko ngayong araw na ito, sabi ko sa sarili.

Sinwitch off ko ang TV.

Salamat Taipei Times sa picture ni President Ma

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Personalities, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

One Response to Ma Victory

  1. joyah says:

    Nanalo ang bet ko. My bet rarely wins dito sa atin. Thanks, Ronald, for the news. Hinintay ko to. But will have to wait till i get hme to see Pres Ma’s pic. Got to go.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s