Rocking the Votes

Hindi ko ma-explain kung bakit, pero na-e-excite ako sa eleksyong magaganap bukas dito sa Taiwan. Kahit kelan ay hindi ako naging interesado sa pulitika pero sa pagkakataong ito, nagsaliksik ako, nagtanong, nagbasa, nanood ng mga news coverages para maintindihan ang mga issues at implikasyon ng halalang magaganap ilang oras mula ngayon sa kinabukasan ng bansang Taiwan.

Exciting siya in the sense na sa simula, parang walang political muscle itong si Tsai Ing-wen, ang kauna-unahang babaeng presidential candidate na kandidato ng Democratic Progressive Party (DPP), ang itinuturing na opisisyon ng Kuomintang Party (KMT), ang partidong kinabibilangan ng incumbent president na si Ma Ying-jeou. Pero nitong mga nakaraang araw, ang bilis ng itinaas ni Tsai Ing-wen sa mga political surveys. Nagiging mala-Cory Aquino ang kanyang popularidad at nasapawan na niya ang isa pang kandidato, si James Soong ng People First Party (PFP). Lumalabas, tight close fight na ito between KMT and DPP.

Ayon sa mga international political analysts, napaka-kritikal ng magiging resulta ng eleksyon bukas dahil ito ang magiging batayan ng pakikitungo ng Mainland China sa bansang Taiwan. Alam naman nating lahat na as far as Mainland China is concerned, break away province nila ang Taiwan. Eto ngayon. Ang incumbent President na si Ma Ying-jeou ay mayroon low-key stand sa Mainland China. Sa katunayan, simula ng siya’y umupo sa posisyon noong 2008, mas naging maluwag ang trade relations ng Taiwan sa Mainland China at maraming taga Mainland ang pumupunta sa Taiwan at tourists and vice versa. Kumbaga, may pogi points na itong si Ma Ying-jeou sa gobyerno ng Beijing.

Samantala, walang binibigay na direct statement itong si Tsai Ing-wen hinggil sa kanyang magiging stand sa relasyong Taiwan at Mainland China kung papalarin syang manalo bukas. Bagama’t wala namang tahasang sinasabi ang partidong DPP na ayaw nitong maging kaibigan ang Mainland China, mas nararamdaman ng Beijing government na mas safe sila sa KMT. Ang ganitong uri ng girian ang nakakaintriga sa eleksyong ito.

Patuloy na lumalakas ang suporta sa unang babaeng presidential candidate ng Taiwan dahil maraming Taiwanese ang naniniwalang ipaglalaban ni Tsa Ing-wen ang sovereignty ng bansa. Sabi nga ng estudyanteng si Liu-Cha na quoted ng Taipei Times: “I don’t like China as it often bullies Taiwan and looks down on us.” “I think Ma is leaning too much toward China and he hasn’t done enough to uphold Taiwan’s sovereignty.”

Eto pa ang sabi ng Taipei Times: “Tsai has given few details about where she would take Taiwan’s China policy if elected and Beijing has been careful not to explicitly warn against her, fearing it could boost her support.

“However, there is little doubt China would prefer four more years of Ma rather than a return of the DPP.

“In a veiled reference to the DPP’s track record, a spokesman for Beijing’s Taiwan Affairs Office said last month that insisting on Taiwanese independence will “harm the peaceful development of relations.”

Sabi pa ng isang kabataang nainterbyu, ayaw raw niya na magiging totoong bukas ang China sa kanila dahil ang kahulugan nito ay ang mas malakas na control ng Mainland sa Taiwan. Kapag nangyari ito, natatakot siyang magiging katulad na lang sila ng Hong Kong, ang dating British colony na naging territory na ng Mainland China noong 1997.

Meanwhile, isa-isa nang nagdadatingan ang mga foreign press sa Taipei para mag-observe sa malayang halalan bukas. Ganundin, maraming mga Taiwanese na naninirahan sa ibang bansa ang nagsisipagdatingan na sa isla para bumoto bukas.  Habang nagaganap ang mga ito, nagiging tight naman ang security dahil maraming reports na magkakaroon daw ng rampant vote buying bukas. Sana lang ay walang karahasang magaganap.

Talagang kahit pala First World status, hindi pa rin nawawala ang mga isyung vote buying. Akala ko’y pang Third World lang ang gimmick na yan.

Anyway, bukas, aabangan ko pa ang mga susunod na kabanata.

Maraming salamat Taipei Times sa larawang naka post dito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to Rocking the Votes

  1. bogodoy says:

    Thanks again, Ronald, for updating (me) us on the Taiwan elections. I’ve always been interested in the dynamics of politics. Medyo nabawasan na nga lang after working for sometime in government. Alam mo yon? Yung parang nasuya. Nasobrahan. Etong interest ko ngayon with Taiwan, I guess, was brought on by the presence of the Taiwanese business in our barrio at dahil na rin siguro sa magandang impression na nakuha ko sa panonood ng 3 1/2 na Taiwanese drama. Merong 1/2 dahil hindi ko natapos yung huli. Wala na akong oras manood e. Also, I am intrigued dahil sa bilis ng pagyaman at pagiging sophisticated ng bansang ito. Dinagdagan pa yan ng mga nababasa ko sa blog mo. Di curious na curious na talaga ako.

    So salamat sa pagbibigay halaga mo sa curiosity ko. I learn a lot from you. Waiting with bated breath for the next update. OA na ba? Babantayan ko yan.

    P.S. Pwedeng ipost mo ang picture ng bawat candidate? I’ll judge by how good they look. Hahaha. Joke.

  2. Rey Manalo says:

    ganda naman ng obserbasyon mo. afraid na din ako para sa ating bansa now na dominating na ang arrive ng mga singkit dito. dami na nila talaga. halo-halo pero iisa ang kulay at hugis ng kanilang mga mata. magkaka-iba-iba pa ba naman ang kanilang mga layunin dito? Mag negosyo lang nga ba? Hindi kaya sasakupin na nila tayo sa paraang komersiyalismo? now pa naman, mga amo talaga sila at tauhan ang maraming pinoy na walang pera…minsan nga, nakakakaba, yung makikita mong mas maraming estudyanteng singkit na nag-aaral kesa sa bulaga ang mga mata. kulang daw sa pera yung maiitim ang balat kaya hindi makapag-aral. panganib rin ang dulot ng karunungan laban sa kamangmangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s