Ang Paghahanap sa Mailap na Cologne

Nitong nakaraang holidays, halos dalawang linggong tumira sa akin ang aking close friend na si Jean. Nabasa nyo na marahil sa mga nakaraang blog na overjoyed kaming dalawa sa aming ginawang bonding dito sa Taipei. Pasyal, kain, shopping, kuwentuhan–lahat yan ay aming ginawa, and to say na ang saya namin is an understatement. In the process, may na-discover ako tungkol sa bansang Taiwan noong nandito si Jean: Di lang pala tabo ang mahirap hanapin dito. Mahirap din pala ditong maghanap ng cologne. Wait–am sure may magsasabing di kasi kayo marunong maghanap.  Siguro nga. Pero promise. We really tried hard.

Bago ang lahat, konting background. Definitiion of terms. What’s the differtence between a cologne and a perfume? Di ba pareho lang `yun? Wrong. Ayon sa ehow.com, perfume contains the highest concentration of essential oils to alcohol (about 30% by volume). Cologne contains the lowest (5% to 8%). Dahil dito, mas mahal ang perfume kesa cologne at mas nagtatagal din ang amoy ng perfume kumpara sa cologne.

Ngayon, ito kasing si Jean, out of habit ay cologne ang ginagamit nya sa katawan matapos maligo. Nalimutan nya ngayong dalhin ang kanyang cologne. Syempre, para sa kanya, kulang ang bathroom ritual kapag walang cologne. So naghanap kami. Nagsimula kaming magtanong sa mga Watson stores. Tinulungan pa nga kami ng isang ale na marunong mag-ingles. Pero ang tinuturo sa amin, pabango–hindi cologne. Next, naghanap kami sa mga groceries at supermarkets. Wala din. Sinuyod din namin ang mga department stores at malls. Wala rin!

Ang naka-complicate talaga sa sitwasyon ay dahil sa di kami marunong mag instik. Pag e-explain pa lang kung ano ang cologne ay nosebleed na. Ang hanapin pa ito sa pagkarami raming establishments ay totoong nakaka-frustrate.

Hanggang sa nakarating na nga kami sa Tainan (Southern Taiwan), wala rin kaming nakitang cologne. Ba’t ganun? Sa Pinas, kahit sa sari-sari store o any mercury drug ay makakabili ka ng Johnson’s baby cologne. Dito ay wala. Naku, sabi ko–i-b-blog ko ito. Sabi naman ni Didit, yung kaibigang tinirhan namin sa Tainan, am sure mayroong cologne dito. Di lang natin alam hanapin. By the 8th or  9th day, nag-give up na si Jean. Ano nga ba naman ang dalawang linggo ng walang cologne? Hindi naman nya yun ipagkakasakit, ipaghihirap o ikabababa ng IQ.

Sa totoo lang, ang feeling ko mayroong cologne sa mga Pinoy stores sa Taipei pero nung nagpunta kami noon para mag midnight mass (kung saan katabi ng simbahan ang mga tindahan), sarado na ang mga tindahang ito.

Kaya sa mga adik sa cologne, pakatandaan. Mahirap maghanap ng cologne dito sa Taiwan. Kung hindi kayo maaaring mabuhay ng wala nito at kailangan nyong pumunta rito, isiklsik ang inyong mga cologne sa inyong check-in baggage. (Di rin kasi pwede ang more than 30 ml of liquid sa hand carry).

Anyway, hindi man nagwagi si Jean sa paghahanap ng cologne dito sa Taiwan, may isang bagay din siyang natutunan. Kumpara sa Pinas, mas mura pala dito ang:  1) rubber shoes 2) ponds facial wash at oil of olay at 3) lancome products.

Lose some, win some.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life, Travels. Bookmark the permalink.

5 Responses to Ang Paghahanap sa Mailap na Cologne

  1. Jeannie Pacheco says:

    ay! tinotoo mo ang iyong pangakong i blog our quest for the “mailap na cologne!”….by the way, wag mo kalimutan ang aking unsolicited advise…pag uwi mo dito at gusto mong pasalubungan ang iyong staff diyan….hayun! regaluhan mo sila ng johnson baby cologne…o ang preferred brand ko na Lewis & Pearl (dream)…or better yet, tutal tangkilikin ang local brand na…Bench! Of course, you have to put it in your checked in luggage, or else baka makumpiska lang… haay, naalala ko tuloy ang masasayang kaganapan ng WINTER IN TAIPEI…. Miss you my friend!

  2. Jeannie Pacheco says:

    by the way, saan mo nakuha ang baby cologne na picture sa blog mo?

  3. hello…saan ko kinuha ang pic? syempre sa walang kamatayang yahoo images. libre naman yun. hehehe. miss you, too.🙂

  4. Permskee says:

    J&J Baby Cologne na “Heaven”..yun ang peborit ko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s