Election Fever

Kasagsagan ng kampanya para sa presidential and legislative elections ngayon dito sa Taiwan. Kanina, nang papasok ako sa opisina, halos sa bawa’t kanto ay may nagbibigay ng mga political flyers at may mga kumakaway na kandidato. Pero hindi gaya ng sa Pinas, wala akong naririnig na ingay. Walang mga political jingles na paulit-ulit na tumutunog. Maliban sa ilang mga banners na nakasabit in strategic places in the city at mga malalaking larawan ng mga kandidato na nakadikit sa mga bus, hindi mo malalaman na ilang araw na lang ay election day na rito.

Sa Sabado, January 14, inaasahang mga 18 milyong mga Taiwanese ang pupunta sa kanilang mga voting centers to cast their votes. Ang tatlong matinding magkakalaban– ang incumbent na pangulo ng Taiwan na si Pres. Ma Ying-Jeou ng Kuomintang (KMT)  Party, at si Tsai Ing-Wen ng Democratic Progressive Party (DPP), ang kauna-unahang woman candidate for president, at si Chairman James Soong ng People’s First Party (PFP). Ayon sa mga kaibigan kong Taiwanese, malamang na si President Ma pa rin daw ang manalo sa eleksyon. Bukod sa siya ang incumbent, marami raw ang naniniwala na mas mahusay syang lider kaysa kanyang dalawang kalaban.

By around 4pm ofr January 14, tapos na raw ang botohan, and by 7pm, alam na nila kung sino ang nanalo. Talk about swift efficiency–kelan kaya tayo magiging ganito kabilis magbilang ng boto?

Ilang araw na akong nagmamasid, nagbabasa at nagtatanong hinggil sa magaganap na halalan pero iba-iba ang nakukuha kong sagot at opinyon. Unang una, masyado palang sagrado sa mga Taiwanese ang pagpili ng kandidato. Marami sa kanila ay hindi mo malalaman kung kaninong political party nakasandig. Bakit? Kasi, mitsa ito ng gulo. Pag nalaman ng maka KMT na tatay , halimbawa na ang anak nya ay maka DPP, matinding awayan yan. So ang rule of thumb–don’t talk.

Magkano ang nagagastos ng isang presidential candidate sa election? Gaya rin ng sa atin, umaabot ng billions of dollars. Malakihan din ang kanilang political machinery. Syempre, dahil sa hindi ako nakakaintindi ng intsik, di ko alam ang kanilang mga issues na pinagdedebatehan everytime I watch Chinese news on television. Ang alam ko lang, matindi rin ang kanilang awayan. Sa mga mayoral candidates nga, nakakita na ako ng mga nagkakagatan ng tenga kapag nag-aaway sila sa harap ng madla.

Tinanong ko ang isang Taiwanese kung may guns, goons and gold din bang ginagamit tuwing election? At ang sagot nya, nung araw daw–mga 20 years ago–meron. Pero ngayon, di na masyado. “Baka gold na lang,” sabi niya.

Ang hindi ko maintindihan– sa 20 mga Taiwanese na nakausap ko, mga tatlo lang sa kanila ang gustong magbigay ng opinyon. The rest, ayaw nilang magsalita. Wala raw silang pakialam at kalokohan lang daw yang eleksyon na yan.

If this is the case, mukha ngang wala nang tatalo sa Philippine elections. Pwede na rin itong ihelera at ibandera sa DOT posters. “Philippine Elections: It’s more Fun in the Philippines.”

Am I being ironical? What do you think?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

3 Responses to Election Fever

  1. bogodoy says:

    Hahaha. Thanks Ronald. Very informative kahit di mo alam ang issues you were able to convey the feel of Taiwanese elections. Mukhang kailangan nating i-practice sa Pilipinas ang “don’t talk” rule of thumb para bawas gulo.

    Matanong ko lang. I think I once caught on CNN the incumbent Taiwanese President in an interview nung kakapanalo pa lang nya. He’s fluent in English, guwapo, mukhang slick and polished. Kung Taiwanese ako iboboto ko sya based on those qualifications alone. Haha. But I heard from my Taiwanese friend here na they’re not quite impressed because he only projects well but they doubt his capability to lead. So from your kwento mukhang nagperform naman. Kung yun nga ang presidenteng napanood ko. Kung hindi, consider it like I didn’t say anything at all.

    God bless.

    • hello. thanks for your comment. i think you’re talking about the incumbent president. oo, magaling nga raw at balita ko’y harvard graduate pa. pero hati rin ang opinyon sa kanya e. may nagsasabing di naman daw umangat ang bansa sa leadership nya. mayroon naman nagsasabing mas mabuti na sya ang lumabas na president kesa magsugal sila sa bagong lider na di nila alam kung talagang mag-p-perform.

  2. Rey Manalo says:

    dun tayo panalo laban sa ibang bansa sa mundo, magulo ang ating eleksiyon. at lahat ng marunong magsalita, may opinyon para sa kandidato. pati patay, nakaka-boto. wala sila niyan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s