United Colors

Huwebes ng gabi pagkatapos ng aking Chinese class, nagkayayaan kami ng aking tatlong kaklase na magpunta sa Roxy Bar, isang bagong bukas na bar na di ko alam ay napakalapit lang pala sa aking opisina. Si Pablo, ang aming kaklase na tiga-Guatemala, ang nagturo sa amin ng lugar. Kapag foreigner ka, may libreng dalawang drinks sa Roxy bar. If only for this, tuwang-tuwa kaming nagpunta. Kasama ko si Alex, ang aking Espanyol na kaklaseng tiga Barcelona, at si Ivan, ang aking ka-klaseng tiga Russia. First time naming mag-bonding at nang dumating ang Guatemalan classmate namin na si Pablo, (na nagdala pa ng ilang mga kaibigan galing El Salvador at United States), lahat kami ay automatic na nag-shift sa party mood.

“Have you noticed?” Panimula ko. “We’re like the  United colors of Benetton. And I’m the only Asian in the group!” They all agreed at nag-toast kaming lahat na naghahalakhakan.

Nagsimula na kaming magkuwentuhan tungkol sa aming mga bansa at sa aming mga impressions sa Taiwan. Unang-una, lahat kami, kung mabibigyan lang ng pagkakataon, gusto sana naming dito na manirahan.

“It’s such a nice place and the people are so friendly and willing to help, especially to us foreigners,” sabi ni Jake, yung Amerikano.

“I love Guatemala, except for the drugs and corruption but I also love everything about here.”

Para naman akong talk show host na nagsimulang bumangka sa diskusyon. “So is there anything you don’t like about the country?”

“The girls! They’re so shy,” sabi naman ni Ronald, yung isa pang Guatemalan na ang tawag na sa akin ay tukayo, the Spanish word for namesake.

Sa aming lahat, si Ivan, yung Russian ang most travelled. At 23, nakapunta na sya sa napakaraming bansa mula Africa hanggang Egypt, pero first time daw nyang makarating sa Asia. “It’s so different here and everything seems interesting.”

Wala pa sa kanila ang nakakapunta sa Pilipinas at nag mag-shift ang aming usapan tungkol sa Pinas, para akong opisyal ng Department of Tourism na binenta ang ating mga tourist sites at ang bagong DOT theme na it’s more fun doing things in our country.

Di sila makapaniwala na meron tayong 7,101 islands na kung minsan ay nagiging 7,100 islands ito depende kung high tide at low tide ang dagat. Salamat kay Charlene Gonzales at sa kanyang witty answer ng kumandidato siya bilang Miss Universe.

Lalo silang nagulat nang sabihin ko na naging Spanish colony tayo ng ilang siglo at mga 15-20% ng ating salita ay Espanyol. To demonstrate, ni-recite ko ang : “Adios patria adorada” ni Rizal, pero naka-isang linya lang yata ako. Nagbilang ako ng uno, dos, tres at nag recite ng days of the week–Lunes, Martes, Miyerkoles….nagpalakpakan sila.

Syempre, binenta ko ang kagandahan ng Boracay, Bohol at Cebu and true enough, isa sa kanila ang nakumbinse kong bumisita sa Pinas ngayong Chinese New year dahil naiintriga siya sa Cebu.

“But is it safe there?” Tanong ni Jake, yung Amerikano.

“Well, every city in the world has its own dangers,” sagot ko. “Just don’t roam alone at night in the city streets and I think you’ll be safe,” sagot ko.

Hindi ko alam kung yung iniinom naming serbesa ang nagdulot ng saya pero tuloy-tuloy kaming nagkuwentuhan tungkol sa aming mga bansa at sa mga pangarap naming maging mas friendly lahat ng tao sa mundo. Di ko rin alam kung paano nagtungo ang diskusyon tungkol sa kahibangan ng maraming pulitiko sa mundo at sa mga karahasang nagaganap sa Syria at Egypt.

“I hope this will all end,” sabi ng tukayo kong si Ronald.  “We’re inhabiting the same planet and we’re all human beings after all.”

Cliche as that may sound, pero hindi ba nama’t pang United Nations speech ang tirada nyang  yun?”

After two hours, naglakad kaming magkaaakbay sa malamig na kalsada ng Taipei  at isa-isa kaming umuwi na naghahalakhakan.

Ang saya-saya.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Relationships, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

6 Responses to United Colors

  1. Permskee says:

    Pakisabi sa ka tukayo mo..ako hinde shy. *wink*

  2. Hahaha. Makakarating, Daye!🙂

  3. michiko says:

    workmates mo rin sila ronald?

  4. Rey Manalo says:

    nice yung experience na ibenta yung bansa mong kahit malungkot na ang maraming sitwasyon, kapag ibinida mo sa mga bagong friends dyan, Pilipinas pa din ang pinaka-mahal!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s