Separation Anxiety

Nitong mga nakaraang araw, lagi akong balisa. Sa office, maya’t-maya ay tumatayo ako sa kinauupuan ko at nagpupunta sa restroom para jumingle. Nagkakaroon din ako ng problema sa pag concentrate sa mga sinusulat kong technical reports. Dati, sisiw lang sa akin ang gumawa ng isang news article. Pero recently, labing limang minuto na akong nakatitig sa isang blank computer screen, hindi ko alam ang mga i-ta-type ko. Sa aking Chinese class, hindi ko ma-absorb ang mga bagong salitang  itinuturo ng aking teacher. Nagkakanda bulol ako sa pag pronounce ng mga bagong salitang instik na natutunan ko. Ang weird kasi para akong maya’t-maya’y hyper at giddy, pero at the same time, dinadalaw din ako ng matinding antok.

Kagabi ko lang natukoy ang source ng aking unusual feeling at behavior habang naghihilamos ako sa CR. Basta ko na lang sya naisip ng walang kaabog-abog. I am experiencing separation anxiety. Parang yung nararamdaman ng mga bata sa first day of kindergarten school kung saan mawawalay sila sa kanilang mga nanay at makikisalamuha na sa mga kaklase at mga teachers.  For the past three weeks, may kasama ako sa bahay. Dumating ang bunso kong kapatid, ang kanyang asawa at dalawang anak at mega bonding kaming lahat. Nang umalis siya, dumating naman ang close friend kong si Jean para samahan ako sa Pasko at Bagong Taon. Ang saya ng mga araw na yun. Pasyal kami ng pasyal. Kain ng kain. Kuwentuhan hanggang alas tres ng umaga. Pasyal ulit. Pakuha ng pakuha ng picture. Tawanan ng tawanan. Sobra akong naging busy kaya pati pag-b-blog ay di ko naasikaso.

Pagkatapos ng sunod-sunod na activities–PAK! Aalis na pala si Jean. Mag-isa na naman ako. Reality bites. Di lang yun, isa pang realization: Natapos na ang 2011 at 2012 na. Ang nakaraang taon ang isa sa pinakamasaya at pinakamaswerte kong taon. Tapos wala na rin siya. Ibang taon na itong tinatahak ko ngayon. Somehow, it gives me a certain kind of unsettling feeling. Panibagong pakikipagsapalaran, pakikihamon at pakikibaka na naman sa buhay.

Nang mahatid ko si Jean sa Taoyuan airport kagabi, mag-isa akong umuwi at sa sasakyan, habang pinakikinggan ko ang awiting “New York State of Mind” ni Billy Joel sa music stereo ng aking telepono, parang nakaramdam ako ng matinding pag-iisa. Let me emphasize that. Pag-iisa–hindi lungkot. Magkaiba yun. At nang makarating ako sa bahay, binuksan ko ang ilaw. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ako nagbukas ng TV o nagpatugtog ng kung ano. Umupo lang ulit ako saglit at nakinig  sa katahimikan. Hindi ko alam kung bakit pero in less than five minutes ay parang may natanggal na tinik sa aking dibdib. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya binuksan ko ang fridge at iniinit ang mga pagkaing niluto ni Jean bago siya umalis.

Kanina, nag-research ako sa internet tungkol sa separation anxiety. Sabi sa isang website, iba raw yun kesa separation anxiety disorder o kung tawagin ay SAD. Mas malala yung pangalawa. Ang pinakamainam daw paraan para maka adjust ng husto sa separation anxiety ay ang magpaka busy. Para rin pala itong mini-heartbreak. Trabaho rin ang solusyon. Naku, kung sa trabaho at trabaho rin lang ay marami talaga akong gagawin. Bukod pa roon, may mga nilista rin akong list of accomplishments na gusto kong gawin ngayong taong ito.

Wala naman talaga akong choice kundi ang magpaka busy. Pag hindi na ako nakakapagtrabaho o kaya’y dinapuan ng sakit–yun ang totoong nakakatakot.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

4 Responses to Separation Anxiety

  1. Jeannie Pacheco says:

    the question is….masarap ba ang mga naiwan kong luto…hahahah. Seriously, being single doesn’t mean being lonely. I know its hard for most people to believe that, but of course, I do. Masaya ka friend, unang kita ko pa lang sa iyo, you emitted a certain glow that smelled contentment—- sa totoo lang, may nakatatak nga sa noo mo na ang nakalagay ay “PEACE “—-(ay! di ko ba nabanggit sa iyo yoon????)🙂

    • talagang masarap ang luto mo, jean. ubos na ang arroz ala cubana. and thank you for the kind words. oo naman. mas payapa at panatag ako ngayon kesa dun sa crazy days of yesteryears.🙂

  2. Tux Siddayao says:

    hi sir, sana nandiyan ang marid staff para samahan ka, isama mo na si gemma at annie. we miss u sir.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s