Taglamig

Dito sa Taipei, tumataas ang benta ng hotpot o shabu-shabu. “Guo-guo” ito kung tawagin ng mga Taiwanese. Sa Chinese English news, nag-warning na ang Taiwan department of health kasi tumataas daw ang incidence ng gout at arthritis attacks dahil sa pagtaas din ng consumption ng baka, litid ng iba pang karne at lamang loob na punong puno ng purines. Translation: high uric acid. Masarap at maganang kumain ang lahat kaya matindi rin ang weight gain ngayong panahon. Maraming na-l-late sa eskwelahan at mga opisina kasi ang sarap matulog at mamaluktot. Kasagsagan na kasi ng taglamig.

Kumpara sa mga temperate countries, sisiw lang naman ang lamig dito sa Taiwan. Pumapalo ang temperature ng mga 10 to 16 degrees celcius. Parang Baguio weather. Yung mga freezing point at tag-yelo ay nangyayari sa mga matataas na bundok. Kumpara sa Korea o sa Japan na talagang nag ne-negattive ang temperature,  oks lang naman ang winter dito sa Taipei. Ang mas nakaka-aggravate nga lang ng lamig ay ang halos araw-araw na pag-ulan at ang malakas na ihip ng hangin. Kapag nag-bi-bisikleta ka o kahit naglalakad ka lang sa daan, iba ang tama ng hangin sa baga. Literally siyang mahapdi. Winter chill factor, kung tawagin ng mga experts.

Kapag hindi ka naglalagay ng langis o lotion sa balat, manunuyo ito at mangangati. Parang yung sa patalastas ng vaseline lotion–you can actually write the word dry  n your arms and legs at mag-r-register ito sa balat. Nakakapagsugat din ang lamig sa labi kaya kahit lalaki ka, kailangan mong mag lip balm.

Sa totoo lang, mas gusto ko ang taglamig kesa tag-init kasi sumusuko talaga ako kapag nakatirik ang araw. At sa katulad kong may kabigatan ang timbang, mas gusto ng body structure ko ang temperature dito. Ang mahirap nga lang kapag nagkasakit ka sa taglamig. Parang ang hirap huminga kapag may lagnat, ubo at sipon. Nasa balita pa naman na may bago raw strain ng flu virus dito kaya marami na rin ang tumatakbo sa mga clinic para magpabakuna. Ako, tinataasan ko na lang ang dosage ng aking daily Vitamin C intake.

Sa kabila ng lahat ng ito, aminado ako na swak na swak sa akin ang taglamig. Ang sarap uminom ng mainit na kape at tsokolate. Heaven ang pakiramdam ng magbabad sa mainit na shower. Ang sarap matulog ng matagal. Kung wala nga lang akong mga obligasyon sa buhay, parang gusto kong mag-hibernate tulad ng mga ahas na kapag taglamig ay nagtatago sa ilalim ng lupa at lalabas lang kapag mainit na ang panahon.

Pero eto ako, antok na antok subali’t naglalakad pa rin papasok ng opisina para bunuin na naman ang isang mahabang working day. Matutulog na lang ako sa tanghali.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s