Pre-X’mas Thoughts

Isang linggo na lang at Pasko na. What a difference a year makes. Parang kelan lang ay nasa One Ayala Triangle ako at nagkukuha ng mga dancing Christmas lights para pag praktisan ang bago kong biniling SLR Nikon camera. Isang taon na pala yun. Ganitong panahon noon isang taon, sobra akong stressed dahil sunod-sunod ang mga Christmas parties na dadaluhan ko at hate na hate ko ang pumila sa mga department stores para bumili ng mga regalo para sa taunang exchange gifts sa office. Ganito ring panahon ako na-h-high-blood dahil sa tindi ng traffic sa Maynila. Wala yatang daan sa lungsod na hindi gitgitan ang mga kotse, jeep, taxi, tricycle at pedicab dahil kahit yung pinakamaliit na eskinita ay puno ng sasakyan. Malimit ay madaling araw na ako nakakauwi sa bahay dahil kahit hatinggabi ay bumper to bumper ang traffic sa South Superhighway (o South Super traffic ayon sa aking mga kaibigan).

Sinong mag-aakalang after 12 months ay narito ako sa Taipei–isang bansang hindi nag-ce-celebrate ng Pasko? Heto akong mag-isa at tahimik na nag-b-blog, balot na balot dahil ang tindi ng lamig kahit dito sa loob ng aking apartment. Kanina ay galing ako sa mall para mamili ng aking weekly supply of groceries. Para rin namang Pasko ang buong kapaligiran. Naglipana ang mga higanteng Christmas tree at Christmas wreath. Sa piped-in music ng mall, kumakanta ang Vienna Boys Choir ng Latin version ng “Oh Little Town of Bethlehem.” Mayroon din akong nakitang isang Taiwanese na naka-suot ng Santa Claus costume. Sabi ng kaibigan kong Taiwanese, nakiki-uso lang daw sila sa worldwide celebration ng Christmas pero ang totoo, hindi nila alam kung ano ang Pasko at kung bakit ito big deal para sa ating mga Pilipino. Tapos bigla kong naisip: Oo nga ano? Kaya pala wala akong nakikitang kahit na anong Nativity images dito sa Taipei. Puro Christmas tree, lights, candy canes at wreaths lamang ang naka-display.

Kung hindi ako nagkakamali, pang-apat na Pasko ko na ito sa labas ng Pilipinas. Ang mga nauna ay noong 1998, 1999 at year 2000. Noong 1998 lang ako nalungkot ng todo dahil nagsiuwan lahat ng mga Pilipinong kasama ko at ako lamang ang tao noon sa buong dormitoryo. Naaalala ko pa, umaga noong December 25, 1998, namamalantsa ako ng aking mga damit habang nakikinig ako sa isang Filipino radio program na bino-broadcast sa Kaoshiung. Kung bakit naman sa dinami-dami ng Christmas songs na papatugtugin ng masokistang Pinoy announcer ay “Pasko Na Sinta Ko” pa ni Gary V. ang napili niyang patugtugin. Di ba’t tagusan sa kaluluwa ang version na ito ni Gary V.? Binato ko nga ang radyo ng pinaplantsa kong T-shirt sa inis.

Pero yung mga sumunod na Pasko ay okay na ako. May mga Pinoy na akong kasama at naging masaya naman ang aming konting salo-salo. Bagama’t totoo namang nothing beats Christmas in the Philippines, nakasanayan ko na ring mag-celebrate ng Pasko at Bagong taon sa ibang bansa.

Maswerte ako at may mga bibisita sa akin dito sa Taipei ngayong Pasko. Mamaya lang ay parating na ang aking bunsong kapatid at ang kanyang pamilya. Bagama’t hindi naman sila rito mag-papasko, mag-a-advance celebration na rin kami. Sa mismong Pasko, ang kaibigan ko namang si Jean ang pupunta rito, at sasamahan din kami ni Anya, ang kaibigan kong graduate student dito sa Taipei. Okay na okay yun.

Pero sa totoo lang, hindi naman sa kino-kumbinse ko ang aking sarili, kahit mag-isa lang ako ngayong Pasko, palagay ko ay hindi ako malulungkot. Bakit? Kasi masaya ako sa buhay ko. Ganun pala yun. Kahit nasaan ka, basta payapa at panatag ang loob mo, hindi ka dadalawin ng lungkot. Sa kabilang banda, maaaring nasa gitna ka ng isang napakasaya at napakagulong party pero pag wala kang peace of mind, hindi ka rin sasaya.

May isa akong gagawin ngayong Pasko na hindi ko pa nagagawa noong mga nakaraang Pasko–ang magpasalamat sa Diyos ng taimtim–hindi yung recited memorized prayer lang, kundi yung pakikipag-usap talaga sa Kanya. Bukod sa sanlaksang biyaya na natanggap ko ngayong taon, sobra akong magpapasalamat sa Kanya dahil pagkatapos ng matagal na panahon, ngayon lang ako talaga sumaya ng ganito. Ngayon ko lang  naiintindihan na pwede ka pala talagang maging masaya kahit na nag-iisa. What a nice, Christmas feeling.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

5 Responses to Pre-X’mas Thoughts

  1. T says:

    Hi,

    What you said in the last paragraph made me think of a book that had a great impact in my life this year. It’s called One Thousand Gifts by Ann Voskamp. (She is also a gifted writer so that is a gift in itself. She blogs at http://www.aholyexperience.com) I read this book in February and started making a list of God’s blessings – the good ones and the challenging ones. It was as if He was preparing me for what was to come 6 weeks later when my son got sick. Anyway, I just want to encourage you to do that write everything down. You’ll be amazed at what you’ll see.

    Have a blessed Christmas, friend.

  2. bogodoy says:

    I think I know what you’re talking about, Ronald. It’s the peace and happiness that comes from acknowledging Who is the source of all you have now and being right with Him. Ako, personally, I’m most happy every moment I spend with God, yung kinakausap siya like a Father and a Best Friend at yung pinapakinggan ko Siya by reading His Word. Feeling ko, the world around me can go crazy and I’m still happy and at peace with my God.

    I have an invitation for you. Etong friend natin na si T is blogging with friends. It’s about reading God’s Word the whole year of 2012. I’ve been doing this on my own since I became “friends” with Jesus. I’d like to try reading along with them. Come join us? Here:http://hisgatheringplace.posterous.com/ Sorry I can’t post a link with more finesse. Tinuruan na ako ni T, tamad naman akong mag-follow ng step-by-step instructions.

    Merry Christmas Ronald!

  3. likhakho says:

    Merry Christmas, Tito Ronald. More and more blessings for you and the coming year. Yes, it is true I believe that happiness and inner peace are the best gifts one can wish for and be granted either, one is single or married. May your blog reach out to more people who are finding it hard to stay happy and have inner peace. All the best in 2012!

  4. Salamat sa inyong lahat—sa pagbahagi nyo ng inyong mga comments, sa inyong mga reaksyon at imbitasyon. I really appreciate all of that. I hope you had a happy X’mas like I did.🙂

  5. Jean Cabrera says:

    ronald,sinulat mo pala itong blog mo Dec. 2011,Buti naman naeenjoy mo ang buhay kahit mag-isa, pero now marami ka nang kaibigan at masaya ka rin kahit mag-isa. Dito sa lugar namin hindi mo masyadong feel ang pasko kc malayo ang bahay ng brother ko sa Riverside county, pag wala kaming rides, sa apartment na lang kami, magsisimba at magtatawagan kaming mga friends ko.Wala akong kotse kaya minsan nakikirides na lang sa niece ng hipag ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s