Pa Shan

Ang “pa shan” ay salitang Mandarin na ang big sabihin ay mountain climbing. At nitong nakaraang dalawang araw, ito mismo ang ginawa ko–ang umakyat sa bundok at kumonek sa Inang Kalikasan. Totoo nga pala ang kasabihang “be careful with what you wish for because it may come true.” Two weeks ago, naisip ko lang na parang masarap mag mountain climbing dahil ang tagal-tagal ko na itong di nagagawa. The following day, eto na nga ang kaopisina ko–nag announce na mayroon daw kaming company outing at kung gusto ko raw sumama sa Yilan at Cilan sa Northeastern Taiwan para nga mag “pa shan.” Para akong na-matanda dahil bigla kong naisip ang binulong kong wish noong isang araw. Eto na nga at laid down on a silver platter ang offer kasi libre raw lahat. Sino naman ang makakatanggi sa ganoong offer, di ba?

Kaya nung Huwebes, sumama ang halos lahat ng empleyado sa office namin sa isang package tour papuntang Yilan. Nagkita-kita kami sa San Yat Sen Memorial MRT station kung saan kami sinundo ng isang tourist bus. Taiwanese lahat ng kasama ko at dalawa lang kaming foreigner–ako at ang ka-opisina kong Koreano. Dalawang oras at kalahati ang biyahe mula Taipei hanggang Ylan. Dinala ko ang pinakamakapal kong jacket dahil ayon sa weather forecast, bababa raw sa 4-7 degrees Celcius ang temperature sa Yilan county. Walang hassle ang biyahe at bago magtanghalian, dumating kami sa isang forestry recreation area na pang turista talaga. Log cabin ang aming tinirahan at kumpleto ito sa amenities. Wala talaga kaming schedule na itinerary kundi ang maligo sa hot spring at umakyat nga sa bundok. Wala namang sapilitian kasi may mga ka-opisina akong ayaw magtampisaw-hotspring. Syempre, andun na rin lang ako, hindi ko rin ito pinalagpas.

Nang sumunod na araw, nagbiyahe ulit kami ng isang oras pataas nang bundok para daw makita namin ang 52 century-old na mga higanteng puno. Okay sana ang adventure na ito kasi bagama’t ang tourist guide namin ay nagsasalita ng instik, nandyan naman ang mga ka-opisina ko para mag-interpret. Ang naging hassle nga lang, malakas ang ulan. Kahit na balot na balot ako at kuntodo naka-raincoat pa, mas lalong tumindi ang lamig lalo na nang maramdaman kong nanonoot ang tubig ulan sa aking rubber shoes. Hindi lang yun, nababasa ang aking camera at maya’t maya ay nagpupunas ako ng camera lens dahil ang tindi ng kapal ng fog.

So heto na. Inisa-isa na nga namin na puntahan ang 52 dambuhalang puno na nakakalat sa iba’t-ibang bahagi ng bundok. Enjoy pa nga nung una at panay ang click ko ng camera. Nang nakaka-sampu na kaming puno, naramdaman ko na ang pagod. Ang tarik nang aming inaakyat at numinipis na ang hangin. Di pa yun. Na-ji-jingle na ako. Sinabi ko ito sa kasama ko at ang sabi niya ay sumimple na lang daw ako sa tabi-tabi. Tutal, ang lawak-lawak nga naman ng kabundukan ng Yilan. Kaso, madulas-dulas naman ako sa mga basang bato nang humiwalay ako sa grupo para jumingle. At nakakatawa kasi gaya nang aking nakagawian sa Pinas, nag ta-tabi nuno pa ako. Bigla ko tuloy naisip. Ito kayang mga nunong instik, naiintindihan nila kaya ang aking pasintabi?

By the time na nakaka-apatnapung puno na kami, hindi ko na halos naramdaman ang lamig. Tumatagak na ang pawis ko at mahilo-hilo na ako sa pagod. uhaw at gutom.  Ang tangi lang nag-pu-push sa akin ay ang mga kasama ko na 90 percent ay mga senior citizens! May mga agimat yata ang mga matatandang ito at kay bibilis umakyat sa bundok! Sabi ko sa sarili, nakakahiya naman na ako pang mas bata  ang mag-pa-pass out at gagawa ng eksena dito sa gitna ng bundok. Kaya ang ginawa ko, di na ako sumabay sa grupo. Humiwalay ako at tinunton kong mag-isa kung saan magtatapos ang pagpupugay namin sa mga higanteng puno.

Nang makarating ako sa tuktok, saka ko ulit na-enjoy ang scenery. Ang linis ng preskong hangin. Ang talas ng lamig pero ang sarap ng pakiramdam. Totoo nga yatang may kung anong energy na nasasagap kapag ang tao’y umaakyat sa bundok.

Ang sakit ngayon ng mga kasu-kasuan ko. Para kasi akong nag-workout ng apat na oras sa gym. Pero hindi ako nagsisisi. Aakyat ulit ako sa bundok sa susunod na may magimbita.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Hobbies, Reflections, Taiwan Life, Travels. Bookmark the permalink.

7 Responses to Pa Shan

  1. agnes says:

    Yilan is beautiful especially the waterfall. Try mo din elephant mountain – so close to the city yet it feels you’re so far away when you’re up there. Enjoy!

  2. thanks, agnes. i will surely try to climb the elephant mountain.

  3. Permskee says:

    I’m glad you went, conquered and relished the experience!

  4. Connie says:

    Congratulations, Tito Ron and gluck on your next mountain climbing sked. Mahirap nga yung nababasa ang paa. Hates ko rin yan.

  5. likhakho says:

    Hello Tito Ronald. I finally have found the courage today to publish my first post though I still have unfinished, unpublished drafts which I may rewrite towards the end of the year or maybe in January. Am sharing the blog with you since you are one of the topnotch editors and you would probably see some gram errors (welcome! welcome!😉 pasensya na mga musings ng isang novice.😉 saka na kita babatiin ng mewee kwismas😉

  6. hi connie! saan na ang blog mo? would love to read it. send me the link. thanks.

  7. likhakho says:

    chalamat, chalamat … kindly na lang, Tito Ron: http://forwardforty.wordpress.com/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s