Ang Papaliit Nating Mundo

Kapag bata ka pa, ang normal na tendency mo ay mangolekta hindi lamang ng maraming bagay, kundi pati ng mga kaibigan. The more the merrier ika nga. Matiyaga kang makisama. Sakay ka ng sakay sa mga trip ng mga tao. Minsan nga, sumisipsip ka pa to win their approval. Pero habang nagkaka-edad ka pala, nagkakaroon ka ng attempt na maglinis ng iyong  mga kalat. Ang mga bagay na hindi mo na kailangan ay itinatapon mo na. At minsan, kahit na sabihing masakit, pero for your own peace of mind, you also decide to let go of people who you think are no longer making any sense in your life.

Naisip ko lang ito kagabi habang tinutuloy kong basahin ang non-fiction book ni Haruki Murakami na “What I Talk About When I Talk About Running.” Ikinuwento ni Murakami na noong pumasok daw sya sa edad na 33, nag desisyon silang mag-asawa na ibahin ang takbo ng kanilang buhay. Ayaw na nila ng maingay. Gusto nila tahimik na buhay. Ayaw na niyang maging negosyante. Gusto niya maging isang nobelista. Una nilang ginawa ay isinara nila ang kanilang Jazz bar. Ayaw na nilang magpuyat kaya nag-decide silang matulog ng maaga. Bago mag alas diyes ng gabi, dapat tulog na sila. At pinpili na lang nila ang mga taong gusto nilang makausap. Naisip ko tuloy: ito ba talaga ang natural course ng buhay?

Matagal ko na itong narining sa ilan sa mga kaibigan ko. Kapag tumatanda ka na raw, lumiliit ang iyong mundo. Minsan nga, hindi mo ito choice pero dala na rin ng iyong edad, hindi mo na kayang bisitahin isa-isa ang iyong mga friends and acquaintances. Limitado na rin ang iyong movement. And let’s face it, umiigsi ang pisi ng mga nagkaka-edad sa mga taong imbes na makatulong ay nagiging pabigat sa buhay. Marami akong natatanggap na mga private emails na ganoon ang sinasabi: “Sorry, pero wala na akong tiyagang makinig sa mga taong nag-iinarte, reklamo ng reklamo, laging depressed, ayaw tulungan ang sarili….” Blah-blah-blah. And the list goes on.

Naaalala ko minsan sa isang inuman, napag-usapan na namin ito ng aking mga close friends at isa sa kanila ay hindi sumasang-ayon sa obserbasyong ito. Para daw kasi sa kanya, he will continue making, welcoming and collecting friends hanggang sa pagtanda. Siguro nga’y sadyang extrovert ang kaibigan naming ito pero hindi ko alam kung sa pagtanda niya ay may energy pa rin siya na makinig sa maraming negativities ng mga taong hindi lang mahirap dalhin kundi mga totoo nang pabigat. Minsan kasi, ang ilan sa ating mga kaibigan ay hindi na rin natin ka-connect when it comes to values. Aminin natin: may mga taong nagbabago either dahil yumaman sila, nagpalit ng relihiyon, nagkaroon ng epiphany or other life-changing episodes. Maaaring minsan, hindi naman nila yun kasalanan. People change and it’s just the way things are.  Ang hindi lang siguro natin na-re-realize, yung ating pagiging intolerant sa mga tao as we age ay isa ring coping mechanism natin sa mga pagbabago ng buhay dahil mas nagiging totoo na rin tayo ngayon sa ating mga sarili.

Sabi nga ng isang psychologist, kapag tumatanda ka at hindi mo na-confront ang mga issues mo na personal, mumultuhin ka nito sa iyong pagtanda. Hindi mo rin ito matatakasan lalo na nga’t hindi raw lumalaki ang mundo natin habang tayo’y nagkakaedad. Whether we like it or not, lumiliit daw talaga ang ating mga mundo as we age.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Relationships, Trends. Bookmark the permalink.

7 Responses to Ang Papaliit Nating Mundo

  1. Rey Manalo says:

    as we age, RM, sa akin lang ito, lumawak ang aking tolerance sa mga bagay na dati’y hindi ko kayang harapin. Humaba ang aking pisi sa mga taong maya’t-maya ay naghahanap ng papansin sa kanilang maliliit na reklamo sa buhay. Nawala sa akin yung pagka-mainipin sa anumang inaasam na maaring dumating. Natatagalan ko na yung paghihintay at nabibigyan ko ng katwiran yung pangyayari, na nung bata pa ako ay hindi ko mapapalampas. Iba-iba talaga ang ginagawa nating pagharap sa pagtanda…mas marami akong kaibigan ngayon kesa nung ako ay bata…kaya ko na kasi silang sabayan sa kanilang topak, ako yung nagpa-pacify sa topak nila. kaya nga, matanda…tumatanda, dapat maging kaya-ayang panoorin ng mga bata…lagi kong sinasabi sa kanila, noon ay wala akong patawad, maikli ang aking pasensiya…hindi tulad ngayon, magalit ka sa akin, murahin mo ako…hindi kita papatulan. Tapos na yung init ng dugo, wala na yung kabataan, ang naiwan na lang ay karanasan…pumipili ako mula roon ng pwd kong ibahagi sa aking mga kaibigan. yung hindi maganda, itapon na. at magiging masaya ka!

  2. salamat sa pag-share. may naalala ako tuloy sa kwento mo. yung pagmumura. hehehehe. alam mo na yun. anyway, iba-iba talaga tayo ng pananaw sa pagharap sa pagtanda. marami pa akong pwedeng ma-share pero magiging nobela ito.🙂

  3. Nymfa Aranas says:

    agree. although we get to travel more after graduating from college, totoo pala talaga na we mellow down as we mature…. sinabihan ako noon ng elder sis sa elbi, “magmemellow ka din….” at that time sa loob-loob ko, “hindi ah, ayoko nga.” pero i’m here now at 42 mas mallit ang mundo…. lumalaki lang dahil sa internet😉

  4. likhakho says:

    I think kapag mas santo-santita ka noong bata ka pa (the super bait, super mapagpasensya, super matiisin types), pag tumanda ka eh maiisip mo eh bakit ako na lang lagi ang mabait, ako na lang lagi ang nagpapasensya at ako na lang lagi ang nagtitiis? at naiisip mo na iilan na lang ang natitirang taon eh …. so, naiisip mo na hmmm, why not maging demonyito-demonyita na (hindi naman gagawa ng masama kundi, parang dahil sa ginawa mo na before na maging santa-santo eh pribilehiyo mo naman na ngayon na yung iba naman ang magtiis at umintindi sa yo) … symbiotic relationship lang. I guess Tito Ronal is the santito type nung bata pa sya kaya ngayon siya ay ____ (supply the word na lang) hehehe … saka na lang ulit ako mag-comment pero this is an interesting topic, Tito Ron.

    And I agree too na napapagod rin ang tao … sa mga dati na nyang ginagawa … kaya lumiliit rin ang social circles nya (kasi since kindy super friendly ka na eh hindi ka ba napapagod sa pakikipagkaibigan at 42 at piliin mo na lang ang mga friends na pede ka maging the real YOU), lumiliit ang dami ng iyong mga dating mga interes (dahil marami na ring duties and responsibilities na dapat mong gawin), nagbabawas ka na rin ng friends, things etc. (kasi yung iba emotional vampires lamang; yung iba mo naman kinolekta all these years ay wants lamang at hindi need) ….

    Anyway, in a nutshell … “I think I spent the first 30 to 40 years of my life doing what my parents, my religion and my teachers taught me and the next 20, 30 years undoing what I learned from them” (hehehe, hindi naman truly-ly pero just an observation I made of myself and others who are older than me) pero no choice ako but to be a good role model dahil me bulilit pa ako na laging nakatingin sa akin😉 at “best girl” si Mama in the whole world para sa kanya kaya ang siste, half saint-half devil para everybody happy😉

  5. likhakho says:

    I forgot pala … classic examples … of good people who made the 360 degree change — Tiger Woods and Mel Gibson😉 … dala rin yan ng hormones kaya di talaga yung iba mapigilan …😉 so ako naiintindihan ko sila kung bakit sila nagkaganyan😉

  6. likhakho says:

    Edit: 180 degree turn instead of 360 degree change … I hope this is right, Mr. Editor, paki-correct nga po.

  7. Right–it’s 180-degree change, Connie, not 360 degrees. hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s