Paano Sila Nagsusulat?

Kasabay ng aking hilig sa pagsusulat ay ang akin ding malalim na curiosity kung paano nagsusulat ang mga premyadong writers. Paano sila naghahanda para sa matinding focus at concentration kung saan ang una nilang haharapin ay isang blankong computer screen o blankong papel? Ilang taon na ang nakakaraan, nabasa ko ang libro ni Coleen Venable na pinamagatang “Creators on Creating: The Psychology of Creativity” at tuwang-tuwa akong basahin kung paano naghahanda sa pagsusulat ang ilan sa mga kilalang writers. Halimbawa, ang kilalang poetess na si Maya Angelou ay hindi gumagamit ng laptop o PC. Nagsusulat siya sa dilaw na papel gamit ang lapis. Gustong-gusto rin daw nyang magsulat sa isang sulok ng kanyang kwarto kung saan laging may nakahandang mainit na tsaa.

Kakaiba naman si Virginia Woolf. Para daw siyang sinasaniban. Nararanasan daw niya ang “paghihiwalay” ng kanyang “iba’t-ibang katauhan” kapag siya’y nagsusulat. Kumbaga, para siyang in a state of trance kapag hinahabi niya ang mga salita para makabuo ng kuwento.  Syempre, hindi na niya inabot ang age of computers at ang lahat ng kanyang mga obra ay nakasulat sa maraming mga notebooks.

Sa librong “On Writing,” ang unang non-fiction book ng master of horror storytelling na si Stephen King, tinalakay niya kung paano ang kanyang hobby ng paglalakad ay nakakatulong sa kanyang pagsusulat. Tuwing hapon, naglalakad si Stephen King ng ilang kilometro sa mga lansangan ng Maine hindi lamang as a form of exercise kundi para magmasid, mag-isip at maihanda ang  sarili sa pagsusulat na kalimitan ay ginagawa niya sa gabi. Natigil nga lang ito nang maaksidente siya ilang taon na ang nakakaraan at muntik-muntikan na siyang mamatay. Pero kita nyo naman, huling tingin ko sa bookstore, super kapal ng huling nobela ni King.

Binabasa ko ngayon ang una ring non-fiction book ng aking paboritong Japanese author na si Haruki Murakami. Pinamagatang “What I Talk About When I Talk About Running,” sinasabi ni Murakami na sa pagtakbo umaandar ang kanyang utak sa ibang antas. Ito siguro yung sinasabi sa Silva Mind Control method na “alpha level” kung saan nasa pinaka creative state ang utak ng tao. Mayroon nang mahigit sa 20 taon na tumatakbo si Murakami at ito na ang naging kakambal ng kanyang passion sa pagsusulat.

Sa Pilipinas, nabasa ko naman sa librong “Si Tatang at Ang Mga Himala Ng Ating Panahon,” koleksyon ng mga sinulat na artikulo, kwento at iskrip ni Ricky Lee, kung paano siya sumasakay sa bus at nagbibyahe mula Maynila hanggang Dau para lamang mag-isip ng mga kuwentong kanyang isusulat. May dala siyang maliit na notebook at kapag pumasok ang mga idea sa kanyang utak ay agad niya itong itatala. Kapag hinog na ang kanyang idea, uupo na siyang magdamag para magsulat. Physical daw siyang writer. Umiiyak siya kapag nakakaiyak ang kanyang sinusulat.

Ang idea na `yun ay sinegundahan naman ng manunulat na si Bibeth Orteza nang minsang magsalita siya sa isang writing workshop kung saan isa ako sa mga estudyante. “Kapag nagsusulat ako ng dramatic scene at hindi ako naiyak, ibig sabihin noon ay hindi effective ang aking sinulat,” paliwanag niya.

Sa librong “I-Personal” ng yumaong premyadong manunulat na si Rene Villanueva, sinabi niya na nililinis muna niya ang kanyang bahay bago siya magsulat. Pagkatapos ay naliligo siya at naglalagay ng maraming pulbo sa likod at dibdib para raw presko ang kanyang pakirtamdam bago siya sumabak sa matinding gera ng pagsusulat.

Nainterview ko naman minsan si Gina Marissa Tagasa para sa isang artiukulong sinulat ko sa Inquirer. May time daw noon na kapag nagsusulat siya, gumagawa siya ng mga paper planes at pinapalipad niya ito sa kanyang kuwarto. Para daw itong nakaka-clear ng utak at naiisip niya ang mga susunod niyang isusulat. “Paano kapag na-blangko ka?” tanong ko. “Nanonood ako ng sine. Naglalakad ako sa mall. Pagbalik ko, okay na ako. Tuloy ulit sa pagsusulat.”

Different strokes for different folks pero ang produkto pa rin ay mga kahanga-hanga at nakakaantig na mga kwento ng buhay na binigyan ng bagong hininga at pinalundag sa papel gamit lamang ang mga salita at punctuations.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Hobbies, Reflections, The Writing Life. Bookmark the permalink.

13 Responses to Paano Sila Nagsusulat?

  1. Tux Siddayao says:

    hulaan ko sir kung paano ka magsulat? habang nagsusulat ka umiinom ka ng kape at may yosi sa tabi. tama ba ako?

    • hi tux. hahaha. dati yun, nung kabataan ko. matanda na ang lolo mo. umiiswas na siya sa mga naksasama sa kalusugan. isa lang ang requirement ko pag nagsusulat. ayoko ng maingay. kahit music, ayoko. gusto ko complete silence.

  2. Rey Manalo says:

    baliktad pala tayo…gusto ko sa gitna ng sigawan at hiyawan sa loob ng market bubuo ng kuwento.

  3. michiko says:

    ako kape lang at music. pero pag nasa gitna na ko ng sulat, hindi ko na naririnig yung ingay o kung anong song yung tinugtog🙂

  4. thanks for sharing, mich! marami ka pa sanang mapaligaya sa iyong mga pambihirang istorya!🙂

  5. Nymfa Aranas says:

    hi ronald! ako i love music even if the feeling is not mutual. ;)) hehehe di ako tulad mo na singer eh. pero nakakatulong sa akin ang music para makapagsulat. in fact, hindi ko matatapos ang aking 1st small book (Rediscovering Your Intelligence) kung hindi dahil sa inspirasyon ng dalawang songs na “Voice of Truth” and “You Raise Me Up.” kung nandito ka lang papadalan kita ng compli copy para ma-review mo…. pwede rin sana PDF kaso i read na hindi mo type read ebook. ;((

  6. likhakho says:

    Like you Tito Ron, nag-research na rin ako before kung paano naghahanda ang mga batikang manunulat bago nila ginagawa ang kanilang mga obra maestra kasi op kors, nangangarap akong maging katulad nila kahit man lamang kalahati o hanggang patay na kuko sa isa nilang daliri… pero pinakanatuwa ako noon sa nabasa ko about Haruki Murakami. Bago ko nabili at nabasa yung “What I think/talk about when I talk about running” eh naisip ko na rin na mag-RRR (run-read-(w)rite) and pareho pala kami ng naisip ni Murakami (yun nga lang nauna na siya ng 20 years) kaya di na ako original (HMP!).

    When it comes to my writing, sporadic ako eh kasi hindi ako basta makasulat unless like you, tahimik at malinis ang paligid (everything has to be perfect kumbaga) kasi ganun ako noon pa man (sa family home namin, sa bahay ko sa Forestry, naglilinis muna ako o kaya ngayon na-escape ako sa mga coffeeshop). Para ma-cure ko yung pagiging sporadic ko eh nag-take ako ng online writing courses para rin makakuha ng tips sa mga writing mentors at maging regular na activity ang pagsusulat. I guess importante ang reg writing schedule when one takes on long-term writing projects (like Murakami and King). Novels, for instance. Mas mahirap ang creative writing than technical or report writing for me kasi kelangan paganahin ang imagination o kaya hahalaw ka sa sariling experience o sa experience ng ibang tao. Nakakatulong ang pakikinig sa music to set me in the mood to write pero like you ayoko nang may music kapag sumusulat. Mas productive rin akong magsulat at may logic ang aking writing kapag katatapos ko lang mag-nap. A nap resets me and calms me down.

    Kapag di ako maka-nap, mainit ang ulo ko at parang sasabog kapag may gusto akong isulat at maingay ang paligid lalo na pag hindi ko mai-express at walang soul ang aking sinusulat (one of my writing teachers told me she felt the same). Hindi nag-wo-work sa akin to chat it out with other people/with other women to declutter my mind. At ayokong lumabas ng bahay kasi hindi ako mabait na tao eh ayaw ko pa naman sa lahat na may iniisip na nga ako tapos, may friend/neighbor/acquaintance pa na gustong makipag-chika eh medyo iisnabin ko o di ako warm kasi nga may iniisip ako. Ok lang kasi kung ang aking environment ay puro writers din who can understand my moods and temperament eh paano kung hindi eh wala na akong energy to explain (blah-blah-blah). Ayokong dagdagan ang aking inisiip pa ng isa pang concern siguro. So I understand why some creative writers do not have very good relationships.Kaya mas type ko na magturo lang as my preferred social activity kasi I do not need to exert any extra effort to be sweet and sociable. That is one downside of being a writer.

    But, on the more positive side, when I can write and I feel good about my writing, I can be a very good listener kasi parang nababawasan ang laman ng aking utak (emptying its contents) at ready ako to listen to a person/a friend who needs a listening ear.

    I am still working/practicing how to write in a cluttered environment pero I really prefer a room on my own with the barest essentials to be able to write.

    And I guess when it comes to which genre I like best, nag-e-enjoy ako right now trying different types wag lang yung horror at sci-fi at yung mala-porno(bordering on the bold and sensual) types kasi wala talaga akong talent dun.

    I hope you won’t mind pero ikaw ba, Tito Ron saan ka pinaka-nag-eenjoy na genre at ano yung pinakamahirap at pinakamadali na mga genres for you?

  7. Hi Connie! I thrive on different genres pero mas comfortable ako sa drama. Mas madali akong makahugot ng ideas pag dramatic ang istorya. Okay din ang comedy pero depende rin dahil hindi ako sanay sa gags. Horror and sci-fri, I have not tried. Kapag mga articles naman, pinakagusto ko ang personal essays (like these blogs). Enjoy ako kahit walang gaanong preparation. Everything flows from the top of my head. Feature writing, nagamay ko rin kasi may ilang dekada ko na rin itong ginagawa.🙂

  8. Connie says:

    Beterano ka na nga … baka dapat magbigay ka na ng short-term writing workshops like Ricky Lee. Count me in as a student pag nagkataon. Kahit online course pag siyempre libre ka na sa iyong other work commitments or pag retiring ka na (?) wag pa naman sana. 😉

  9. likhakho says:

    Thanks for your comments, Tito Ron. Baka gusto mong magturo online at mag-design ng writing courses as your next career platform or pede rin pagsabayin kasi multitasker ka naman: http://www.ed2go.com/TeachWithUs.aspx?tab=CoursesWanted
    Di ko lang alam kung lucrative pero yng isa kong teacher, tatlo yata yung tinuturo nya na courses. Nag-enjoy ako sa courses na kinuha ko dito lalo na dun sa first and third teachers ko. yun nga lang minsan, may super kulit students din pero at least di mo sla nakikita lagi😉

  10. Jean Cabrera says:

    Masarap magbasa ng mga articles mo Ronald para bang nagsasabing puede rin akong magsulat. Noon graders pa ako maghilig akong magbasa ng Liwayway. siguro naabutan mo pa yon. maraming kuento ron na dugtungan at talagang sinusubaybayan ko. masama ang loob ko kapag hindi ako nakabili at nabasa ang kuentong dugtungan. Sa pagsusulat kailangan ba na mahaba o ilang pages, puede ba na isang pahina na me saysay at nakaabot ka sa isipan ng mga nakabasa nito. at sa nakikita kong paraan ng pagsusulat mo talagang kailangan gumamit ng punctuation gaya nang nabasa ko saiyo. Ganunpaman maraming salamat dahil nang magwork ako sa IDC natuto ako sa DZLB staff at sa mga teoria nang broadcasting. alam mo Ronald marami akong natutunan saiyo at hindi ito mababayaran ng salapi. mabuhay ka kaibigan, naiiyak ako kasi muli akong nakabasa ng mga importante notes na magsisilbing paalala, ewan ko ba masyadong akong nageemote.

  11. Masyado naman akong na-touch sa `yo, Jean. Syempre, naman pwedeng pwede kang magsulat. Wala sa haba o igsi yun. Basta may ikukwento ka, sige lang. Ikaw pa! Aabangan ko yan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s