New Year’s Eve

Hindi raw gaanong tinatangkilik ng mga manonood sa buong mundo ang pelikulang “New Year’s Eve.” Ayon sa Agence France Presse, ang star-studded romantic comedy, na tumatalakay sa iba’t-ibang pangyayari sa buhay ng ilang New Yorkers sa huling araw ng taon, ay kumita ng $US13 million sa kanyang opening day. Payat ang figure na ito kung Hollywood standards ang pag-uusapan, bagama’t mas mataas pa rin ang kanyang ranking sa kanyang mga kasabayang pelikula. Sayang naman kung hindi mag-pick-up ang bilang ng mga manonood dahil para sa akin, worth watching ang “New Year’s Eve.” Feel good ang pelikula. Maganda ang sinasabi tungkol sa pagbabagong buhay, pag-asa, second chances, pagpapatawad at ang walang kamatayang kapangyarihan ng pag-ibig na makapagbago at makapaghilom. Pero bakit tila hindi na-achieve ng pelikula ang inaasahang blockbuster hit gayong napakarami ng mga bigating artista ang gumanap sa huling obra ni Garry Marshall na siya ring nag-direk ng “Pretty Woman” at “Valentine’s Day”?

Siguro nga kasi sa dami ng artista at sa dami ng kanilang kuwento, nalusaw na ang dapat sana’y mas focused na dramatization ng mensahe. Bagama’t kahanga-hanga ang pagkakatahi ng mga intersecting lives ng mga character sa pelikula, hindi maiiwasang may mga kwentong mas lumutang kumpara sa iba. Marami rin sa mga mensahe ng pelikula ay sinalita at di gaanong ipinakita, taliwas sa nakagawiang “show rather than tell rule” sa paggawa ng pelikula. Ang talumpati na lang halimbawa ng character ni Hillary Swank na siyang namuno ng pagbaba ng symbolic light ball sa New York City, ay mensahe, summary at moral lesson na ng buong pelikula.

Pero sa kabila ng mga imperfections na ito, nag-enjoy ako talagang panoorin ang “New Year’s Eve” dahil nakakaaaliw at well-acted ang pelikula. Cute ang kwento ng mga characters na ginampanan nina Michelle Pfeiffer at Zac Ephron. Sa simula’y parang di kapani-paniwala na magkakarron ng attraction sa bawa’t isa ang kwento na ginanapan ng mga nasabing artista dahil mukhang mag-ina sina Pfeiffer at Eprhon, pero convincing ang kanilang protrayal ng dalawang kaluluwang naghahanap ng kaligayahan sa huling araw ng taon. Okay din ang kwento nina Ashton Kutcher at Lea Michele bilang magkapitbahay na na-trap sa isang elevator on New Year’s Eve. Ganundin ang love story nina Josh Duhamel at Sarah Jessica Parker, Katheryn Heigl at Seth Meyer.

Ito ang tipo ng pelikulang lalabas ka ng sinehan na nakangiti at mangangako ka sa sariling kahit anong mangyari, kailangang maging masaya at makabuluhan ang unang araw ng bagong taon.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s