Nakakahiya

May mga pagkakataon talaga na gusto mo na lang bumuka ang lupa at lamunin ka nito kasi may ginawa kang nakakahiya. Ngalingali mong iumpog ang ulo mo sa pader, magtago sa malaking lungga at huwag nang lumabas doon sa loob ng isang taon.  Ako pa naman, malakas ang kompiyansa ko sa aking sarili. Hindi sa pagmamayabang, mahusay akong magdala ng sarili sa mga social gathering bagama’t hindi ko hilig mag-a-attend ng mga party. Pero pag kasubuan na, mahusay akong makipagkuwentuhan. Malimit pa nga akong bumabangka sa inuman, at napapasaya ko ang sosyalan. Pero dahil sa tao lang ako, meron din akong mga sablay at kapalpakan na kapag binabalikan ko ngayon ay di ko alam kung paano ako naka-survive. Balikan natin ang dalawa sa mga ito.

Social faux pas number one: Formal party sa isang five-star hotel ilang taon na ang nakakaraan. Tipsy na ako sa aking nainom na beer pero nakikipaghalakhakan pa rin ako sa ilang kaibigan na di ko naman gaanong ka-close. From a distance, may kumaway sa akin. Classmate ko siya from way back. Nagkamayan kami at nagkumustahan. Inaya ko sya at inintroduce sa grupo. Makalipas ang ilang minuto, nag reminisce na kami ng aming mga good-old  school days. Tapos, bigla syang may na mention: “Pare, kilala mo ba si Daisy? (Iniba ko ang pangalan)” Biglang hinalukay ko sa memory file ng aking utak  kung sino si Daisy. Naalala ko bigla kung sino ang kanyang tinutukoy. “Ah, oo. Si Daisy. Yung syota ng bayan! Grabe, balitang-balita kung gaano ka wild yun,” sabi kong tumatawa. Pagkatapos noon ay marami pa akong nasabi na hindi ko na natatandaan. Tuloy ang aking pagtawa.

Hindi tumawa ang kaibigan ko. Tiningnan  niya ako ng seryoso saka sinabing: “Pinsang buo ko `yun, e.”

I swear, gusto kong maganap ang isang delubyo para ma-distract ang attention naming dalawa. Nasaan na ang mga rebelde at terorista at ayaw nilang mag stage ng coup d’etat dito mismo sa hotel? Nawala bigla ang aking pagka-tipsy. Namula ako sa hiya pero, ang bilis ng aking reflexes.

“Tsismis lang naman `yun,” bawi ko. “Actually, ang bait nyang kasama. Saan na ngayon ang pinsan mo? May asawa na ba sya?”

Sinagot nya ako pero hazy na lahat. Pareho na kaming nailang. Nag-excuse ako na I have to go to the CR.

Social faux pas number two: Naging raket ko ang magbigay ng lecture on broadcasting and public speaking. Sa isang lecture kung saan nagsasalita ako sa may 40 na estudyante, pinapaliwanag ko ang mga pamamaraan para mas maging lively at hindi boring ang kanilang mga speeches. Napansin kong nagtatawanan ang aking audience at naisip kong, uy, okay. Effective ang aking lecture. Nag re-react sila positively. Nagpatuloy akong mag-perform hanggang sa may isang estudyanteng nagtaas ng kamay.

“Sir, yan po bang bukas na zipper nyo at paglabas ng brief nyo, part ba `yan ng act nyo to keep the audience alive?

Dumagundong ang  halakhakan. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Gusto kong maglaho.

Pero dalawang bagay ang sumagi sa isip ko: I can either survive and pull this off or I will remain bruised and scarred for the rest of my life.

“Of course!” Sigaw ko. “Part yan ng act,” sabay dahan-dahan kong sinarhan ang zipper ng pantalon ko sa harap nilang lahat. “Actually, dapat may lalabas pang palaka dito,” turo ko sa aking zipper. Pero hindi umulan kagabi, wala akong nahuling palaka na willing magtago dito sa loob.”

Tawanan at palakpakan. I survived my ten seconds of almost fatal shame. “Okay, okay, let’s not call attention to that,” nagpatuloy ako sa aking lecture. “As I was saying…..”

Lesson learned. Mabilis dapat ang ating reaksyon sa mga nakakahiyang incidents. Sakyan agad ang sitwasyon. Daanin sa biro. Wag magpapahalatang nagunaw ang mundo. Bangon agad. Kung ang feeling mo may na-offend, dali-dali ka ring mag-apologize and change the subject quickly.

Tutal, tayo naman daw mga Pinoy ay may angking short memories. Bukas makalawa, limot na ng lahat ang ating mga nakakahiyang eksena.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Humor, Memories of Home. Bookmark the permalink.

11 Responses to Nakakahiya

  1. agnes says:

    I used to work as a bank teller and one day, may nag ka-cash sa akin ng tseke at kilala ko ang drawer ng tseke. The account holder is a filipina about 60-65 years old at madalas kong maka chika. Anyway, this person cashing the cheque is a man, about 25 – 30 yrs old at may hitsura. Nung makita ko ang pangalan sa tseke (pay to cash) sabi ko, “oh yeah, I know your mom” Sagot niya naman, “she’s my wife”. Yun na!!!

  2. laleiyah says:

    Naku, pinoytaipeiboy, napasaya mo ako ng husto. Nagkakandahulog na ako sa kinauupuan ko sa paghalakhak. Isa na ako sa mga magiging masugid mong tagasubaybay.

  3. agnes says:

    Kune would want us to keep smiling. you’re right, life goes on:) keep the blogs coming!

  4. sally says:

    ang galing naman na mga experiences mo..dyan ka talaga magaling ang bumangka kasi sobrang galing ng mga punch line mo…never a dull moment… kayang kaya mong lampasan ang mga nakakahiyang moment kaw pa…miss u tlaga rgm lalo na sa mga occasions na may kwentuhan at kantahan siempre…MERRY CHRISTMAS…

  5. Rey Manalo says:

    RM. basta ‘wag makakalimot, tao lang tayo..prone sa mga pagkakamali, at bahagi ng life yung ganyang nakakahiyang mga karanasan. No excuses sa akin ang pagkakamali o nagawa kong nakakahiya o naging kakahiya yung nagawa kong hindi sinasadya…exhibit yun ng painting ni Sir NUT sa house ng famous painter, Mrs. Araceli Dans. Affair yun ni Sir at isinama ako para sa ilang bagay-bagay na pwd kong gawin. May pintuan doon na salamin at sliding door. Bumangga kaya ako doon at na-eskandalo ang lahat. Andun si Rica at may hawak na camera…maige na lang hindi nakuhanan ang eksena ko…if memory serves me right, si Ms. Boots Anson Roa ay nagtanong, “okey ka lang?” napulot ko agad ang sumabog kong katinuan…opo…ok lang po ako!🙂
    “aray ko”….

  6. thanks for sharing, rey! hahahaha!🙂

  7. Jennyfer C Beredo says:

    Ronald, tawang ako tawa sa mga sinulat mo, hindi ko malimutan noon DZLB days na talaga namang walang puknat na kuwentuhan tayo nina Helen, Nitz at marami pang iba, Thank you so much Ronald, pinasaya mo nanam ako, ang husay mo talaga sa lahat ng anggulo ng pagsulat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s