Insomnia Attacks

Pagod na pagod na ang katawan mo pero buhay na buhay pa ang diwa mo. Pabali-baligtad ka sa kama na parang inihaw na isda sa griller. Nabilang mo na ang libo-libong tupa na tumatawid ng bakod sa iyong utak. Natawag mo na lahat ng Santo sa langit–pero wala. Bigo pa rin ang iyong attempt na makatulog. Isa na naman itong napakahabang magdamag. At kapag naninirahan ka sa ibang bansa, mas malikot ang utak mo kapag inaatake ka ng insomnia. Naaalala mo lahat. Mag-f-flashback sa yong utak ang iyong buhay na parang pelikula–simula ng ikaw ay musmos hanggang sa kinatatayuan mo ngayon. Pag minamalas-malas ka, maiisip mo ang mga bagay na di mo dapat iniisip: ang iyong mga insecurites at takot, ang mga utang na dapat bayaran, ang mga problema sa pamilya, lahat ng mga uncertainties ng buhay na talaga namang daragdag sa paglaki ng iyong mga eyebags.

May chapter sa buhay ko na matindi ang aking mga insomnia attacks. Kaya nga naging patakaran ko na sa sarili na huwag uminom ng tsaa o kape pagkatapos ng alas kwatro ng hapon. Baka hindi kasi ako makatulog. Dumating yun sa punto na imbes na kalabanin ko at ituring na parusa ang insomnia, kinaibigan ko siya.  May mga nakahanda na agad akong libro na dapat basahin, mga DVD ng mga peliklula o TV series na di ko pa napapanood and when all else fails, tinatapos ko ang mga backlag kong trabaho. Buti na lang at freelancer ako nitong mga nakaraang taon. Pwede akong matulog ng alas sais ng umaga at gigising ng alas dos ng hapon nang walang sumisita sa akin. Pero dito sa Taipei, hindi ko kayang hindi matulog kasi mayroon akong regular working hours.

Binago ko talaga ang oras ng aking pagtulog dahil kailangang gising na ako sa pagitan ng alas sais at alas siyete ng umaga. Noong una, umeepekto ang aking early sleeping habit. Minsan, alas nuwebe pa lang ng gabi, tulog na ako. Pero nang maglaon, pag natulog ako ng ganoong kaaga, nagigising ako ng mga ala-una ng umaga at di na ako nakakatulog. Doon ako na-ba-bad trip.

Sa Pilipinas, mas nakaka-bad trip kapag inatake ako ng insominia sa summer tapos brownout pa. Yun ang mas matinding parusa. Ilang beses ko na yung naranasan at ilang beses na rin akong muntik muntikan nang makatakas sa katinuan dahil hindi lang insomnia ang kinakalaban ko. Dahil sa pusikit ang dilm kapag brownout, inaatake rin ako ng matinding claustrophobia. Hindi ako makahinga hangga’t hindi ako nakakakita ng kahit na konting sinag ng ilaw.

Statistically, mas madalas daw atakihin ng insomnia ang mga babae kaysa mga lalaki. Ito raw ay dahil sa mga hormonal fluctuations ng mga babae sanhi ng monthly period nila o kaya’y sanhi ng kanilang pag-me-menopause. Yan ang napag-usapan namin minsan ng aking mga kaibigang sina Anya at si Alex, dalawang babaeng Pinay na graduate students dito sa Taipei. Pinayuhan ko silang uminom ng chamomile tea dahil minsan ay effective ito sa akin. Mayroon din ako kakong iniispray sa unan na kung tawagin ay “Quiet Night, ” nabili ko ito sa Body Shop courtesy of a tip which I heard from Kris Aquino sa kanyang morning TV show. Effective din yun sa akin.

Mabuti na lang at malamig ang weather ngayon dito sa Taipei at madali akong nakakatulog. Ang nagiging problema ko nga lately ay ang paggising kasi kahit dala-dalawa na ang alarm clock ko, pag nag alarm sila at napatay ko na  sila pareho ay bumabalik ulit ako sa kama para matulog. Salamat naman at di na ako inaatake ng insomnia ngayon, pero sakali mang atakahin ako ulit, alam ko na ang aking gagawin para maging productive ang aking mga gabi.

E ano pa’t sinimulan kong i-maintain ang blogsite na ito kung hindi ko sya tatrabahuhin sa mga alanganing oras ng gabi?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

7 Responses to Insomnia Attacks

  1. Tux Siddayao says:

    Salamat sa mga blogs mo Sir…try to go the SPA para ma-relax at tiyak madali kang makatulog.

  2. Permskee says:

    Same here. I tried milk, reading books, watching TV, rosary…hanggang sa magpalpitate na si heart kasi tired na nga lahat parte ng katawan pero ayaw pa rin surrender ni brain.

  3. Rey Manalo says:

    RM. inggit talaga ako sa mga may insomnia. kasi marami akong gusto gawin sa gabi na hindi ko magawa dahil pagsapit ng 8pm, hay, nakangiti na sa akin si banig at nakabuka na siya. sina unan at kumot ay dalawa sa pinaka-matatalik kong kaibigan. ang sarap nilang kasama sa magdamag. sarap talaga matulog. theraphy ko kasi, maliligo bago matulog at hindi ko problema yung buhok na dapat tuyo bago matulog…:)
    at, oo…let go lahat ng worries kapag lumapat na likod ko sa higaan. konting dasal lang at humihilik na ako agad! 🙂

  4. ang lagay na yan ay nainggit ka pa sa mga may insomnia. ang sarap sarap matulog! salamat, rey!🙂

  5. likhakho says:

    looks like nagawa mo ng lahat Tito Ron kaya wala na akong maidagdag … pero ito if you won’t mind idadagdag lang po (ano va talaga? ang gulo ko kasi na-insomnia rin kaya not too calm today hehehe) — sound of water can lull you to sleep and a notebook by your side to write down your ideas/worries/fears etc.(which malamang ginagawa mo na rin) kasi pag writing talaga ang iyong main job, laging gumagana ang utak (maraming voices at ideas in your head na kelangan alisin at isulat sa papel or sa PC or kahit saan man to have a good sleep at ma-empty ang utak). sa akin eh sa totoo lang nag-wo-work ang an hour before sleeping — bath, listening to some nice, soothing music and reading a storybook with my son. nag-wo-work rin ang no PC use an hour before sleeping. kung gagamit man, listening to music na lang or reading inspiring words. kaya lang last night, lahat ito eh di ko nagawa kaya, certified insomniac today kaya watch out mga kaibigan, zombie on the loose.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s