Usapang Amoy

Isang babala: Kung kayo ang tipo ng tao na na-o-offend na pag-usapan ang hindi magagandang amoy, huwag nyo nang ituloy pang basahin ito. Pero mag-iingat naman ako sa pagtalakay. Dangan kasi, sa aking pag-s-surf sa internet noong isang araw, nakita ko ang pangalan ni Saadat Hasan Manto, isa siyang sikat na Indian author, at kung hindi ako nagkakamali, siya ang nagsulat ng kwentong “Odor,” na aming tinalakay sa literature class noong nasa kolehiyo pa ako. Base sa aking natatandaan, ang “Odor” ay kwento ng isang lalaking bombay na nakipagtalik sa isang batang bombay na babae. Hindi na nya nakalimutan ang amoy nang babae, na ayon sa description ng author, ay hindi raw pleasant. May pagka-masangsang pa nga raw. Pero nag-iwan ito ng malaking psychological scar sa lalaking bida. Sa katunayan, all throughout his life, para syang minumulto ng amoy ng babaeng kanyang nakatalik. Hanggang sa kanyang pagtanda, hindi na sya naka-get over sa amoy ng babae. Hinahanap-hanap at pinananabiknabikan niya ang kakaiba at tila walang kamatayang  amoy na iyon.

Bagama’t naging metaphor ang amoy ng babae sa iba pang aspeto ng buhay ng main character sa kwentong “Odor,” napaisip talaga ako kasi nabasa ko somewhere na 70% daw ng act ng pakikipagtalik ay pumapatungkol sa amoy. Pitumpung porsyento ng sexual  arousal ng isang tao ay hindi dahil sa visual appeal ng kanyang katalik, o sa kanyang naririnig na sinasabi nito, o ang lasa ng kanyang balat, at lambot o gaspang ng kanyang katawan. A large part of the lovemaking act is all about smell. Hmmm….totoo ba ito?

Having said that, tayong mga Pinoy ay kilala bilang isa sa mga lahi sa mundo na mahilig maligo. Partly siguro dahil mainit sa atin and partly din siguro, dahil malilinis tayong mga tao. Gusto nating laging amoy mabango at presko. Naniniwala ba kayo na there is such a thing as racial smell? Hindi ako racist at napapag-usapan lang ito, pero pag sinabing amoy ng  South Asians, anong pumapasok sa utak nyo? Yung amoy ng pagkain nila, di ba? Curry.  Nasabi ko yun dahil narinig ko na minsan na generally speaking,  tayo raw mga Pinoy, ayon sa pang-amoy ng mga foreigners, ay amoy isda. Ang tagal ko talaga itong inisip, and I figured na baka nga. Sabi ni Nick Joaquin, we are a country surrounded by waters that’s why we are fish eaters. Pero wala pa akong kapwa Pinoy na na-encounter na amoy galunggong, hasa-hasa o tulingan. Kahit nga yung mga mangingisda na malimit kong interbyuhin noon, wala naman akong naaamoy sa kanila. Siguro amoy araw, o amoy dagat pa. Pero amoy isda? So far, wala naman.

Nag expound lang ako sa significance ng amoy sa ating buhay, pero eto talaga ang puntong gusto kong tumbukin. Meron akong kaibigang lalaki na may kabarkadang babae na may B.O. raw.  Maganda pa naman daw ang babae, pero ang hindi nya maintindihan, bakit tila pabaya siya sa kanyang hygiene. Para nga daw underarm commercial ang gimmick nila kapag dumadating yung girl, dahil mistulang atomic bomb ang barkada nila kung magpasabog siya ng amoy, at lahat sila ay isa-isang lumalabas at “namamatay.”

Ang tanong ng kaibigan ko: paano namin sasabihin sa kanya ang concern namin tungkol sa kanyang amoy nang hindi siya na-o-offend? Gusto nga  raw nilang regaluhan sa Pasko ng one year supply of underam products!

Kung ako kako, kakausapin ko sya ng masinsinan. Tutal, friend ko naman siya. Nasa pagsasabi na rin siguro yun. Para di siya ma-offend, I will not exclude myself. Sasabihin ko rin na ako nga minsan, pag di maingat, hindi rin nagiging maganda ang amoy ko.

“E paano kung mapikon?” tanong ng kaibigan ko. “Paano kung mag-walk out at hindi na ulit kami kausapin?”

Sabi ko, “Well, it’s her loss not yours! Maghanap na lang siya ng kanyang ka-amoy!” Joke!  Oo nga naman. Mahirap na sitwasyon yan.

So sa mga nakakabasa nito, I want your opinion. Kung kayo ang kaibigan ko, ano ang maipapayo niyo?

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home, Reflections. Bookmark the permalink.

11 Responses to Usapang Amoy

  1. Rey Manalo says:

    RM…naniniwala ako na aware yung tao sa kanyang sarili anuman ang mayroon siya. baka lang hindi tumatalab yung nagagamit niyang panlunas at nasanay na siya…maige hindi siya naging mailap sa kanyang mga kaibigan. sa totoo lang, problema ko, bad breath, pero nagpa-check up naman ako sa dentist, ok naman daw yung mga ipen ko…gumamit rin ako ng mga mouth wash pero wala din lasting effect. try pa ako ng iba pero ganun pa rin…plano ko naman now, pa check up sa internist, doctor of internal medicine…baka sa loob galing yung bad breath. pag ganun, dapat ba, ipa-tanggal ko ang laman-loob ko?🙂
    ang tendency tuloy, kapag may kuwentuhan ang mga friends, madalang bumukaka ang bibig ko. takot na ako at nauuwi sa pagka-mailap na rin minsan…tingnan mo, pag nasa harap ako ng computer, ang dami ko daldal….salamat sa topic na ito at na discuss ko ang aking fear factor…sa totoo lang, you are the 2nd person na na-kuwentuhan ko nito, yung isa best friend sa high school at dentist na now. tenks!

  2. likhakho says:

    Hello Mr. Matalas ang Pang-amoy aka Tito Ronald. Napatawa naman ako sa title nito. Anyway, sharing an experience — about less than a year ago, mayroon akong close friend na guy, younger than me, turing ko sa kanya ay little brother ko at kasama ko sa volunteer work, very supportive na tao at matalino … nabigla na lang ako kasi nung lumapit siya one day to help out (eh medyo masyadong malapit kaya yung personal bubble ko eh natusok at hindi ako makahinga dahil sobrang lapit talaga eh si ako di sanay na ganito siya kalapit pag nakipag-usap, kaya aray!) eh ang baho niya! magandang lalaki itong dear friend ko ha at fashionable pa, pero nagtaka ako bakit kaya ang baho-baho niya (amoy hindi naligo ng ilang araw at amoy sigarilyong pinaghalo) kaya masuka-suka ako pero nilunok ko ang aking pagiging sensitive sa amoy at inunawa … at that time, very obvioius na depressed siya I think dahil sa finances at sa pagtatapos ng kanyang dissertation … next time, I saw him, di na siya mabaho at balik-model na ulit ang dating niya. Di niya natapos ang kanyang PhD pero nag-try siya ngayon na mag-work somewhere else … I pray that things will work out well for him kasi isa din sya sa mga close friends ko na guy na parang kapatid na rin ang turing.

    So, agree ako sa sabi ni Mr. Manalo na aware marahil yung tao sa amoy niya.

    As for my reaction sa relationship ng smell and the act of lovemaking … cannot comment kasi wala pa akong experience makipag-do sa isang di kalahi … honest yan (ask my husband) just in my dreams hahaha. Green ba? Baka di ako papasukin sa heaven. May nabasa lang ako nung ako ay college na kapag nakikipag-do daw eh nabibingi na di ko pa napatunayan unfortunately … maybe, mas malawak ang iyong kaalaman at experience kaya you can shed light on this matter, ayan ibinalik pa tanong sa iyo kasi curious din ako to know …teka, calling dear Ate Ollie (nangdamay pa kasi di ba Margie Holmes siya ng DevCom?)

  3. likhakho says:

    Nga pala about the amoy isda … di ako agree dyan. we are more of pork eaters so amoy baboy tayo siguro.😉

  4. likhakho says:

    Ay di ko pala nasagot tanong mo … aasintahin ko muna kung matalino siyang tao and chances are, pag matalino yan eh, wag mong pakialaman kasi the person knows how to find/look for information. Mas mabubuwisit yan pag pinakialaman mo at magagalit pa. Ang siste pag nagtanong at nanghingi ng advice, saka ibigay. Do not volunteer information (directly or indirectly). It is insulting lalo na pag ma-pride chicken.

    I had a friend in elem sch, magandang babae, pang-Miss Universe ang porma pero may BO … nangangati na akong sabihin sa kanya na malakas ang kanyang amoy pero ayokong ma-ruin ang aming friendship. After some time nung nag-6th grade na kami, nawala na amoy niya. I think either her family told her directly her problem or observant rin sya sa kanyang surroundings na may mga umiiwas sa kanya (pwera me) … so if you are the friend, lumanghap ng maraming hangin bago makipag-usap sa kanya at tiisin ang amoy … after all, for me, mas important ang friendship kesa mabahong amoy😉 now, kung family yan, diretsahan ko ng sasabihin … wala ng put a clip on your nose and smile, bibigyan ko ng deodorant as a Christmas gift with green and gold trimmings sabay sabing, “Maligo ka at magkuskos ng liki-liki.” (thinking to myself now, teka nag-deodorant ba ako today? baka ako ang pinatatamaan ni Tito Ronald ah)😉

  5. likhakho says:

    Para itong Ms. Universe ah. Question sa final round … not about world peace but the second most important issue in the universe today … body odor hahaha

    Hmm … ibig sabihin, directly sinabi mo na, na may BO siya … depende yata yon sa importance na binibigay mo sa kanya. If mahalaga sya sa iyo, alam mo siguro ang mga kiliti niya so lambingin, am sure if s/he feels the same way toward you, s/he will respond positively. kung galit pa rin, give her more space and more time, s/he will soften out am sure. Kung friend ka na itinuturing talaga eh s/he will probably be the one to make an effort to reach out kasi ma-miss ka nun kahit sinabihan mo syang may BO siya.

    If s/he does not make any effot kahit dumaan pa ang isa o 10 taon, better to find new friends or seek out your old ones. Possible rin na, baka iniisip ka rin nun pero would not make any move (yung tipong you are thought of all the time pero ipag-pray na lang kita) kasi baka mapahiya siya ulit.

    Dati, may energy akong maglambing pero now, wala na yatang natira Tito Ron kasi nakakapagod na rin ang mga relationships na yan (sa 2 boys pa lang dito eh ubos na)… parang gusto ko ng grumaduate dyan … at pag mga babae pa ang concerned, mas masalimuot pa kasi mas maraming concerns at issues ang mga women at highly-sensitive sila …may mood at timing pa na kino-consider (pwera na lang sa mga women in my family at yung super-duper barkada) mas type ko na non-relationship issues na lang ang iniisip ko sa totoo lang at makipag-discuss ng issues with friends (male and female) who have the K to think.

  6. perfect 10 ang score mo sa Q & A! ikaw na ang ms. U! but seriously, super agree. as we grow older, mas nakakapagod nang manuyo sa mga taong nag-iinarte.🙂

  7. likhakho says:

    Natumbok mo ang ibig kong sabihin. Ang hirap talaga mag-express kapag nahihilo na ako sa 3 lenggwahe. Buti si Rizal noon, di nahilong talilong😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s