Ang Coke Ad na May Puso

By this time, milyon-milyon ng Pilipino siguro ang nakapanood na ng video na kumakalat ngayon sa Youtube, sa Facebook at iba pang websites sa internet. Pinamagatang: “Coca Cola Where Will Happiness Strikes Next: The OFW Project,” ang nasabing video, na tumatagal lamang ng 4:27 minutes, ay  talaga namang isang certified tearjerker. Wala pa akong nakakausap na Pinoy na nagsabing di sila napaiyak ng ad na ito ng Coke. Kung sinuman ang utak ng proyektong ito, genius siya. Saludo ako. Congrats!

Pinaghalong episode ng “Oprah” at “Wish Ko Lang” ang konsepto ng nasabing “Coke Happiness Project.” Ang kaibahan lamang, walang letter sender na nagpadala sa Coke para matupad ang kanyang wish. Ang multinational company mismo ang umisip na libreng iuwi ang tatlong OFWs na nagtatrabaho sa Europe upang makapiling nila ang kanilang pamilya ngayong Pasko. Sila sina Joe Marie Ballon, Leonie Villanueva at Joey Doble na sinundan ng camera mula sa kanilang mga trabaho sa abroad hanggang sa kanilang pagbibiyahe pabalik ng Pinas. Sa loob lamang ng mahigit na apat na minuto, naikwento ng Coke Happiness Ad ang kanilang buhay sa abroad, ang lungkot na kanilang dinadanas at ang hirap at sakripisyo na kanilang naranasan para lamang makaipon ng pera at makatulong sa kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas.

“Hindi ako nakauwi ng matagal kasi ang father ko maysakit. Hindi na sya nakakakita,” kuwento ni “Joe Marie Ballon,” isang ex-ray technologist. “yung perang iuuwi ko, ipapadala ko na lang sa kanila para may panggamot sila.”

“Pag winter, ay ang hirap,” sabi naman ni Leonie, siyam na taong caregiver. “Kahit masama ang pakiramdam ko, pipilitin kong bumangon.”

“Malungkot kasi ako lang mag-isa, e.” bida naman ni Joey Doble, 11 taon ng  caregiver at ikinwentong isang taon pa lang daw ang panganay nyang anak ng umalis siya sa Pinas.

Sa gitna ng mga soundbites na ito, nag fade-in ang white and red graphics: “What if Coca Cola could give them what they want most for Christmas?”

At dito na nga nagsimula ang isang madamdaming paglalakbay ng mga bayaning OFW pauwi ng Pilipinas courtesy of Coke. At syempre, sakay sa Coke van, hinatid sila sa kani-kanilang mga tahanan sa Pampanga, Quezon City at Iloilo. At  sa tulong ng madamdaming musika, dito na nga nagsimula ang pagkagulat, akapan, halikan, tawanan at sanlaksang tears of joy na dumaloy sa tatlong bayaning OFW at sa kanilang mga pamilya na ipinakitang nagsalo-salo kaharap ang masasarap na pagkaing Pinoy at  ang malamig na inuming Coke.

Ma-t-touch talaga ang damdamin ng bawa’t makakapanood nito. Syempre kasama na ako doon.  Sa katunayan, habang nagpapahid ako ng luha, yung kabilang bahagi ng utak ko ay nagtatanong: how much of the ad was staged or directed? Mukha kasing natural na natural ang damdaming na-elicit ng mga napiling subjects ng Coke. May storyboard bang sinunod? Nag take 2 or 3 ba? Nag request ba ang director ng reverse shots? Nag cut ba kasi mali ang lighting o natawa ang isang miyembro ng pamilya gayong dapat ay umiiyak siya? O ang buong ad ba ay shinoot na parang cinema verite–tuloy-tuloy lang at bahala na ang kalalabsan kasi i-e-edit naman?

Whatever it is, sa aking palagay, isa itong milestone sa advertising kasi bukod sa alam naman ng mga manonood na ang ultimate motive ng coke ay ang maka generate ng mas mataas na sales para sa kanilang produkto, itinaas nila ang antas ng kanilang form of advertising. Nagkaroon sila ng misyon: ang makapagdulot ng ligaya sa tatlong natatanging OFW at sa kanilang pamilya. And in the process, naantig din nila ang damdamin ng mga manonood. Considering na bawa’t Pilipino yata ay may kamag-anak na nagtatrabaho sa abroad means na ang daling makaka-identify ang audience sa nasabing advertisement. Ang paggamit din ng internet ay isang naiibang paraan para maikalat ang nasabing ad.

Sigurado akong sa mga susunod na buwan, maraming mga communication at advertising students ang mag co-conduct ng pag-aaral para ma-evaluate empirically ang effectiveness ng proyektong ito ng Coca Cola.  Samantala, maaalala ko lagi ang proyektong ito bilang natatanging patalastas ng Coke na nakapagpaiyak sa akin. Ang Coke ad na may puso.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Reflections, Taiwan Life, Technology, TV. Bookmark the permalink.

6 Responses to Ang Coke Ad na May Puso

  1. Jeannie Pacheco says:

    saw the ad because of your blog…sana familiar na coke tune ang background…

    • yeah, but on second thought, i think they deliberately did not use the familiar coke ad music para di ma-dilute ang drama and message ng ad. they obviously downplayed the product to make the message shine.

  2. Rey Manalo says:

    RM, si Andy ang nag link sa akin ng coke ad with good intention para sa napapanahong pag-uwi ng 3 OFW. Pasko sa Pinas ay malaking-malaking okasyon. At ang ad ng coke ay tama sa panahon…kahinaan nating pinoy ang pag-alis at sorpresang pagdating ng kapuso o kapamilya…:) kaya klik na klik yung Coke ad sa puso nating pusong mamon! ikaw dyan, pasko na…mag-isa ka lang yata …baka mamaya mo, ngumangalngal ka na diyan dahil sa grabeng lungkot. ito yung panahong kahit walang dahilan, madaling magpatulo ng luha! talagang mahiwaga ang Pasko. MALIGAYANG PASKO, RM. GOD BLESS AT INGAT KA!

  3. wag mo akong paiyakin rey! hahaha. salamat and merry christmas din!🙂

  4. likhakho says:

    Naiyak rin kami ng napanood namin ito as in tumulo luha sa mga mata ni husband habang umiinom ng Coke! kung alam lamang ng mga naiiwan sa Pinas ang hirap at matinding emotional at mental stress na inaabot ng milyong-milyong OFW abroad para lang makatulong sa pamilya. so sana sa tuwing lalagok ang mga Pinoy na nasa atin ng Coke, say a little prayer for our OFWs who help save the country with their earnings. say a little prayer so they can survive each day the loneliness and stresses of living far away from home. long live the OFWs! long live Tito Ron for writing this piece.

  5. Salamat, Connie! I agree. Hindi madaling mabuhay sa ibang bansa dahil talagang there is no place like home. At sana nga marami pang mapasaya ang Coke.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s