Happy Feet 2

Ang animated film na “Happy Feet 2” ay isang pagpapatunay na gaano mang kakulay, ka-polished, kapanapanabik tingan sa mata o pakinggan sa tainga ang isang pelikula, kapag mahina at manipis ang kanyang kwento, at kalat ang pagkakahabi ng istorya, hindi ito magiging isang engaging film experience. Na nakakapanghinayang dahil gaya nang sa naunang “Happy Feet,” ang c-cute pa rin ng mga penguins, lalo na ang batang bida na si Eric na lumalaking tila insecure at mahiyain. Sobra ring ganda ng mga production musical numbers gaya ng “We are the Champions” ng grupong Queen na inawit ng dalawang bagong characters sa movie–ang dalawang hipon– na nilapatan ng boses nina Matt Damon at Brad Pitt.  Ganundin ang solong aria na “Le Lucevan  Estelle” buhat sa operang “Tosca” ni Puccini na inawit ng batang penguin na si Eric.

Pero anumang galing ng mga visual at musical flourishes, hindi naitawid ng pelikula ang inaasahang excitement ng mga manonood na tulad ko dahil parang ang daming gustong sabihin ng kwento ng mga libo-libong penguins na naninirahan sa Antarctica. Sa simula, ang akala ko’y mag-co-concentrate ang istorya sa insecurity ni Eric bilang isang introvert na penguin na hindi marunong sumayaw. Pero imbes na sundan ng istorya ang emotional journey ni Eric, may parallel ding kwento na inintroduce sa plot. Nangyayari ito sa ilalam ng dagat kung saan may dalawang hipon na tumakas sa kulopon ng mga milyon-milyong hipon para diumano’y hanapin ang kabuluhan ng kanilang buhay sa loob at labas ng karagatan. Ang buong akala ko’y magkakaroon ng kaugnayan ang mga hipon sa kwento ng mga penguins pero ang nangyari, para akong nanonood ng dalawang magkahiwalay na pelikula.

Para sa isang animated film, ang daming tinalakay na heavy stuff ng “Happy Feet 2” gaya ng global warming, betrayal, loyalty at ang mga philosophical discourses tungkol sa kahulugan ng buhay–na okay lang naman sana kung ito’y mahusay na nakatahi sa kabuuang tela ng pelikula. Pero dahil nga sa wala akong makapitan sa mga penguin characters, naging hilaw para sa akin ang dapat sana’y magandang cinematic experience. Lumabas tuloy ako sa sinehan na parang naguguluhan.

Nabasa ko sa internet kung paano nilampaso ng pelikulang  “Breaking Dawn” ang “Happy Feet 2” sa box office results, di lang sa Amerika kundi sa buong mundo. Ngayong napanood ko na sila pareho, naiintindihan ko na kung bakit mas maraming viewers ang mas nasiyahang manood ng pelikula tungkol sa mga bamipira at werewolves kesa mga cute na penguins na na-trap sa mga higanteng glaciers ng Antarctica.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies. Bookmark the permalink.

2 Responses to Happy Feet 2

  1. likhakho says:

    Yeah, to each his own. nasa timing, klase ng manonood at kung anu-ano pang factors ang success ng isang project. maybe, happy feet is meant for young kiddies😉 and di talaga ma-entertain ang isang well-informed person like you Tito Ron pero kaming tatlo dito na “childish” ang perspective at kahit magulo man yun eh matutuwa kahit mababaw ang dating. sa akin, kung gusto kong mag-isip eh nanonood ako ng Bones.

    Maiba nga ako ng konti … ang mga artistic projects, may kanya-kanyang interpretation ng viewer/audience😉 for example, may mga nabasa akong short stories/novels na magulo nga pero well-acclaimed. mga mental garbage kung tutuusin pero these are just forms of self-expression and in a free and democratic world, these projects should be taken just as they are and respected because the writer sees these things through his eyes. (p.s. hindi po ako pro-happy feet at hindi rin po ako pro-breaking dawn sapagkat hindi ko pa napanood ang dalawang pelikula.) siguro, I am just pro – “right to self-expression”, a freedom all writers and artists are supposed to be entitled to but are being suppressed by the society they are in kaya ako naiinis.Obvious na obvious naman. Psychologically manipulative. Hindi lang naman ako ang nakaka-feel ng ganito, marami pang ibang artists, writers and highly-educated and lowly-educated people too who share the same feelings.

    Now, back to your comment na sana naayos pa ang pagkakatahi ng plot ng movie, yes, I agree to that. Revision and feedback from critics are v. important kaso mo nga lang baka in the name of capitalism kaya hinahabol ang paglabas ng movie so kahit hilaw pa eh hinarvest na rin ang mangga.

    • hi connie! yes, tama ka. siguro hindi para sa akin ang film na to. or maybe hindi clear na nai-communcate sa akin ng pelikula ang kanyang mensahe. although sabi ko nga, the film has all the artistic merits, but artistry alone doesn’t guarantee an engaging film. nanghihinayang lang ako kasi the first “happy feet” resonated with me well compared to its sequel.:-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s