Ang Kahanga-hangang Buhay ni Ang Lee

Ang dati kong officemate sa Tainan na si Margaret Yu ay mayroong ikinukwento sa akin na lagi kong kinaiinggitan: naging kapitbahay daw niya ang sikat na film director na si Ang Lee.  Nang una niya itong sabihin sa akin may siyam na taon na ang nakakaraan, una kong tinanong kay Margaret kung bumibisita pa si Ang Lee sa kanyang dating bahay sa Tainan. “Of course not anymore,” sabi ni Margarette. “He is now based in New York.” Sayang, sabi ko, kung bumabalik pa siya sa Tainan, aabangan ko  talaga siya. Kakausapin. Magpapa-autograph. Siguro mag-papa-picture. Hindi ko ito gagawin sa mga sikat na Hollywood celebrities, pero gagawin ko ito kay Ang Lee. Dahil mas humahanga ako sa mga fim directors kesa mga actors.

Kahanga-hanga naman talaga ang buhay ni Ang Lee.  Noong isang araw, binasa ko ang kanyang talambuhay sa librong “The Cinema of Ang Lee: The Other Side of the Screen” na sinulat ni Whitney Crothers Diley. Ang kanyang ama ay tubong Jiangxi province sa Southern China pero dito na sa Taiwan ipinanganak ang batang si Ang Lee kung saan lumaki siya sa Chaochu, Pingtung. Noong high school, nag-aral siya sa National Tainan Senior High School kung saan principal ang kanyang ama. Dalawang beses siyang kumuha ng national college entrance examination pero dalawang beses din siyang bumagsak, bagay na ikina-disappoint ng  ama ni Ang Lee. Dahil dito, sa National Taiwan University of Arts siya nagtapos kung saan naging interesado siya sa drama.

Noong 1979, nag-aral siya sa University of Illinois at ipinapatuloy nya ang kanyang Master of Arts major in theater. Nag-branch out siya sa film studies nang gumawa siya ng isang maigsing pelikula na pinamatang “Fine Line.” By this time, asawa na niya si Jane Lin, isang molecular biologist, na naging napaka supportive naman sa kanyang hilig.  Nang mapagdesisyunan niyang sa mundo ng pelikula niya gustong magtrabaho, nagsimula siyang magsulat ng mga scripts. Pero ang tagal bago siya nabigyan ng break. Anim na mahahabang taon na naka-tengga lang si Ang Lee sa bahay at naging isang plain house husband, habang ang asawa niya ang bumubuhay sa kanya at sa dalawa nilang anak. Sa kultura ng mga instik, kahiya-hiya ang ganitong sitwasyon pero hindi sumuko si Ang Lee. Nilunok niya ang kanyang pride at nagpatuloy magsulat at mangarap.

Hindi siya tumigil sa pagsusulat ng mga story ideas at mga screenplays, hanggang mai-sumite nga niya ang screenplay ng “Pushing Hands” at “The Wedding Banquet” sa isang kompetitisyon noong 1990. The rest as they say is history.  Yun nga ang sinasabi ng libro–na kahanga-hanga raw si Ang Lee. Ang kanyang non-quitting attitude at patuloy na paniniwala sa sarili at sa kanyang abilidad ang naging daan para maabot nya ang kanyang pangarap.

Walo sa 13 pelikula ni Ang Lee napanood ko na. Lahat yun, hinangaan ko, lalo na ang paborito kong “Eat, Man, Drink Woman.” Mahilig siyang maglaro sa mga tema ng tradisyon at modernity, gaya ng istorya ng “The Wedding Banquet,” kung saan ang isang closet gay na Taiwanese ay nag-fake ng isang kasal para maitago ang kanyang sexuality. Syempre, mas nakilala si Ang Lee sa mga mas sikat pa niyang pelikula gaya ng “Crouching Tiger Hidden Dragon,” “Sense and Sensibility” “Brokeback Mountain” at “Lust Caution”

Dito sa Taiwan, may ipinagbibiling DVD ng koleksyon ng mga pelikula ni Ang Lee, pero hindi ko ito mabili-bili kasi wala ang mga itong English subtitles. Tinanong ko ang saleslady kung bakit. At ang sabi nya,, hindi ito intended for the foreign market. Proud na proud kasi ang mga Taiwanese sa kanilang kababayan–ang kauna-unahang Taiwanese na nanalo ng Oscar bilang best director. At kahit na nga sabihing American citizen na sya, ang puso nya ay nasa Taiwan pa rin.

Dalawang buwan na ang nakakaraan, nabasa ko sa Taipei Times na nag-s-shoot daw si Ang Lee dito sa mga bulubundukin ng Taichung para sa latest niyang pelikulang “The Legend of Pi,” na pinagbibidahan ni Tobey Maguire. Hindi ko alam kung natapos na ang pelikula. May nabasa ako sa internet na nagsasabing na shelve daw temporarily ang production nito pero ewan ko kung ito’y totoo. Sana hindi. Sana nandito pa si Ang Lee. Sana makita ko siya rito dahil sobrang idol ko siya.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Movies, Personalities, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

3 Responses to Ang Kahanga-hangang Buhay ni Ang Lee

  1. likhakho says:

    I have seen some of his films but I have not seen him in person. His face is very familiar, like I just saw him here in our apartment complex or in the mall last weekend.

    What an inspiring story! Thanks for sharing.😉

  2. likhakho says:

    edit: “at the mall”😉 sa totoo lang, nakasalubong ko yata si Mr. Lee sa stairway namin. wild imagination pero sa totoo lang, malakas po ang aking kutob sa maraming pangyayari, pede na nga akong maging manghuhula pero di naman Nostradamus type, Madame Auring lamang. 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s