Kumpisal ng Isang Bibliophile

May mga taong mahilig mamili at mangolekta ng bag, sapatos, relo, alahas, damit, wallet, pabango, shades, caps at kung ano-ano pang bagay. Pero ako, mahilig  mangolekta ng libro. Oo, inaamin ko, adik ako sa libro. Lumulukso ang dugo ko kapag nakakakita ako ng bookstore o library. Na-h-high ako kapag nababalitaan kong may book fair na magaganap. Nahuhumaling ako sa hitsura ng bagong limbag na libro. Tuwang-tuwa akong salat salatin at siyat-siyasatin ang hugis at hipo ng mga libro. Nabibighani ako sa amoy ng mga pahina ng bagong biling libro.

Isa akong self-professed bibliophile. Konsultahin natin si mareng Merriam Webster para maunawaan natin ang salita. “Bib-lee-uh-fahyl. Noun. A person who loves or collects books, especially as examples of fine or unusual printing, binding or the like.” Take note. Hindi raw lahat ng mga bibliophiles na tulad ko ay mahilig magbasa. Marami sa amin ay nangongolekta lang, and that’s it. Pero buti naman at adik din akong magbasa. Kinalakihang hobby ko na ito. Noong bata pa lang ako, madali akong mapatimo sa isang lugar. Basta bigyan mo lang ako ng libro, maghapon na akong mag-be-behave kasi nakatutok lang ang aking mga mata sa aking binabasa. Nalilimutan ko na lahat. Hindi ako nag-d-discriminate ng reading materials kasi kahit tarheta ng gamot at instruction guide sa pag-aayos ng sirang gripo ay binabasa ko from the first word to the last period.

Kailan at saan nagsimula itong hilig kong mangolekta ng libro? College pa lang at naka depende lang ako sa allowance na binibigay ng lolo at lola ko ay natutunan ko na ang magtipid at hindi kumain ng merienda para lang makapag-ipon at makabili ng bagong nobela ni F. Sionil Jose. Noong nagsimula na akong magtrabaho, imbes na bagong sapatos at damit ang bibilhin ko, tumatakbo ako sa bookstore para bumili ng mga libro. Kabisado ko ang lahat ng magagandang bookstore sa Metro Manila mula Alabang hanggang Monumento. Nang isa-isang nagtayuan ang mga branches ng Booksale sa Maynila, para akong nanalo sa lotto. Nakilala na ako ng mga saleslady sa isang branch ng nasabing bookstore na malapit sa amin dahil doon na halos ako makatira-tira.

Hindi na rin kataka-taka na ang kuwarto ko sa Pilipinas ay punong-puno ng libro. Nang minsang pumasok dito ang asawa ng kapatid ko, natanong niya talaga: “Nababasa mo ba lahat ng mga librong ito?” Ang totoo nyan, hindi ko natatapos lahat pero nauumpisan ko silang basahin. May mga libro kasing ang ganda lang sa umpisa pero nagiging dragging at boring na sa bandang gitna. Mayroon namang baliktad. Nakakaantok ang simula, pero pagdating mo sa page 100, hindi mo na ito mabitawan.

Ano namang klaseng libro ang madalas makaakit sa akin? Wala akong standard na maisasagot dito dahil nag-iiba iba ang aking interest. Pero parang may pana-panahon din ang pagkahilig ko sa mga librong dapat bilhin. There was a time, nakahiligan kong mangokelta ng mga Pinoy books. Libro nina Nick Joaquin, NVM Gonzales, Jessica Zafra, Ambeth Ocampo, Gilda Cordero Fernando, Ricky Lee, Bob Ong, etc. Meron namang time na sinamba ko sina Michael Crichton, John Grisham, Stephen King, James Patterson, Dan Brown at marami pang bestselling authors. May time naman na tungkol sa pagluluto, pagkain at gardening ang aking napag-tripan. At dahil mahilig din akong magsulat, aabot na yata sa 100 ang mga libro ko tungkol sa writing—in both Tagalog and English.

Tuwi akong maglilipat ng tirahan, nagiging malaking trabaho talaga sa akin ang mag-empake ng mga libro. Naaalala ko yung unang kabanata ng buhay ko rito sa Taiwan. Nang papauwi na ako sa Pinas, napuno ko yata ang anim na malalaking balikbayan boxes ng mga nabili kong libro. Nang bumalik naman ako rito, nagpadala rin ako ng isang kahon ng libro sa Fedex.

Eto nga. Nakakailang buwan pa lang ako rito ay nagsisimula nang mapuno ang bookshelf sa bahay na aking tinitirhan. Kapag lalabas ako para mamasyal, kinakausap ko talaga ng masinsinan ang sarili ko: Ronald, dadaan ka sa bookstore but under no circumstances na bibili ka ng libro. Ang dami mo pang nakapilang libro na hindi mo pa nababasa. Syempre, one out of ten lang ang pagkakataon na nagtatagumpay ako. I still end up buying books. Kung ano-ano ang aking justification. Sinasabi kong kahit di ko ito matapos basahin, ireregalo ko na lang sa Pasko. Or, pag nag annual leave ako, babasahin ko silang lahat. O kaya, e bakit ba? Hindi naman ito alak, sigarilyo at sugal. Libro ito. Investment ito kasi sa trabaho ko, kailangan ko laging informed. May maliit na boses akong maririnig sa labas ng tenga ko: Sige, bolahin mo pa sarili mo.

Recently lang, nag-level up na ang aking pagiging bibliophile nang madiskubre ko ang online book shopping. Nagsimula ito nang mag-order ako ng “The Council of Science Editors Manual for Authors, Editors and Publishers.” Less than a week simula nang orderin ko ang libro sa internet, na-deliver agad ito sa aming opisina. I found it so convenient na gusto ko ulit bumili. Pero pinipigilan ko ang aking sarili. Pag nag-o-online ako, pigil na pigil akong huwag magpunta sa Amazon.com at ilan pang mga online bookstores.

“Ayaw mo bang mag download na lang ng e-books?” tanong ng kaibigan ko.

“Ayaw,” sagot ko. “Hindi ako gaanong nag-e-enjoy pag nagbabasa ako sa computer screen.

Nakakatakot ang bagong development na ito sa buhay ko. Patnubayan nawa ako ng Maykapal sa susunod kong pagpunta sa bookstore—online man ito o hindi.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Books, Hobbies, Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

10 Responses to Kumpisal ng Isang Bibliophile

  1. likhakho says:

    Ay naiinis naman ako sa iyo Tito Ronald … parang nung binabasa ko ito eh sarili ko ang nakikita ko. Mirror image. High na high ka rin pala pag nasa library ka or bookstore. I love the smell of brand new books. Ayaw ko ring binabasa ang books thru kindle or PC. I guess traditional ako pagdating sa book reading kasi kahit anong technology pa ‘yan eh mas gusto kong hinahawakan ang libro at sinasalat-salat. Dati maingat ako sa books pero these days, gusto ko tinutupi ko yung corners sa may bandang taas para malaman ko kung saan yung last page ko pag wala agad akong makitang bookmark. kaya mas type ko rin bilhin sarili kong libro kasi pag hiniram ko lang eh syempre, wala dapat tupi-tupi. Iniingatan talaga. At nagpapahiram rin ako ng books pero pag di sinosoli agad lalo na yug mga precious ones ko eh naiinis ako talaga. Hindi ko na ikaw ulit papahiramin. Ok lang yung second best pero yung precious ones ko, eh if possible agad-agad isoli sa akin lalo na yung pinag-ipunan ko na i-collect.

    Balak ko ngang i-blog itong hobby ng book collecting just like you … ginaya ko lang ang pag-collect ng books sa tatay ko. Yung mga Reader’s Digest specials… ganung tipo. May mini-library kami at sa bahay namin noon, elem pa lang, mas nag-e-enjoy akong magbasa maghapon, magdamag kesa maglaro sa labas. kaming tatlong sisters yan ang peyborit gawin though ako talaga yung pinakamahilig.

    Like you, kahit comics o lumang dyaryo na pinagbalutan ng tuyo eh binabasa ko, pati yung mga instructions sa mga canned goods kaya nagagalit nanay ko nun kasi ang bagal-bagal ko mag-ayos ng pinamalengke o grinocery.

    BTW, nagsusulat na ulit ako pero mahirap bumalik sa writing pag natigil for a while. Nabubuwisit rin ako kasi maingay itong neighborhood namin lalo na itong dalawang kapitbahay namin na KSP eh wala naman talaga akong balak kausapin kahit inisin nila ako to the max… bukod sa cluttered nga yung things sa bahay ko. Kaya may I go to a coffeeshop muna today para lang magsulat. BTW, may I ask ako sa iyo, if you won’t mind … saan ka usually nagsusulat sa Taiwan — sa office or sa coffeeshops? eh sa Pinas — saan kang place na-parking para magsulat?

    A final note — natuwa lang ako sa iyo at humanga kasi pati bookstores eh nakabisado mo. Naiinggit naman ako sa iyo. For sure, na-meet mo na rin si F. Sionil Jose … penge naman ng autograph😉

    Chige, huling hirit na itong mahabang comment na ito… seseryosohin ko na siguro mag-blog kagaya ng advice mo, Twin Bro.

  2. Naku, connie, ikaw na nga ang nawawala kong kakambal. Swak na naman tayo ng bisyo. To answer your questions. saan ako nagsusulat? 98% sa bahay lang. Mag-isa lang ako dun kaya tahimik. Gusto ko tahimik pag nagsusulat. Ayoko ng may music, kahit mahina. Hindi rin ako mahilig magdala ng laptop sa coffeeshop kasi nabibigatan ako. Pa-minsan minsan ko lang talaga ginagawang magsulat sa coffeeshops. Sa office naman, ayokong paghaluin ang personal writing sa pagsusulat ko sa trabaho.

    Ba’t mo alam na na-meet ko na si F. Sionil Jose? Oo naman! Na meet ko na sya sa isang bookfair sa Megamall. At nakapunta na rin ako sa La Solidaridad, ang bookstore nya sa Ermita.Sobrang star struck ako sa kanya, hindi ako nakapagsalita.🙂

  3. likhakho says:

    Same here. Di ko mapagsabay music and writing. At ayaw rin sa mabigat na notebook. Kaya notebook na papel usually ang dala ko. Coffeeshops — kelangan ko gawin kasi maliit mga living spaces dito. Isang ikot lang parang na-typhoon na bahay ko and take note, dalawa ang kasama kong boys plus ako rin na na dating OC pero now isa na ring makalat kasi boy na rin ako😉

  4. T says:

    I must say, if Joy didn’t “out” me, I would have done it on my own with this post. Hello, fellow bibliophile (and Amazon.com addict – Prime member)! I have always loved books even when I was younger. My parents read to me and I have been in love with books and words ever since. My sons both enjoy reading as well, so I’m glad to have passed that along.

    I mostly read non-fiction books by Christian authors now. But once in a while I’d pick up a fiction. I recently downloaded Noli Me Tangere (The Social Cancer) on Kindle (more on this later) for free. I read the Tagalog version in high school and had the hardest time getting into it dahil ang lalim ng tagalog nina Guzman Lacsamana Guzman. Reading it in English has opened it up for me. I never realized Jose Rizal had a sense of humor! So that’s eye opening.

    Another fiction book I plan to read is called “Tolstoy and the Purple Chair” by Nina Sankovitch. Given what has happened to you in the last few days, you might be interested in this one. Here is the synopsis from her blog:

    “Tolstoy and the Purple Chair tells the story of how, after losing my oldest sister to cancer, I found myself running faster and faster away from sorrow, guilt, and fear. On my forty-sixth birthday – the same age my sister was when she died – I stopped running, dropped down into a chair and began to read. My year of reading was a discovery for me, not only of the truths found in books but also of memories, both personal and of my family. Tolstoy and the Purple Chair is the story of my year of reading. I describe how I met my other obligations – four kids, a husband, three cats, friends, school volunteer work, and piles of laundry – while still finding time each day to read and to write, and I recount the moments of epiphany that came to me, spurring me onward in my quest. Most of all, Tolstoy and the Purple Chair is the story of how reading helped me pull through the grief of losing a loved one, and how books brought me back to my family, hopeful, happy, and ready to move forward again. My book illustrates the motto of my website, “Great good comes from reading great books” and is proof of the all-encompassing power and delight of reading.”

    Maybe you can do a similar challenge? (Ayan binigyan pa kita ng assignment.)

    Re e-readers. Eto na. It all started because my husband was complaining about the amount of space taken up by my books. (I mean, who really needs a linen closet?) Eh matitiis ko ba namang hindi bumili ng libro? Nooooooo! So, enter the Nook (by Barnes & Noble) and Kindle Touch (Amazon). Masaya siya, masaya ako. Problem solved! So that’s one benefit – it brings harmony to a marriage.🙂

    Here are some other benefits:
    1. They use e-ink technology which prevents eye strain. It’s not like reading on a computer screen at all.You can even read outside in bright sunlight and no glare. Para ka ring nagbabasa ng book,

    2. It’s much lighter than carrying a hardback. Di ba sabi mo ayaw mong ikaray ang laptop mo dahil mabigat?

    3. You can also download e-books from the library. And – if you like reading the classics like Jane Austen, Mark Twain, Charles Dickens, etc – you can download these books for free! Free! (I like free.)

    4. Think of the money you will save on shipping costs. Instead of giving it to FedEx you can use the extra cash to buy – well, more books! Win-win, di ba?

    Ok, enough pontificating from me lest you wish na bumalik uli ako sa lungga ko. I just wanted to put it out there for your consideration.

    P.S. I’m not on FB so I asked Joy for your e-mail address. I just got it from her so I’ll send you an e-mail sometime.

  5. T says:

    P.S. We had adobo for dinner last night because of your prior post. How is that for influential?🙂

  6. thank you so much, tretchie. if i remember it right, the last time i saw you was 1986. that was a quarter of a century ago–and here we are, talking about books and adobo as if nagkita lang tayo kahapon.🙂 thank you for the tips. i will give the e-link tech a try one of these days. and i will be waiting for your email. have a wonderful day ahead!🙂

  7. likhakho says:

    Hi Tito Ronald (again) and Miss T (pasensya na …though she sounds like a cross between/among Dr. Flor, Adhara Lazaro na Dr. na rin pala, almost forgot and a friend here in Nagoya) … m. salamat sa advice about the merits of kindle pero sadly, my book collection would be just about two small boxes, makapuno lamang ng 1/4 ng isang balikbayan box.

    The problem is lahat kaming tatlo ay collectors and creators. My hubby collects science assembly kits and robot kits; our kid collects books, robots too and little bits of this and that (what a usual 9 y.o collects). So, our agreed short-term solution is to throw away/ipamigay ang ayaw and my proposed long-term solution is to find a place where each one of us would have our own collect-create-clean your own labs (bec each one of us is a creator and a collector). The hubby likes to have a house, I just want to clean common/shared areas so I can have time for my writing but the little boy wants a treehouse so eto yung malaking challenge for the time being. Perhaps in a year me solution na kami dito (fingers crossed) kasi nagbabalot na kami hoping to move real soon. Kaya lang to where is the mystery at pinag-me-meetingan pa namin.

    BTW, Mr. Bododoy in your other blog sounds like Roldan. Hi Tito Roldie kung ikaw man yan! Miss na kita. Am sure di nya ako sasagutin kasi anonymous muna sya. ok😉 cute.

  8. hahaha. hindi mr. si bododoy, ms. connie. ms. din sya. she’s my HS classmate and devcom grad din. pero hindi na kayo nag-abot.🙂

    • likhakho says:

      Oh, I see. Cute naman ng name na Bododoy😉 BTW, nagsulat ako in Fil/Tag today. Title is The Psychology of Laundry (medyo comedy dahil sa dami ng nilalabhan ko eh maloloka na ako at gusto kong mag-lighten up kaya napasulat ako bigla), pakita ko na lang sa yo pag natapos ko. Kaya type ko nga basahin yng mga nakakatawa mong blogs kasi nahahawa ako. I guess this is one side of me (us) which I (we) have not fully explored and I’d like it to show in my writngs.

  9. Jean Cabrera says:

    Noon highschool ako gusto kong basahin ang reader’s digest kasi ganda ng mga articles pati vocabulary words puzzles. gustong-gusto ko ring magbasa kc nagpapagaling ng vocabulary saka naeentertain ka nang pagbabasa. ngayon meron din akong collection ng mga books saka malapit lang ang public library kaya madaling manghiram ng libro dini. Thanks again Ronald for sharing, ang galing mo talaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s