The Adobo Experiment

Kamakailan lamang, nagkaroon ako ng matinding craving sa adobo. Hindi lang basta adobo. Gusto ko, yung “thrice-cooked-adobo” na dinadayo ko pa noon sa isang fastfood restaurant  sa Cubao. Parang lightbulb na nag-ilaw ang aking utak. Sabi ko sa aking sarili, gagawa ako ng aking version nito. Hindi ko alam ang procedure pero bulong ko sa sarili, bahala na si Batman. Kung pumalpak, e di okay lang. Ako lang naman ang kakain. Hahalukayin ko na lang sa aking memory file at pilit na tatandaan ang recipe na nabasa ko sa libro ni Nancy Lumen Reyes, na pinamagatang “100 Ways to Cook Adobo.” Mentally, naglista ako ng mga ingredients at na-pinpoint ko agad ang problema. Wala akong dahon ng laurel. Saang bunganga ng buwaya ko hahanapin at kukunin ang dahon ng laurel dito sa Taiwan? Di bale, mag-i-improvise ako.

Nagpunta ako sa grocery store  at bumili ng 1/4 kilo ng pork, 1/4 kilo ng manok, at saka sibuyas. Marami na akong bawang sa ref. Mayroon na rin akong suka, toyo, paminta at brown sugar. Pagdating ko sa bahay, inayos ko ang mga ingredients sa kusina. Nag psyche ako ng sarili. Dapat nasa chef mode na ako. Hiniwa ko ang sibuyas at bawang at gaya ng aking natatandaan, ginisa ko muna ang pork sa kawali ng walang mantika. Yun ang natatandaan ko sa nabasa ko. Nung nagmantika na ang pork, saka ko naman nilagay ang lahat ng ingredients at pagkatapos ay hinalo ko ang mga ito at hinayaang maluto. Tapos saka ko tinanggal ang sabaw, at prinito ko ulit ang  pork at manok sa ibang kawali. Dalawang beses kong inulit ang procedure pero ang feeling ko, may mali sa ginawa ko. Kumuha ako ng maliit na hiwa ng pork at tinikman. Matigas ang karne. Patay, palpak.

Tamang tama, nakabukas ang aking laptop at naka online ang kaibigan kong si Bebot. Nag message ako: “Bebot, andyan ka ba? SOS! Ba’t ang tigas ng karne sa niluluto kong adobo?”

To the rescue naman agad si Bebot. Mabilis siyang sumagot: “Sir, takpan mo kasi ang kaserola o kawali!”

“Ganun ba yun? Sagot ko. “O sige, salamat!” Sabi ko sabay takbo ulit sa stove. Sa pagkakataong ito, naalala ko na naman ang dahon ng laurel. Okay lang yun. Kinumbinsi ko ang aking sarili.

Habang hinihintay ko ang resulta ng aking kitchen experiment, naisip ko ulit kung bakit hindi pa recognized ang adobo sa international cuisinie. Ni-re-recognize all over the world ang pizza at pasta ng mga Italyano. Ang mga Thai ay may tom yum at pad thai, ang mga Koreano ay may bolgogi at kimchi, ang mga hapon, may tempura, sushi at sashimi. Bakit kaya hindi pa recognized ang Philippine adobo? Siguro, hindi sya na-p-promote ng husto. Siguro wala tayong magandang “plating” para sa adobo. Kunsabagay, naisip ko rin. Marami sa atin ay di rin tumatangkilik ng ating sariling potahe. Meron akong kaibigan na hindi kumakain ng adobo e hindi naman sya vegetarian. Ayaw nya lang daw talaga ng lasa nito. Ang sabi ko na lang sa kanya, you do not know what you are missing.

Anyway, to cut a long story short, naging semi-successful ang aking unang attempt sa aking adobo experiment dahil hindi sa binubuhat ko ang sarili kong bangko, sobrang sarap ng aking pagkakatimpla. Nagtalo ang asim at alat, na may konting tamis. Yun nga lang, ang tigas pa rin ng pork. Palagay ko, hindi maganda ang quality ng karne na nabili ko. Ang nangyari tuloy, manok lang talaga ang nakain ko–na okay din lang dahil mas healthy daw ang karne ng manok. Dapat lang ay tanggalin ang balat.

Ano ang mga natutunan ko sa experiment kong ito? Una, huwag mag-rely sa memory work. Matagal na akong pinagkakanulo ng aking napaka purol na memorya. Sana man lang nag-research ako online ng tamang recipe. Pangalawa, palpak man o successful, i-enjoy ko lang dapat ang buong cooking experience. Cook like no one is watching. Three, i-adapt ang motto ng Nike: when in doubt,  just do it.  Four, matutong kumilatis ng sariwang karne. Fifth, don’t give up. Magiging mas masarap at mas malinamnam ang susunod kong lulutuing adobo.

Promise.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Hobbies, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

8 Responses to The Adobo Experiment

  1. Connie says:

    Hi Ronald. Nabusog naman ako sa pagbasa ng iyong blog, BURP! Naamoy mo ba hininga ko? amoy adobo😉 Napalaway tuloy ako sa description mo. Gusto ko sana magluto ng adobo rin kaya lang bertdey ng bulilit kaya iba dapat ang aming putahe.

    BTW, have you checked Connie Veneracion who is an OC when it comes to home cooking … I like her recipes pero now di na ako like her na masyadong all-natural unlike before kasi lahat naman ng kinakain na natin talaga eh meron ng artipisyal na component.

    If you won’t mind, here are some tips about my homecooked adobo (mukha na rin itong blog sa haba ng posting):

    (1) use pork belly, sliced thinly and place it in the bottom most part of the pot, then next the chicken slices, the buto-buto kind on top of the pork (bones help add flavor na malamang alam mo na rin).

    (2) use garlic, lots of it and mix this with the pork-chick (unfortunately, I do not use onions pero can experiment with this in the future).

    (3) i use the halo-halo easy cooking method bec am always pressed for time when cooking. the order in which i put them inside the pot is this: pork-chic-garlic-vinegar-soy sauce-salt-crushed black pepper sprinkled on top. mix the ingredients with a spoon before turning on the gas knob. i add the sugar afterwards when the meat is cooked when I feel the flavor isn’t right. Before i forget, the proportion of vinegar to soy sauce is 3:1. (a friend of mine uses pork liver to enrich the flavor of the sauce which you prob also know na rin with your book, 100 ways …tried it but too rich for me kaya hindi po ako nagamit)

    (4) i prefer slow cooking over low fire.

    (5) pag may tira pang adobo sauce at tinatamad akong magluto … i put some 3-4 hard-boiled eggs on top of the rice in my rice cooker and cook them along with the rice and voila, may nilagang itlog na ako. My husband loves these “adoboed” eggs (meron bang verb na ganun?) …sometimes, i cook pumpkin along with my rice so my adobo comes with fresh tomatoes and another vegie. i am into lazy home cooking now and leftover cooking … yan na yata ang specialty ko lately hehehe… kasi tinatamad na rin ako na pabalik-balik sa shops and di na kaya ng powers ko na magbitbit ng mabigat kaya nag-online shopping na (mahirap lang kasi some foods like fish, eh mahirap i-online shop, mas type ko pa rin ang kurut-kurut active type of shopping).

    I sound like Kris Aquino here. Chige, gotta shop for the bertdey boy’s menu.

  2. salamat, connie! para ka na ring nag-b-blog! okay yan!🙂 thanks for the tips. hamo, susubukan ko ulit magluto–hopefully this coming weekend. weekdays kasi are super busy days for me. di ko na kayang magluto sa gabi. anyway, good luck to you and happy birthday to your son!🙂

  3. Jeannie Pacheco says:

    congratulations ronsky! i promise to share you my secret in my adobo… provided you like it of course. its Jeannie’s gourmet adobo

  4. Permskee says:

    Our kasambahay cook adobo with banana blossom..minsan with kamote para lumapot ang sauce.

  5. ruel says:

    Naalala ko sa JICA Tokyo, nag seserve sila ng adobo, spelled as “adovo”. Malabnaw ang sabaw at malayo ang lasa sa ating adobo. It must have been intended for Pinoy trainees.

  6. Ida says:

    Nagutom tuloy ako. Ha ha… Buti na lang nagluto ng adobo si Mama.🙂

  7. Jennyfer C Beredo says:

    Alam mo Ronald ang Adobo ko na ipinakilala ko rito sa California ay me gulay gaya ng carrot at patatas, nakakatawa ano. meron din akong natikman na me hard boiled eggs. marami naman tayong magagamit na recipe pero laging kasama ang suka, toyo, asukal, laurel at paminta at bawang na marami. enjoy the Adobo ang forever recipe natin sa kusina.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s