24-Hour Rewind

5:20 am

Nagising ako sa tawag ni Agnes galing Melbourne. Wala na nga daw ang kaibigan kong si Kune. Saglit lang kaming nag-usap. Mumukat-mukat akong lumabas ng kwarto at naghilamos. Nagsimula ng mag sink-in lahat. Sinimulan kong sulatin ang blog kong “Paalam, Kune.” Ang bilis ko itong natapos. Parang may boses na nagdidikta ng mga salitang dapat kong i-type. Na publish ko ito agad. In less than ten minutes, tiningnan ko ang stat view ng blog ko: naka 89 hits agad ako. Hindi ako makapaniwala.

7:27 am

Kumakalam na tiyan ko pero hindi ako makakain. Ikot ako ng ikot sa bahay. Para akong cassette tape na nag-re-rewind. Inaalala ko ang mga thousands of moments namin ni Kune. Nag-ring ang phone. Si Rica, classmate at kaibigan din namin ni Kune, ang nasa other line. Nabasa na daw nya blog ko. Pupunta daw sya sa Pampanga mamaya and will keep me posted. “Okay ka lang ba?” tanong nya. “Oo naman,” sabi ko.

8:08 am

Nag text si Rito Asilo, assistant editor namin ni Kune sa Inquirer at kaibigan din namin. Di rin siya makapaniwala sa balita. Kung nagpaalam daw si Kune in my dream, lab daw nya talaga ako. I texted back: “Sobrang lab ka rin nun. Kayo ng brother mo. Ang galing nyo daw mag-ingles, pero ang h-humble nyo. Walang ka ere-ere.” Sumagot si Rits: “Ayoko na. Naiiyak na ako.”

8:55 am

Checked my FB messages. ang dami nila. Mga kaklase namin ni Kune na nasa Amerika na nagdadalamhati rin. Si Adolf Alix, Jr. na kaklase at kaibigan din namin ay nag message from France. Sobrang sad din daw nya. Si JP ng Star Cinema, mukhang ngayon lang nya nabalitaan. Hininhingi nya address ng bahay ni Kune. Ang kaibigan kong si Didit na nasa Tainan, nag message din at tinatanong kung okay lang ako. Sabi ko, okay lang,  pero hindi pa ako masyado nakakatulog.

10:10 am

Para akong nasasakal sa loob ng bahay. I need to get out. Gusto kong makakita ng mga taong masasaya–naghahalakhakan, naghaharutan. Umalis ako at nagpunta sa Taipei Botanical Garden. Nagkukuha ako ng pictures ng mga mallard ducks. Pinanood kong maglaro ang mga bata sa garden. Wala silang kaproble-problema. Na-relax ako.

12:10 pm

Nagutom na talaga ako. Dumiretso ako sa Taipei 101 at kumain sa fastfood court sa basement. Tumambay din ako sa Page One, ang bookstore sa 5th floor. Na-intriga ako sa nobelang “The Woman in the Fifth” ni Douglas Kennedy.” Sinimulan kong basahin ang libro. Naka lima agad akong Chapter. Di ko mabitawan ang kwento ng lalaking pumunta sa Paris para lang makalimot sa nakaraan. Binili ko ang libro.

2:25 pm

Ikot ako sa ATT Mall, katabi ng Taipei 101. Iniisip ko kung saan ako pupunta. Nag-decide ako na manood ng sine. Bumili ako ng ticket para sa 4:00 pm showing ng “Seeking Justice.” May dalawang oras pa ako. Tumambay ako sa Starbucks sa baba at tinuloy kong basahin ang libro ni Kennedy.

6: 15 pm

Lumabas ako ng Vie Cinema. Okay at gripping naman ang drama/suspense movie, pero parang may kulang. Parang may mali. Di ko ito ma-pinpoint. May nag text ulit na isang close friend. Nabasa daw nya blog ko. Sana daw pag namatay siya, i-blog ko rin siya at sana daw ganun din ako kalungkot. Nag-text back ako: “Loko ka talaga! Mag email ako sa yo mamaya. Nagpunta ako sa grocery store at namili ng aking supplies for the week.

8:30 pm

Tapos na akong mag-dinner. Nagsulat ako ng email sa kaibigan ko as promised. Sabi ko, hindi mo kailangang mamatay para i-blog kita! Ang haba pa ng mga sinabi ko pero hindi ko maintindihan kung bakit nung i-se-send ko na, nawala ang internet connection ko at nabura ang aking mahabang mensahe. Bwisit na bwisit ako. Ayoko na siyang sulatin muli. Tinext ko na lang siya.

11:00 pm

Ka-chat ko ang dati kong officemate na si Bebot na nasa Italy. Huwag na daw akong malungkot. Saglit lang kami nag-usap. Naka-exchange messages ko naman sa FB si Michiko Yamamoto. Nag-react din ako sa blog nya  tungkol kay Kune Pinag-usapan namin si Kune at ang memories namin sa kanya. Nauwi ang usapan namin sa kulam kasi nag-re-research daw sya tungkol dito para sa isang script na sinusulat niya. Nakaramdam na ako ng pagod. “Sige, Mich, tulog na ako,” sabi ko.

12:30 am

Di pa rin ako dalawin ng antok. Pagod na pagod na katawan ko pero buhay na buhay at mabilis na tumatakbo ang utak ko. I kept thinking of the phrase: “A November in My Soul” Saan ko ba nabasa yun? Hindi ba tula yun ni Rainier Maria Rilke? Hindi, sabi ng isang side ng utak ko. Title yun ng isang article ni Tweetums Gonzales sa “How Do You Know Your Pearls Are Real?” Hindi, sigaw nung isa pang side ng utak ko. Si Ishmael Bernal, dating may bar sa Malate na ganun ang tawag. Nagsalita din yun isa pang bahagi ng utak ko: Ungas, “A Grey November in My Soul” yun. Pero kay Rainier Maria Rilke nga yata galing yun based sa isa niyang tula. Bukas, i-g-google ko yun. Promise. ” Yun ang last thought ko bago ako panawan ng ulirat.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Reflections, Relationships, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

2 Responses to 24-Hour Rewind

  1. Yep Ronald. Tutoo di rin mawalawala si Kune sa isip ko. Parang nakikita ko siya parati sa utak ko. yong mga moments na nagkakasama kami noon sa SM, sa condo niya, sa panonood ng sine, sa mga parties natin at mga kantahan sa karaoke at meetings. Parehas kaming malakas tumawa. Nakikita kong tumatawa siya at naiisip ko mga biruan natin. Nakakalungkot talaga. Okay lang maiyak at malungkot at di makapaniwala. Just let it be. Kasi stages yan ng grieving. Take care my friend. At dasal pa rin tayo para sa katahimikan ng kaluluwa ni Kune at sa mga naiwan niyang kapamilya.

    • thank you, carol. i think kune always wanted the group to be bonded kaya kahit malalayo tayo sa isa’t-isa, let’s continue the tradition of updating each other. this, i believe will make her happy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s