Ang Mga Kanong Pabling

Mahilig akong manood ng Chinese news sa telebisyon kahit hindi ko ito naiintindihan. Dahil nga sa nag-aaral ako ng Mandarin, sinasanay ko ang aking sarili sa tunog ng wikang instik. Pero kamakailan, napatitig ako sa TV screen kasi may nakita akong news footage ng isang Amerikano na naka-posas at  ine-escort ng mga immigration officials papunta sa loob ng eroplano. Sa tingin ko, nasa mga mid-thirties na ang lalaking Kano at mukha syang guwaping. Kahit di ko naiintindihan ang detalye, alam kong na-deport ang kano (o “mei-guo” sa salitang Mandarin). Nang sumunod na araw, tinanong ko ang isang kaibigang Taiwanese tungkol sa balita. Usap-usapan na pala ito rito sa Taiwan.

Na-deport diumano ang nasabing Amerikano dahil ilang taon na ang nakalipas, may niloko syang Taiwanese na babae. Type na type daw ng babae ang Kano at niligawan naman siya nung Amerkano. Pinangakuan pa yatang papakasalan. Nang hulog na hulog na ang loob ng babae, umutang ang Kano ng malaking halagang pera sa kanya. Pagkatapos ay naglaho na lang ang mapormang Amerikano na parang bula. Pinahanap ng babae ang Kano at pinakulong siya. Tumagal din ng ilang buwan sa bilibid ang Amerikano bago siya nakauwi sa US.

Pero hindi rito nagtatapos ang kuwento dahil walang kadala-dala itong si poging Kano. Bumalik siya sa Taiwan makalipas ang isang taon gamit ang fake passport at ibang pangalan. Nanirahan siya sa ibang bahagi ng isla kung saan nambiktima na naman siya ng mga mapupusok at marurupok na babaeng Taiwanese. Hindi lang yata isa ang nabiktima ni pogi. Dahil sa kanyang mala-Adonis na katawan, matamis na dila at mala-Valentinong pang-akit, maraming mga Taiwanese na babae ang nahulog sa kanyang kamandag. At yun na nga, matapos na maperahan ulit ang mga pobreng babae ay nagtago na naman ang mandarambong na Prince Charming. Hanggang nahuli ulit siya ng mga awtoridad at na-deport na muli sa Amerika.

Ayon sa aking kaibigang Taiwanese, tila lumalaganap na ang mga ganitong raket ng mga guwapong Amerikano dito sa isla. Nagsusulputang parang mga kabute ang mga Kanong pabling at naghahanp na naman sila ng mga susunod na mabibiktima. “Ang hindi ko mainitndihan,” sabi ng kaibigan kong Taiwanese sa wikang ingles, “ay kung bakit napakadaling magpaloko ng mga batang babaeng ito. What do they see in those Americans?” tanong niya sa akin.

“Well, they all fall for the Americans’ charm. They must certainly be suave and smooth operators,” sabi ko. “I don’t know,” sagot naman ng kaibigan ko. “But I always tell my teenage nieces, if I ever see you dating those Caucasians, I will disown you.”

Natawa ako. Inexplain ko sa kanya na iba na ang mga kabataan ngayon. Hindi na sila nadadala sa mga pananakot at mga linyang “I will disown you.” Mas lalo lang silang mag-re-rebelde. Pero ito ay ayon sa aking karanasan sa mga teenager sa Pinas, sabi ko. Hindi ko alam ang dynamics ng teenage culture sa Taiwan, except sa isang newspaper article na nagsabing tumataas ang teenage suicide rate dito sa isla. Mababa raw ang frustration tolerance ng mga kabataang Taiwanese. Bumagsak lang sa exam o ma-break lang ng boyfriend, marami sa kanila ay maghahanap agad ng lason para laklakin o kutsilyong panlaslas sa pulso para kitlin ang kanilang mga tila patapon ng buhay.  In the meantime, eto namang mga mapagsamantalang mga poging Kano ay panay ang porma sa mga bar, mall at kalsada ng Taiwan, dala ang kung anumang anting-anting para mang-akit ulit ng mga madaling malokong mga kabataang babae upang mahulog sa kanilang bitag.

Mga pabling at mapanlinlang na mga Kano at mga marurupok na Taiwanese teenage girls. Pamatay na kombinasyon ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Relationships, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

7 Responses to Ang Mga Kanong Pabling

  1. Connie says:

    Am just going to react by sharing something on the suicide angle and academic pressure of Asian Americans specially Chinese (and Koreans). Built-in na yan sa Chinese culture (the drive to excel) and it has something to do with Confucian values. It (the drive to excel) is stronger for first-born girls.

    http://hardboiled.berkeley.edu/archived-issues/issue-14-4/young-asian-american-women-under-double-pressure/

    After Amy Tan’s Tiger Mom came out, there was one mother who shared about how her oldest sister gassed herself to death even if she was very successful in all areas of her life. Mahirap maintindihan but you know our society should just learn to understand and accept that there are cultures which are really different. A therapist and an understanding, listening support group can help save lives.

    And talking about suicides pa rin closer to home (sorry but getting farther away from your topic), in our building complex alone, there have been three suicides already (mostly old people who are living alone, gassing, jumping off the veranda) and I know the numbers are increasing every year by the thousands here in Japan. So you see, if people really care and got some conscience, help out. But then again, there are people who just do not understand and would rather just pass judgment. Kaya kung pede lang at nagana pa utak ko, eh gusto kong maging trained psychiatrist/psychologist or someone who can help those with mental health issues hehehe😉 Dadami pa ang mga suicidal for sure in the future … di ako si Madame Auring pero strong prediction ko ‘yan so kelangan yung mga gustong mag-pari at mag-madre eh mag-therapist na lang kasi they can save more lives😉

  2. Connie says:

    Sharing an interesting read (this one includes Filipinos), sorry, Tito Ronald, me kahabaan:
    http://www.psychotherapynetworker.org/recentissues/130-living-up-to-the-american-dream

  3. thanks, connie. i agree with what you said. and thanks for sharing your links. gives me something to think about. pag psychiatrist ka na, baka ako una mong pasyente. hahaha.🙂

  4. Connie says:

    Hahaha, may nauna na sa yo na nagpagamot sa akin, ako 😉 and you yourself have the strong marks of a psychiatrist who really care, shows so much in your writings (members of Mutual Admiration Club). “a little psychology from very close friends and family is endearing, it means they care about you but a little psychology from people who barely know you will always be regarded as an insult to your intellect.”😉

    • salamat, sister connie!🙂

      • Nymfa Aranas says:

        na-observed ko lang sa mga taiwanese teens ay masiyado na silang westernized. naiskandalo nga ako sa MRT nang makita ang magboyfriend na mgakayakap na magkaharap at di mahulugan ng karayaom ;(( at ang mga pananamit na short shorts at mini skirt ng mga sumasakay ng MRT… at eto pa sa paborito naming park sa neihu district malapit pa naman sa playground merong mga gumagawa ng kababalaghan….

        haaay buhay teenager at young adult…. tama si tita connie. kailangan ng family therapists. another nakakaintriga statistics dyan ronald ay ang abortion rate na mas mataas pa sa birth rate.

        btw, yung mga amerikanong kaibigan ko dyan ronald na sinabi ko na pwede kong introduce sa iyo ay mahigit sampung taon na silang missionaries sa taiwan. may anak sila na pastor sa chungli na may asawang taiwanese.

  5. totoo yan, nymfs. legal kasi ang abortion dito. pero sa kabila nito, almost 0% ang crime rate ng taipei.most crimes and offenses are petty in nature.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s