Coffee or Tea?

Lumaki akong umiinom ng kapeng barako sa bahay namin sa Batangas city. Doon nga yata nagsimula ang love affair ko sa kape kung saan ang matapang na timpla ng kapeng barako ang aking naging batayan sa pagkakahilig ko sa matatapang na timpla ng kape. Langit sa akin ang makaamoy ng bine-brew na kape. At asahan nyong masigla ako sa umaga kapag nakainom ako ng matapang na kapeng barako. Nang magsimulang maglipana ang mga coffeeshops, naging tambayan ko ang Starbucks, Seattle’s Best at Gloria Jean’s. Nakikipagpatayan ako para makabuo ng mga tamang bilang ng stickers para makakuha ng Starbucks notebook planner (but that’s a different story). Umaattend din ako ng taunang coffee festival noon sa Glorietta.

Sa aming opisina noon sa Ortigas, kapag di pa kami sumusweldo, kahit yung tig d-dalawang piso na three-in-one sachet ng Nescafe ay pinagtityagaan naming magkakaopisna. All for the love of coffee.

Although ina-admit ko na may panahong nag lie low ako sa kape (dahil hindi ako talaga nakakatulog kapag uminom ako nito pag past 4pm na), isa sa mga milyon-milyong bagay na nakapagpasaya sa aking buhay ay ang kape. And I prefer drinking it the simple way—black, strong, bitter and very little or no sugar at all.

Pumasok naman ang tea o tsaa sa aking buhay nang magtrabaho at manirahan na ako rito sa Taiwan. Dati, iniinom ko lang ito sa Pinas kapag kinakabagan ako o kung hindi maganda ang aking pakiramdam. Lipton tea lang ang katapat nyan. Dito sa bansa ng mga Taiwanese, natikman ko naman ang iba’t-ibang uri ng tsaa sa iba’t-iba niyang porma at flavor. Nandyan ang black, green, jasmine, chamomile, oolong, earl grey, peppermint, fruit at kung ano-ano pa. Di lang yun. Ilang beses na rin akong naka-attend ng authentic tea ceremony hindi lang sa Taiwan kundi maging sa Macau, Mainland China at Hongkong. Hindi katulad ng kape na basta mo lang i-b-brew o isasaksak sa coffeemaker, ang seryosong tea drinkers ay maraming seremonyas. Hugas sila ng hugas ng teapot at palipat-lipat sila ng maliliit na tea cups bago nila inumin ang tsaa.

Kumpara sa mabangong aroma ng kape at flavorful nitong lasa, ang tsaa ay medyo bland ang flavor. Malimit nga, ang pakiramdam ko’y umiinom lang ako ng mainit na tubig, pero nang masanay na ako, hinahanap hanap ko na rin ang lasa ng tsaa lalo na ang green tea.

Dito sa Taiwan, dati daw ay predominant na tea drinkers ang mga Taiwanese. Subali’t nang dahan-dahan na rin silang nag-adopt ng Western ways, dumami na rin ang mga coffee drinkers sa islang ito. Lalo na raw sa mga kabataan. Ayon sa aking mga nakausap, lumalaban daw ulit ang tea market sa matinding kompetisyon ng highest selling beverage sa buong bansa.

Magkakasalungat ang claims ng bawa’t isa kung ang pag-uusapan ay kung alin ang mas mahusay na inumin para sa kalusugan. Oo nga’t pareho silang may caffeine, may nagsasabing mas maraming antioxidants ang kape. Mali, sabi naman ng mga maka-tsaa. May masamang reputasyon ang kape. Bawal yan sa may sakit sa puso o may high blood. Mas nakapagpapalinis daw ang tsaa ng toxins o lason sa katawan. Mali, din sabi ng mga maka-kape. Sa isang website, may mga pag-aaral daw na nagpapatunay na kapag uminom ka ng apat na tasa ng black coffee araw-araw, mas mataas ang chance mong hindi ka magkaka diabetes. Meron namang nagsasabing ang regular na pag-inom ng green tea ay nakapagpapababa naman ng chances para ang isang tao ay magka-cancer at magka Alzheimer’s.

Ano ba talaga kuya?

There was a time na pinag sasalitan ko ang pag-inom ng tea at coffee. Kape sa umaga, tea naman sa hapon. Okay sana ang regimen ko na ito hanggang sa napansin ko ngang ang sensitibo ng katawan ko sa caffeine. Konting tsaa o kape lang, nahihirapan akong gumawa ng tulog. Mabilis din akong mag palpitate.

Kaya nitong mga nakaraang linggo, nag declare ako ng truce o ceasefire sa mga inumin. Tubig lang ang iniinom ko ngayon. At maraming maraming tubig. Litro-litro nito. To paraphrase the governor of Batangas: “Not just one, but three or four liters a day!”

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Food, Reflections, Taiwan Life, Trends. Bookmark the permalink.

3 Responses to Coffee or Tea?

  1. Permskee says:

    Akala ko si Susan Roces –“Not once, but TWICE!!!”..Maangas. Mabagsik. Naiyak ako nung napanood ko sha sa news.

    Hinde rin mainam ang green tea sa mga babaeng may family history of breast cancer. Everything in moderation lang talaga. Maximum ko two cups a day and no coffee beyond 4PM.

    Pero ang sarap talaga ng kape sa starbucks, no? May linamnam na di ko maintindihan.

  2. I like the way you said it…”may linamnam na di ko maintindihan.” ako man. naghahanap ako ng mga tamang adjectives para il-describe ang kape, pero ilang synonyms ba meron ang salitang masarap?🙂

  3. Connie says:

    Very informative Ronald. Natuwa akong basahin ang coffee-tea debate mo. Am more of a tea drinker. But, I just drink non-caffeinated teas (mugicha, houjicha)… nainom rin ng coffee po very seldom pero decaffeinated lang po sa Starbucks. At pag di makatulog, chamomile tea, wala ng katapat! Kahit di ko type ang lasa eh, nilalagok ko na lang w/some honey.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s