The Biggest Gainer

Simula nang mag-desisyon akong magsulat ng blogs, conscious ako na huwag talakayin ang aking weight problem. Nahihiya ako. Naiinis. Naiinsecure. Nanliliit. Pero sabi nga ng mga psychologists, confront your demons. Face your problems squarely and look at them straight in the eye. Demonyo kasing mga cellulites na `to. Kahit anong gawin ko, ayaw matanggal. Sige na nga, haharapin ko na. If talking about it can help me wrestle with my demons and get in touch with my emotions, I will talk about it.

Ano nga bang magagawa ko? Nung dumating ako rito sa Taipei, may katabaan na talaga ako. So sabi ko, tamang-tama, dahil mag-isa naman ako, madali kong mapapapayat ang aking sarili kasi wala akong peer pressure. Number one problem ko yan kasi. Pag naaya akong kumain, hindi ako makatanggi. Pag naaya akong mag-inom, lalong di rin ako maka hindi. Ngayong mag-isa lang ako, feeling ko, now is the chance to empower myself. Walang mag-aaya sa aking kumain at uminom at madali kong madidisiplina ang sarili ko.

Una kong ginawa, binawasan ko ang carbs. Since March, hindi ako kumakain ng kanin. Tinanggal ko rin ang karne. Between March and April, fruits and veggies lang talaga ang kinakain ko. Next, nagsimula akong tumakbo. Una, 20 minutes a day. Tapos thirty. Hanggang sa nakaya ko na ang one hour. Aba, okay kako. Nakaka energize talaga ang tumakbo. Tagaktakan talaga ang pawis. Ang dali ko pang makatulog kasi pagod nga. I’m on the right track.

Pero ang hindi ko maintindihan, matapos ang dalawang buwan ng intensive exercise at control sa pagkain, nung tumapak ako sa timbangan, imbes na mag-lose ako ng weight, nag-gain pa ako ng 10 pounds! Anak ng pating, ano’ng nangyari? A few years ago, pwede kong gawing kuwerdas ng gitara ang aking rib cage sa  kapayatan ko. Bakit nagkaganito? Ngali-ngali kong ipagwaswasan at basagin ang  weighing scale. Na-depress ako.

Sa YM chat, naihinga ko ito sa isa kong kaibigan. “Uy,” sabi ko. Tumataba ako.” Ang sagot nya: “Huwag kang magagalit ha. Pero kailan ka na ba pumayat?” Sa aking kaibigan, salamat ha. Hindi ka lang honest. Napakabait at napaka supportive mo rin. You will be blessed a hundredfold.

Pumasok akong office. Ang unang bati ng boss ko. “Ronald, are you gaining weight? You’re getting fat!” I swear, huminga ako ng malalim at nagbilang ako ng 1-10 bago ako sumagot. “I know,” ang nakangiti kong sagot. “It happens to the best of us.” Sabay halakhak pero naghihimagsik ang loob ko.

Habang nangyayari ang lahat ng ito, nagsimula ko ring subaybayan ang local version ng “The Biggest Loser” sa ABS-CBN na pinanood ko religiously sa internet. Nakilala ko silang lahat: sina Larry, Hazel, Raffy, Art, Eden, Win-Win, etc. Nakaka-inspire ang kanilang mga kwento at muli na namang nabuhay ang aking resolve na magbawas ng timbang. Pero wala ring nangyari. Pakiramdam ko, mas lalo pa akong tumaba. Sumagi na isip ko na baka gaya ni Oprah at ni Sharon, mayroon din akong hypothyroidism. Pag meron ka raw nito, either papayat ka o tataba regardless of what you eat and how you exercise.

So pag tumatawag ako sa Pinas, yan ang ini-emote ko sa aking mga close friends. At iba-iba ang kanilang reaksyon:

“Tanggapin mo na. May edad ka na kasi. Konting tiyaga lang.”

“Ituloy mo lang ang diet at exercise. Matutunaw din ang taba na yan”

“May mali sa ginagawa mo. I review mo.”

“Kumunsulta ka na kasi sa duktor?”

“Magpa-lipo ka.”

“Blessings yan from above. Accept it.”

Ang totoo nyan, wala na akong ambisyon na magpaganda ng katawan. Gusto ko lang magbawas ng weight kasi gusto kong maging healthy. Ang hirap ng mabigat. Effort ang magtali ng shoelaces. Kahit mag-cross legs, mahirap.

So, itutuloy ko ang laban. Start ulit.

Linsyak na `yan.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Entertainment, Health, Humor, Reflections, Taiwan Life. Bookmark the permalink.

12 Responses to The Biggest Gainer

  1. bogodoy says:

    Ronald, mauutas ako sa pakikiramay sa iyo. Ojie (Lourdjean) e-mailed me at sabi aliw na aliw sya sa blog mo ngayon kaya andito ako. Parepareho kasi tayo ng wish — ang mabawasan ng timbang. Let’s not lose hope even if we don’t lose weight.

  2. VVV says:

    Ronski, kakatuwa ka talaga…aliw na aliw ako sa sinusulat mo…pinabasa ko pa mga offcemates ko.
    Tuloy mo lang ang ginagawa mo ang pagtakbo at diet,,,i’m sure magiging healthy ka pa rin.

  3. hahaha. thanks, my friends! yan, ganyang klaseng words of support ang kailangan ko!🙂

  4. Connie says:

    Hi Ronald! Ay naku, pareho talaga tayo ng mga ugali. Ikaw ba ay ang aking lost brother? Hehehe😉 just joking. My comments: I enjoy running like you. And yes, this is one of the easiest ways for me to lose weight specially around the belly area. After dinner ako tumatakbo with matching bawas ng amount ng rice na kinakain sa gabi) and mabilis na lumiliit ang aking vel-vel. Pag me marathon akong sasalihan, sa umaga ako nag-praktis rin kasi kina-career ko talaga pag may goal ako.

    Heniwey, in my case, I think genes have something to do with it. My mom is slim kaya baka easier for me to lose weight. So, baka kelangan tingnan natin ang iyong family history? Pero, sa totoo lang, mas type ko na medyo chubby kang tingnan, mas bagay sa iyo (hindi ako sumisipsip, sinasabi ko lang ang aking honest opinion; am looking at you straight in the eye). I am trying to imagine you with the guitar figure eh parang hindi ikaw yun.

    I love myself better now kahit on the chubby side ako. May velvel pa rin ako sa mukha (ala-Janice de Belen) dala ng pag-nap ko sa hapon which I have to do to be a calmer and more patient person.

    And before I forget, isa pa nga palang glaring fact na nabasa ko sa isang book which I bought years ago titled, “Simplify your life”, is that clutter can make you fat. Proven ko ‘yan na totoo (sa pag-obserba ko sa sarili ko at sa iba) . Karen Kingston is the expert on this. People with a lot of clutter in the house are overweight (gaya ko ngayon na super cluttered ang surroundings dahil naglilipat kami). She is talking about both emotional and physical clutter. I was just sharing this in case you may find this helpful.😉 Peace!

  5. Thanks, Connie! Naku, ako na nga yata ang iyong long lost brother kasi mayroon din akong librong “Simplify Your Life.” And I agree sa mga sinabi mo. Yes, may kinalaman nga sa genes ang lahat. Naniniwala na ako dyan. Aware din ako na ang weight management ay bahagi na talaga ng midlife. Kaya good luck na lang sa mga stubborn bilbil na ayaw matanggal tanggal,🙂

  6. Connie says:

    Very, very nice to know … naku, eh baka dapat magsulat ako ng facts about me and then compare it with yours. hahaha😉 oh, wala yang love angle ha! Sa totoo lang, ang mga naka-close ko nung ako eh college at nag-work na eh guys … kahit married (yung mga nasa paligid lang ang mahilig gumawa ng stories at lagyan ng love angle) ! eh ganun talaga ako, anong magagawa ko😉 wala namang malisya … am sure, in your case, marami ka ring ka-close na babae (mag-be-bet ako!) etong hubby ko, puro girls din ka-close nung college sya (eh akala ko nga nun eh bading sya) tapos ngayon mahilig magselos although ayaw aminin hehehe, pero now, mas type ko na ako pipili ng girl friends nya kasi meron din yung mga may vested interest (ayan selosa rin pala hehehe) eniwi, ibang topic na lang baka kung saan pa ito mapunta😉 nagpapatawa lang pero may laman, may bilbil.

  7. Nymfa Aranas says:

    aha! at nandito pala ang nawawala kong sistah sa FB at Yahoo…. hehehe….ronald ako rin walang bola, mas bagay sa iyo chubby look bast wag lang matutulad kay Andrei ang tyan hahaha….

  8. Jennyfer C Beredo says:

    Hay ronald, totoo yang sinabi mo tungkol sa pagweight lose. Ako rin chubby , ika nga mabintog ang mga muscles. kasi lagi rin nagnnap sa hapon, nakakataba ba yon. anyway, aliw na aliw to the max ako sa pagbabasa ng blog mo. Puede ba na iforward ko sa mga friends ko kasi karatdapat siyang basahin at iemulate. tunay naman ang galing mo talaga sa paghabi ng mga salita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s